TIGHT-LIPPED/ chap.4

6.7K 99 0
                                    

Chapter Four

[Lavinia’s POV]

Nang hindi ko na tanaw yung kotse ni Segmun doon na lang ako naging malayang ngumiti JJJ

Biruin mo nga naman. Sa laki ng galit ko sa lokong iyon, konting ganito lang parang nawawala na agad.

Pero that doesn’t mean hindi ko babaguhin ang treatment ko sa kanya.

Mabuti na yung maingat.

Pag nagpakita ako ng interes kay Segmun, I know, sasamantalahin niya ulit iyon. Tulad noon…

“Ayaw ko na kasing masaktan pa.” – Segmun

“Sus, may mga tao nga na mag-asawa na sila nasasaktan pa rin sila. Hindi talaga maiiwasan na masaktan.”

“So, gusto mo talaga na sinasaktan ako? May plano ka na saktan lang ako?”

“Segmun, hindi sa gan’un. May mga pagkakataon lang kasi na kahit ayaw natin, nasasaktan pa rin tayo dahil sa mga sitwasyon…”

“Ewan!”

“Ako, nasasaktan ako, pero lumayo ba ako sa iyo, Segmun?”

“Good night!”

 

U_________U – Ang saklap talaga nung kabataan ko.

“Hoy, Ate, wag ka dito matulog,” interrupt sa akin ni Alfred.

“Loko to, mukha ba akong natutulog? Kitang nakatayo ako rito eh.” >___<

“Nage-emote ka na naman, babalik din yun no.”

“TSE! Napaka-etchusero mo talaga kahit kalian!”

“Sus, alam ko naman na si Libral ‘yun eh. Di ba boyfriend mo ‘yun?”

“NOON!” sabi ko sa kanya tsaka ginusot ang buhok niya. “Pumasok na nga tayo sa bahay.”

Nasa kwarto na sina Marta at Albert. Wala pa kasi kaming mga appliances pero kung may TV na kami, panigurado, magpupuyat ang mga kapatid ko sa panonood ng cartoons. Tinulungan ko si Mama sa paghuhugas ng mga pinggan.

“Anak,” salita ni Mama, “May itatanong ako sa’yo.”

“Ano naman ‘yun, Ma?”

“Kanina ‘di ba, nag-flashback tayo?”

Tumango-tango ako.

“Bakit hindi na kayo nagkabalikan ni Segmun? Pinayagan naman kita kahit na ayaw ko naman sa kanya noon para sa’yo, ‘di ba?”

*SIGH* “It’s so complicated kasi, Mama.”

“Hindi Facebook status ang tinatanong ko, anak,” abot niya sa akin ng nasabunan na niyang pinggan, ako kasi ang taga-banlaw.

“Eh, kumplikado talaga, Mama,” buntong-hininga ko. “Alam mo yung, para kaming nagliligawan, kasi gusto niyang makipagbalikan, tapos parang ako pa ang nanliligaw sa kanya. Ang gulo eh! At paiba-iba na bigla ang mood niya. Masaya siya, tapos bigla siyang magagalit sa akin. Magkabati kami, nagso-sorry tapos mag-aaway bigla. Naguguluhan tuloy ako, Mama. Sasabihin ko na sana sa kanya na, pwede nang maging tayo ulit kasi… kasi mahal pa rin kita, kaya lang, bigla akong mauunahan ng away namin kaya… ang gulo, Mama. Hanggang sa naisip ko na, hindi ako minahal ni Segmun. Pagod na akong masaktan at magpakatanga na kahit ilang beses nang masaktan balik pa rin ng balik sa kanya.” Nilingon ko si Mama na nakatitig na lang pala sa akin. “Alam niyo ‘yun. Yung… kung mahal niya ako, bakit niya ako sinasaktan?”

Tight-Lipped (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon