TIGHT-LIPPED/ chap. 13

3.9K 49 0
                                    

WARNING!! WARNING!!!

May konting ehem scene sa chapter na ito xD HAHA.


Chapter Thirteen

__________________________________________

[Lavinia’s POV]

Tahimik lang kaming kumain sa dining room that night. Pagkatapos naming kumain, hinila kaagad ako ni Segmun. Hindi man lang niya hinintay na makatapos sa pagkain si Ronnie. Agad kaming lumabas ng bahay at hila-hila niya ako sa kamay na isinakay sa kotse.

“Pupunta na tayo kina Mang Fabian para maaga tayo makauwi,” sabi niya habang nagmamaneho sa medyo baku-bakong daan. Hindi kasi sementado ang karamihan sa lupa ng hacienda. “Panigurado, matatagalan tayo dahil sa kamustahan.”

Marahil nga. Mukhang close si Segmun sa mga trabahador niya. Ganun naman yata talaga siya. Kahit sinong tao madali lang niyang napapakisamahan. Kahit ba hindi type ni Segmun na kasama iyon, mukhang peaceful pa rin ang lahat sa pagitan nila. Parang katulad na lang nila ni Ronnie na parang may galit sa pagitan nila pero hindi sila gumagawa ng gulo at pinakikisamahan na lang ang isa’t-isa.

“Sabi ni Ronnie, next week daw ang family reunion ninyo dito sa hacienda ah?”

“Oo nga eh. Nakalimutan ko na nga ang tungkol diyan.”

“So, ako lang pala mag-isa sa bahay mo for one week no? It means wala kang business appointments for that week.”

Nilingon niya ako sandali, salubong ang mga kilay.

“Anong mag-isa ka lang sa bahay ko?”

“Eh this week, naman itong hacienda at ang 6 am corporation meeting mo lang ang nasa schedule mo. Tapos one week ang family reunion ninyo. Eh ‘di hindi mo kakailanganin ng PA dito.”

“Girlfriend kita. At family reunion iyon. So, dapat nandoon ka.”

Pinag-ekis ko ang mga braso ko at tumingin lang ng deretso sa kalsada.

“I get it. Gets ko na talaga ngayon kung ano ang motibo ng pagtulong mo sa akin.”

“Ano?”

“Gagawin mo akong bogus lover sa family reunion ninyo for display.”

Tinawanan lang ako ni Segmun.

>______< HMPH I should have known better!

“Utak makata ka talaga, Lavinia. Bagay ka talagang writer.”

“GRR.”

“Di ba puro nobela ang inaatupag mong isulat noon? Nasaan na?”

“Nasa Wattpad tsaka wag kang mag-iba ng topic! Sabi na nga ba at gusto mo lang akong gantihan!”

Nilingon niya ako ng nakataas ang isang sulok ng labi. “Look, Lavinia. Bakit pa ako magpapakahirap na paggastusan kayo ng pamilya mo kung gusto ko lang ng idi-display na girlfriend para sa family reunion ng mga Libral?”

“Ewan ko sayo! Malakas ang trip mo eh!”

Tumingin na ulit siya sa kalsada. “Siya, ganyan ka naman kahit noon pa eh. Wala kang tiwala.”

“Drama mo,” medyo pumihit ako patalikod sa kanya at tumingin lang sa labas ng bintana.

[Segmun’s POV]

Tight-Lipped (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon