TIGHT-LIPPEd/ final chapter

5.9K 61 0
                                    

FINAL CHAPTER

_____________________

[ Macario's POV ]


"Nasaan ang susi?" galit na tanong sa akin ni Placido sabay hablot sa collar ng damit ko.

"Boss!" tawag ng isang tauhan niya. "Nawala ang mga bihag!"

Napalingon sila sa puno ng niyog na malapit sa kadiliman. Napamura si Placido at inutusan sila na hanapin sina Lavinia pero parang nag-freeze na sila sa kinatatayuan nila nang magsulputan na ang mga pulis para hulihin sila.

Hindi ba ang boring? Nawala na yungkonting thrill na habulan at putukan. Ay, kanina pa pala nangyari iyon. Habang hinuhuli na ng mga pulis sina Placido, nagpasama naman ako sa iba pang mga pulis para hanapin ang anak ko at sina Simon.

Kanina, nung nasa basement ako at naalala na nilagay ko pala sa bulsa ni Segmun ang wallet ko kung saan naroon ang susi, ay agad akong lumabas. Tulad nga ng inaasahan ko, may mga tao si Placido na nakabantay sa gate ng hacienda kaya nag-ober da bakod na lang ako. Oh, hindi ba? Kalabaw lang ang tumatanda at nakaya ko iyon. Basta naka-ober da bakod ako. Pagkatapos ay inabangan ko ang tinawagan ko na mga pulis sa pinakamalapit na tindahan, fifty kilometers ang layo sa hacienda. Paano ako mabilis na nakapunta doon? May hinarangan akong tricycle driver na napakiusapan ko naman. Pagkarating doon ay pinakiusapan ko sila na patayin ang wang-wang ng mga sasakyan nila. Buti at mga nakinig naman sila sa akin, gawin ko ba namang hostage ang hepe nila eh. Napagkamalan kasi ako na isa sa mga kalaban ng mga gago, kaya hayun, ginapos ng braso ko ang leeg ng hepe nila at tinutukan ito ng baril sa ulo. Kung hindi nila susundin ang plano ko, papasabugin ko ang ulo niya. Naniwala naman ang mga uto-uto kaya nagplano na kami.

Hindi kami sa main gate ng hacienda dumaan. Umikot kami hanggang sa bakod na sementado ng rancho. Doon namin pinarada ang mga sasakyan at saka nag-ober da bakod ng tahimik. Tumawag na rin sila ng back-up para mag-asikaso sa mga bantay sa main gate ng hacienda. Nang abot-tanaw na namin ang mga tao ni Placido na naglilipat ng mga inimbak na droga sa truck, doon na lubusang naniwala sa akin ang hepe kaya napagkasunduan namin na ako ang gawing pain kina Placido. Kaya nahuli nga nila ako.

After five months...

[ Lavinia's POV ]


Nilingon ko si Segmun.

Binalingan niya ako at tinitigan ako kaya nag-iwas agad ako ng tingin.

"Macario," giit ni Papa habang nakatayo sa harapan namin ni Segmun.

"Simon Paulo Seigusmundo!" giit naman ni Papa Simon na nakatayo rin, kaharap ni Papa.

Napahilamos ng sarili niyang palad sa mukha si Papa.

It's been five months since the incident. Mukhang naka-move on na naman kaming apat sa mga pangyayari.

Hindi nakulong ang Papa at si Papa Simon dahil sila na rin ang tumayong witness laban sa Placibral Syndicate na twenty years na rin palang namamayagpag dahil sa palihim na mga transaksyon nila na may kaugnayan sa ilegal na droga.

Sa ngayon, medyo hindi lang ako naka-get-over dahil mula sa Romance genre ng istoryang ito ay napadpad kami sa Action genre. XD

"Pahihirapan mo pa ang apo ko sa haba-haba ng pangalang iyan," kontra ni Papa sa suhestiyon ni Papa Simon. "Macario Libral, hindi ba ayos na 'yun? Sayo na nga ang apelyido, pati ba naman pangalan sa'yo pa rin?"

Tight-Lipped (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon