Bagong UPDATE =)________________________
Chapter Twenty
__________________
[Lavinia’s POV]
Hindi ko maintindihan kung bakit ayaw ikuwento sa akin ni Segmun ang tungkol sa paghahanap sa akin ng tatay niya. I don’t have a clue either. Hindi ko pa naman kasi nakikita in personal ang tatay ni Segmun.
Nagpaiwan na lang ako habang siya ay nagpatuloy sa pag-akyat sa hagdan.
Bumaba na lang ako at sumama sa mga pinsan ni Segmun na panay ang daldalan. Mukhang hindi sila nauubusan ng kwento. Sumasagot na lang ako o nagkukwento kapag tinatanong nila ako.
Pero ang isip ko talaga ay naka-focus pa rin sa tanong na bakit kaya ako hinahanap noon ng tatay ni Segmun.
Lalong nagkaingay nang magdatingan pa ang iba pang mga kamag-anak ni Segmun. Karamihan sa kanila ay mga pamilyado na at may kasamang mga bata.
[Segmun’s POV]
Agad naman akong pumasok sa kwarto namin ni Lavinia. Ewan, pero trip ko na matulog na muna kaya natulog nga ako. Madilim na sa kwarto nang magising ako.
Napalunok na lang ako. Ano na kaya ang nangyari kay Lavinia?
Pero mabuti na rin siguro na makilala niya ang pamilya ko. Kaya lang, bakit hindi ko siya kasama? Bakit hindi ako ang magpakilala sa kanya? Agad akong bumangon nang matigilan ako at mapalingon sa terrace.Bukas ang French doors at malayang nakakapasok ang malakas na hangin sa loob ng silid. Summertime pa rin naman pero kapag ganitong gabi na, lumalamig ang temperatura o klima sa hacienda.
Patay ang mga ilaw kaya isang bulto lang ang nakita ko sa pamamagitan ng sinag ng buwan. Isang bulto ng lalaki na nakatayo sa terrace at ngayon ay naglalakad na papalapit sa akin.
Agad kong hinagilap ang lampshade sa tabi ng kama at ini-on iyon.
“Macario!” bulalas ko agad nang makilala ko siya.
Lumingon-lingon sa paligid si Macario at umupo sa gilid ng kama sa paanan ko. May hawak siyang baril at alerting hawak-hawak iyon.
“Segmun, kamusta na ang anak ko?” tanong niya sa akin.
Napabuntong-hininga lang ako. “Ayos lang siya. Huwag kang mag-alala, Papa, ligtas siya dito.”
Tumango-tango siya. Medyo hinihingal pa. Nasa singkwenta anyos na siya pero mukhang may lakas pa naman siya para sa aksyon. Kakailanganin niya talaga iyon para makalaban sa mga naghahabol sa kanya na mga tauhan ng isang sindikato. Delikado ang buhay ni Macario. Kasing-delikado ng pagbabalik-bansa ng aking ama. Hindi ko alam kung bakit nagbalik pa siya sa Pilipinas. Kung hindi ko lang kasama kanina si Lavinia ay kinuwestiyon ko na agad siya. Malakas ang kutob ko na hindi ang reunion ng dahilan ng pagbabalik niya rito.
“Ikaw yung nasa niyugan ano?” basag ko sa pananahimik ni Papa.
Tumango-tango lang siya tsaka ulit ako pinasadahan ng tingin. “Nagbaka-sakali lang ako na… na makita ang anak ko. Nami-miss ko na sila Elena…”
“Tulad ng kasunduan natin, binigyan ko ng bahay at lupa sina Mama,” kwento ko.
“Pero nasa anak ko pa rin ang desisyon, kung magpapakasal siya sa’yo.”
“Tutulungan mo naman siguro ako na mapapayag siya ‘di ba?” baling ko sa kanya matapos akong mapailing sandali para masapo ang noo.
“Alam mo naman si Lavinia. Minsan, pag ayaw niya, ayaw niya talaga.”
Napabuntong-hininga na lang ako. Kahit ano talaga ang gawin ko, mas lamang na ako ang maging talo sa huli.
“Bakit ka pala naparito?” tanong ko. “Ipapahatid kita sa driver kina Mama kung gusto mo.”
“Hindi,” tanggi ni Macario. “Hindi pa ako dapat na magpakita sa kanila.”
“Hanggang kailan mo ba sila pagtataguan?”
“Magtatago ako, masigurado lang na ligtas sila.”
“At sandali lang, Papa,” hawak ko sa balikat niya, “hindi kaya sundan ka ng sindikato rito? Huwag mong sabihin na idadamay mo ang pamilya ko rito?”
Napailing lang si Macario. “Kung alam mo lang na ang iyong ama…”
“Ang aking ama?”
“Ah, Nagbalik-bansa siya. Gusto kong makausap ang tatay mo.”
“Hindi naman duwag ang ama ko, Papa. Umuwi siya rito para sa reunion kahit na may nakasampa pang kaso sa kanya dahil sa bintang na pagiging drug dealer niya gamit ang shipping company ng mga Libral.”
“May kutob ako na hindi lang ang reunion na iyan ang dahilan kaya siya narito. Ang sindikato.”
“Sindikato?” Napailing na lang ako. “Ikaw, ikaw kasama sa sindikato pero huwag mong itutulad sa iyo ang aking ama, Papa. Hindi sa minamata kita pero… mayaman ang angkan namin. Hindi na kakailanganin pa ng Papa na magpayaman pa sa pamamagitan ng pagsali sa mga sindikatong iyon.”
“Maiintindihan mo rin ako,” sabi niya tsaka tumayo para lumabas sa terrace. Sinundan ko siya at pinanood na dahan-dahang bumababa sa pamamagitan ng isang step-up ladder.
Ngayon, kailangan ko munang hanapin si Lavinia. Iniwan ko na ang silid namin.
BINABASA MO ANG
Tight-Lipped (COMPLETE)
RomanceRich girl Lavinia Montez had everything when all of a sudden, she found herself pushing a "kariton". How is this possible? Bakit? Paano? At kung hindi pa sapat iyon na problema, heto at dumagdag ang kanyang ex-boyfriend na si Segmun! He was offering...