TIGHT-LIPPED/ chap.27

3.2K 32 0
                                    

Chapter Twenty Seven

[ Ronnie’s POV ]

Smooth sailing ang plano. Nagsipag-alisan na ang mga kamag-anak namin kaya naman ang natitira na lang doon ay ang mga target namin—si Tito Simon, si Macario at si Segmun. Damay na rin dito si Segmun dahil tingin namin ay alam na nito ang lihim ng sindikato lalo pa at kausap niya ang dalawang traydor ng Placibral Syndicate. Gutom na gutom na talaga sa aksyon ang mga tauhan namin kaya pagkadating nila ay agad nilang pinaulanan ng bala ang terrace ng silid ni Tito Simon. Umupo lang ako sa back seat ng Jaguar at pinanood lang sila na nagbababaril. Hindi na nila kailangan pa ng eksplanasyon kung bakit sila nagpaputok kaagad. Sumilip kasi sa pintuan sa terrace si Tito Simon at nakita ang pagdating ng mga tauhan namin kaya bago pa nito maisipan na makatakas, nagpaulan na kaagad sila ng bala. Habang nagbababaril pa sila, ang iba naman ay sumugod na sa mansyon. Kailangan nang burahin ang mga traydor sa sindikato. Kinuha ko ang stick ng sigarilyo sa bulsa ng polo ko at sinubo iyon, pero wala akong makapa na lighter sa bulsa nang may mag-abot sa akin ng silver na Zippo lighter, si Big Boss—si Tito Placido.

Nakangisi ko namang inabot ang lighter para sindihan ang sigarilyo ko.

“Pinaliwanag mo na naman siguro sa kanya ang instructions ko, ‘di ba?” sabi niya sa akin.

“Opo naman,” ngisi ko.

Matagal na. Matagal na matagal na simula ng ampunin ako ni Tito Placido. Iyon ay dahil sa akala niya na hindi sila magkaka-anak noon ni Tita Glorietta. Pinalaki niya ako sa paniniwala na tunay nila akong anak. Pero nang hindi ko mamana ang hacienda, napansin ko na balewala lang iyon sa kanya.

“Siguro dapat mo na malaman ang totoo,” sabi niya sa akin nung gabing pinatay ko sina Louie at Cher, ang mga alaga kong rabbit. “Walang pinamana sayo ang Papa, dahil ampon ka lang.”

 At least, natanggap ko na rin ang katotohanang iyon sa tulong ni Tito Placido. Sinali niya ako sa sindikato nung third year college na ako. Mas malala ang training sa sindikato kaysa sa initiation ng mga fraternity. Pero doon ako lumakas at tumibay. Doon ako maging matapang at tuso.

“Kailangan ko ng buhay ang mag-aama.”

“Mag-aama?” echo ko. “Mag-ama at si Macario.”

“Mag-aama. Nandoon din si Lavinia. Sigurado ako.”

Kawawang babae. Napailing na lang ako saka humithit pa sa sigarilyong hawak ko.

Tutal, mamamatay na rin naman sila, magkakaalaman na ngayon. Makikilala na nila ang Big Boss ng sindikato.

[ Simon’s POV ]

“Kailangan ninyong makatakas,” sabi ni Segmun sa amin ni Macario habang nakayuko kaming nagsisipag-labasan ng kwarto ko.

Dala-dala ko na ang baril ko na kinuha ko pa sa maleta ko. Si Macario naman, nakahanda na ang baril na kanina ay nakasuksok lang sa waistline ng pantalon niya. Si Segmun naman may dala ring sarili niyang baril. Iba na talaga kapag mga boy scout. Shit. Ngayon pa umiral ang pagiging komedyante ko na namana ko sa angkan namin. Hila-hila ni Segmun si Lavinia na nauuna sa amin. Si Macario naman ang nasa pinakahulihan sa amin at palingon-lingon sa paligid.

“Tayo,” sabi ko kay Segmun. “Tayo ang tatakas.”

“Kayo muna ni Macario,” giit niya.

“Kami muna?” takang tanong ni Macario.

“Aaliwin muna namin ni Lavinia ang mga kalaban.”

“Baliw ka na ba? Kami ang sadya nila rito! Wala kayong kinalaman dito, anak!” halos isigaw ko na sa kanya habang patuloy pa rin ang putukan sa labas.

Tight-Lipped (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon