TIGHT-LIPPED/ chap.29

3.5K 47 0
                                    

Chapter Twenty-Nine

____________________________

[ Segmun’s POV ]

Hila-hila kaming dinala ng mga tauhan ni Ronnie papunta sa niyugan ng hacienda. Hindi ko talaga naisip na kasangkot si Ronnie dito. Katabi ko lang si Papa at Lavinia na Parehong kabado.

“Papa,” bulong ko na tawag kaya napalingon sa akin ang aking ama.

“A-Anak,” aniya.

“Hindi niyo man lang sinabi sa akin na sangkot dito si Ronnie!”

“Hindi ko rin alam, anak,” mahina niyang sagot. “Ako rin ay nagulat dahil kasali na siya sa sindikato.”

Napayuko na lang ako. “Kaya marahil hindi maganda ang pakiramdam ko kapag nasa paligid si Ronnie.”

“Segmun,” tawag sa akin ni Lavinia kaya napalingon ako.

“Bakit?”

“Nasaan na ang tatay ko?”

“Shh…” saway ko kay Lavinia.

“Boss!” sabi ng lalaking humahawak kay Lavinia. “May isa pa yata silang kasama.”

Agad naman na nilingon kami ni Ronnie. Sheesh. Ngayon napansin na niya na wala si Macario. Hindi ko naman masisisi si Lavinia kung nag-aalala siya kung nasaan na napadpad si Papa Macario.

“Si Macario,” paniningkit ng mga mata nito saka ako sinugod at hinila pataas ang kuwelyo ng polo ko. “Nasaan si Macario, hm?”

“Hindi ko alam.”

Hinigpitan pa niya ang pagkaka-clutch sa kwelyo ng polo ko. “Nasaan na si Macario?”

“Nasa likuran lang namin siya kanina!” sigaw ko. “Pero bigla na lang siyang nawala. Hindi namin napansin dahil hinuli niyo nga kami.”

Binaba na ako ni Ronnie para sapuin ang noo. “Shit.”

“Kayo ang nanghuli sa amin, hindi niyo man lang napansin na may pumuslit sa inyo?” ngisi ko habang ginagapos ako ng mga goons niya ulit.

“Putang-ina!” mura niya sa akin.

“Nakakatuwa ‘di ba? Natakasan ka ng paretiro na ang edad,” tawa ko lang.

“Segmun,” narinig kong tawag sa akin ni Lavinia.

Agad na tinutukan ako ng baril ng pikuning si Ronnie. “Babasagin ng bala ko yang bungo mo pag hindi mo ako tinigilan, Segmun!”

Napasinghap si Lavinia at pilit na kumakawala sa mga may hawak sa braso niya na para bang kaya niyang harangan ang bala pag tinira na iyon sa akin ni Ronnie. Pero tinawanan ko lang si Ronnie.

“Maghunos-dili ka, Ronnie! Ang pinsan mo ang babarilin mo!” saway naman sa kanya ni Papa.

“Shit. Pinsan?” mapakla siyang tumawa saka lumakad palapit sa akin nang nakatutok pa rin sa akin ang baril. “Alam kong ampon lang ako nina Tito Placido nung hindi pa sila magkaanak nina Tita Glorietta.”

Mukhang lalong nanlambot ang aking ama. “R-Ronnel…”

“Ronnie, ‘di ba ang sabi ko sa’yo, dalhin mo sila sa akin ng buhay?” interrupt ng isang tinig sa likuran ni Ronnie kaya napunta doon  ang tingin namin.

Hindi ko inaasahan na ang tinig na iyon pala ay pag-mamay-ari ni Tito Placido.

[ Placido’s POV ]

Matagal ko na ring hinihintay ang pagkakataong ito—ang makapaghiganti sa mahigpit kong karibal, ang aking kapatid na si Simon Paulo Libral. Pagkaalis ni Ronnie para tulungan ang mga tauhan sa paghahalughog ng mansyon, sumakay na ako sa van par magpahatid sa liblib na bahagi ng niyugan. Pagkarating namin doon ay nasa kalagitnaan na ng pagtratrabaho ang aking mga tauhan. Inaahon na nila ula sa hukay ang inimbak naming mga gramo-gramo ng droga. Matagal na ang negosyong ito pero hindi pa pumapalpak na tulungan akong makakalap ng malaking halaga ng pera, Pesos man o Dolyar. Habang iniitsa nila sa malaking truck ang mga droga ay bumaba na ako ng sasakyan para bantayan sila sa kanilang trabaho. Nagsindi ulit ako ng sigarilyo at pinanood sila. Paano nga ba ako napunta sa negosyong ito ay hindi na aksidente. Mukhang nakatadhana na nga yata ito. Tadhanang ginusto ko naman.

Tight-Lipped (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon