TIGHT-LIPPED/ chap. 22

3.3K 45 0
                                    

Chapter Twenty-Two

____________________

[Lavinia’s POV]

Nasa hapag na ang lahat para sa dinner meeting nang dumating si Segmun. Agad niyang pinaalis si Lora sa tabi ko at umupo siya.

“Bakit ngayon ka lang lumitaw?” tanong sa kanya ni Papa Simon. “Iniiwan mo lang basta-basta itong girlfriend mo, oh.”

“Nakatulog ako eh,” sagot niya tsaka ako dinampian ng halik sa pisngi.

Hindi ko alam. Pero parang walang lambing ang halik na iyon. Binalingan ko si Segmun na tila lukot ang mukha. Hindi ko naman mahulaan kung ano ang iniisip niya.

Habang kumakain ay pinag-uusapan na ang arrangement para sa salo-salo sa reunion. Nililingon ko sa tabi ko si Segmun, pero abala lang ito sa pagkain.

“Ikaw, Lavinia, what do you think?” tanong sa akin ni Tito Placido.

Pilit na lang ako na ngumiti. Mabuti at palagay na ang loob ng mga Libral sa akin. Gayundin naman ako sa kanila dahil nakihalubilo ako kanina nang iwanan ako ni Segmun.

“Well, pinagkakatiwala ko naman sa inyo ang choice ng catery and stuff, ang naiisip ko lang na idea is about the set-up.”

“Anong set-up?” tanong ng isa sa mga tiya ni Segmun.

“Well, since, one week ang family reunion, maybe magandang gumawa ng divided parties. Like, sa Monday, puro mga older members ng clan ang magpaparty so it means, there should be 50s or 80s music  and may age limit… hmm, 50 years old ang above and mga pwedeng magsama-sama. Tapos on Tuesday, mga bata naman, toddlers, so ang pagkain ay ice cream, hotdogs na may marshmallows, candies, tapos may games. Then, on Wednesday, yung mga teenager. Syempre ang gusto ng mga yan yung latest music, so iyon ang ipapatugtog sa party nila. On Thursday, mga middle ages, hmmm… 20 to 40 years old ang magkakasama sa party. Sa Friday, yung mga mag-asawa at couples,” napabaling ako kay Segmun na napatitig rin naman sa akin kaya narinig ko ang nanunuksong ayiiiiie nina Lora at Julia. “At provided ang sweet music dun. Sa Saturday , hahatiin natin lahat. Sa mansyon magpaparty ang mga babae lang at sa garden naman sa labas ang mga lalaki. Then, on Sunday, mixed party na, lahat magkakasama.”

“That’s good,” asang-ayon ni Tita Glorietta, ang asawa ni Tito Placido. “And sa Sunday may exchange gift dapat ang lahat.”

“Gosh, that should have been said, Tita,” simangot ni Julia, “malayo ang malls dito para makabili ng gift.”

“It doesn’t have to be bought,” ngiti ni Tita Glorietta. “Dapat pag-mamay-ari mo na pwede mong iregalo o ibigay sa mabubunot mo sa exchange gift.”

“That’s good,” sang-ayon ni Lora. “Mas tipid pa.”
Pagkatapos nag-concentrate na ang lahat sa pagkain ng hapunan nila.

“Segmun,” bulong ko.

“Bakit?” bulong din ni Segmun sa akin.

“May problema ba?”

Umiling siya. “Wala. Mukha ba akong may problema?”

“Di ka kasi nagsasalita eh.”

“Hindi naman talaga ako nakikisali sa pagpaplano ng family reunion.”

Hinintay ko muna na makalunok siya ng kinakain niyang steak bago ko ulit siya tinanong.

“Bakit parang worried ka kanina?”

Napabuntong-hininga siya. “Wala yun.”

“Wala, wala. Ganyan ka naman noon pa.”

“Lavinia…”

Tight-Lipped (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon