TIGHT-LIPPED/ chap.19

3.6K 48 1
                                    

Chapter Eighteen

__________________

[Segmun’s POV]

Pagkatapos mag-almusal ay nagyaya ang mga pinsan ko na ilibot ko sila sa hacienda, kaya wala na akong nagawa kundi ang isakay sila sa van at ilibot sa maisan, niyugan at rancho. Sa rancho kami nagtagal dahil sa nag-enjoy sila sa pangangabayo nang dumating si Kulas, isa sa mga gwardiya ng hacienda.

“Senorito,” sabi niya sa akin habang magkatabi lang kaming nakatayo ni Lavinia na nakasandal sa bakod ng rancho, “may mga bagong dating po.”

“Sino?”
“Mga kamag-anak ninyo, Senorito. Sina Senor Placido at ang pamilya niya. Ati si Don Simon nandito na rin. May mga darating pa raw siguro.”

“Aba” O______O “Two days pa bago mag-Lunes ah? Ang aaga naman yata nilang nagsipag-datingan para sa reunion? Sige, Kulas, pakisabi kay Nanay Celia na pag nagtanong sila kung nasaan ako, pakisabi papunta na kami sa mansyon. Nandito lang kami ng mga pinsan ko sa rancho.”

“Opo.”

Sumibad na siya paalis.

Nilingon ko si Lavinia.

O_______________O

“Bakit ganyan ang mukha mo?” tanong ko.

“Hindi ako takot no?” halukipkip niya.

“Bakit sinabi ko ba takot ka?” Parang tinatanong lang eh. Lagot sa akin ‘to pag nabuntis ko to. Lahat na yata ng katarayan niya sa akin na lang lagi binabaling.

“Segmun, PA lang ako rito. PA!”

“Hanggang ngayon ba naman ‘di ka pa rin maka-get over na girlfriend na ulit kita?” sapo ko sa ulo ko.

“Kung hindi lang dahil sa utang na loob! GRRRRRRR!”

Inakbayan ko siya. “Alam ko rin naman na mahal mo pa ako.”

“Ow really? Grabe ha? Kampante ka talaga!”

Tinitigan ko ulit siya sa mukha.

“Wag mo na kasi pigilin yang feelings mo. We should get over the past. As simple as that.”

>___< “Pagkatapos ng mga sinabi mo sa akin NOON!”

“It’s just the past. Hindi ko pa alam ang mga sinasabi ko noon.”

Katahimikan.

Nilingon ko ulit siya.

“So does it mean—“

“No. I won’t forget it, Segmun.”

Inalis ko ang braso ko sa balikat niya para makaharap ako sa kanya.

“Bakit ang hirap-hirap para sayo na kalimutan yun?”

Nakipaglabanan lang siya ng titigan sa akin.

“I don’t know what you are up to, Segmun. Pero malalaman ko din. And why now ‘di ba? Bakit ngayon mo lang ako naisipang hanapin at—“ umiwas na siya ng tingin. “And since that fight, you stopped calling or texting me.”

“Hinintay kitang mag-text o tumawag, Lavinia.”

“Oh great!” Napataas pa siya ng dalawang kamay na parang nagsasabing I surrender! “So, naghihintayan lang pala tayo! WHOOOOOOOOOOOOOOOOAAAAA!”

“Hindi ka naman kasi sumasagot sa tawag ko, Lavinia. Pati text ko ‘di mo sinasagot.”

“Siyempre, hindi pa kasi malamig ang ulo ko nun! You should have never stopped trying to call or text me!”

Tight-Lipped (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon