TIGHT-LIPPED/ chap. 19

3.4K 49 1
                                    

Chapter Nineteen

___________________________

[Lavinia’s POV]

“Hala ka, Segmun! Hinimatay!” – Lora

“Humihinga pa ba yan?” – Harvey

“Sus, di lang niya kinaya ang lakas ng karisma ko, hehe.”- Segmun

Yabang-yabang. May araw ka rin sa akin, Segmun.

Parang ayaw ko na nasa loob ng bibig ko yung dila ko.

Nararamdaman ko yung pagsipsip niya.

>///////////////< SHHHHHHHHHHHHHHET.

Hindi ko alam kung mababastusan ako sa nangyari o kikiligin.

Ang lakas din naman ng loob niya na ganunin ako, pagkatapos ko siyang awayin sa rancho.

Nakiramdam na lang ako. At para maging convincing ang pagkahimatay ko hinayaan ko na lang na magpa-sway-sway ako kapag dumadaan sa malubak yung van. Pero sandali lang ako nagpa-sway-sway, kasi may biglang humila sa akin at pinasandal ako sa kung sino.

“Kuya Segmun, gisingin na natin si Ate Lavinia, malapit na tayo sa mansyon.” – Naddie

Naririnig ko pa rin ang daldalan nina Lora sa bandang likuran ko. Ang reunion na ang topic nila.

Tapos may naramdaman akong mahinang tapik sa pisngi.

“Honey, gising na.”

Si Segmun pala itong sinasandalan ko. Kung hindi lang ako nagpapanggap na hinimatay, naku!

Hindi ko alam kung gaano ako katagal na nagpanggap na hinimatay. Basta nung huling gising na sa akin ni Segmun, nagdilat na lang ako ng mga mata.

“Nandito na tayo,” sabi sa akin ni Segmun  pero dinedma ko na lang siya.

Nahihiya akong harapin ang lalaking ito.

Pinagbuksan ko ang sarili ko ng pinto at agad na bumaba ng van.

Tapos pumasok na kami sa mansyon. Agad naman na umakbay sa akin si Segmun.

“Kalimutan mo na muna ang naging away natin, okay?” bulong niya sa akin.

Palibhasa para sa kanya ang dali lang balewalain ang feelings ko. HMFT. >_<

Hindi ko na siya sinagot.

“TITO!!!!!!!” tili ni Lora tsaka yumakap sa mga naghihintay sa amin sa living room.

Ang nakilala ko kaagad ay si Tito Placido nila. Long time ago kasi ay nagkasama na kami ni Sir Placido sa isang art convention. Siya ang guest speaker dahil isa siyang pamosong art critique at ako naman ang nag-proxy sa magi-speech sana na writer dahil nung mga panahong iyon ay amateur writer ako na nag-aaral sa workshop ng publishing house nila.

Nilapitan kaagad kami ni Sir Placido.

“You look familiar,” ngiti niya sa akin.

Naglahad ako ng kamay para makipag-handshake. “Remember the Ultimate Art Convention Twelve Years ago, Sir Placido?”

“Maria Camilla’s proxy?”

I nodded my head. “Yes.”

“Montez.”

Tight-Lipped (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon