CHAPTER 30
_____________________
[ Macario's POV ]
Kahit kailan talaga mahirap asahan ang mga pulis kung minsan. Mapapatay na ako ng mga tao ng sindikato wala pa sila!
Ratatatatatatatat!!!!!!!
Pasimple akong gumapang papunta sa basement. May isa pa kasi iyong pintuan palabas ng mansyon. Alam ko iyon dahil doon ako nagtago ng ilang araw mula kina Segmun dahil nga sa paghahanap ko sa wallet ko. Kinapa ko sandali yung wallet sa bulsa ko at napalunok nang hindi ko iyon makapa. Sumandal muna ako sa pader bago lumabas sa pintuan palabas ng mansyon sa basement na iyon at kinapkapan ko pa ang sarili ko. Tsinek ko ang iba ko pang mga bulsa.
Anak ng teteng. Saan na ngayon napunta ang wallet ko? Kailangan ko iyon ngayon din at...
Oo nga pala. Isinilid ko ng palihim pala ang wallet sa bulsa niya kanina...
[ Lavinia's POV ]
Nanatili lang akong tahimik habang iginagapos kaming tatlo nina Segmun sa isang puno ng niyog. Napalunok na lang ako nang iwanan kami at pinanood ko ang sako-sakong droga na iniimbak nila sa hukay na iyon at nililipat sa truck.
"Lavinia," bulong na tawag sa akin ni Segmun kaya napalingon ako sa kanya.
"Hmm?"
"Tatakas tayo rito," tila pangako niya sa akin tsaka inabot ang kamay ko para isilid sa kamay niya.
Kahit sa ganoong sitwasyon, na-manage ko pa rin na ngumiti.
"Segmun..."
Naputol ang pag-uusap namin nang dumating sina Ronnie hila-hila ang nagpupumiglas kong ama.
[ Simon's POV ]
Nagulat na lang ako nang hila-hila na nina Ronnie si Macario. Patay. Nahuli na siya. Mukhang wala nang pag-asa para sa amin para makatakas pa mula kay Placido. May pag-asa pa kaya na mapagbago ko ang isip ng aking kapatid? Kahit ano naman kasi ang sabihin ko ay hindi niya pinansin. Iniwanan pa nga niya kami na bantay-bantay ng mga bata niya kaya nanahimik na lang din ako.
Narinig ko na nag-uusap sina Segmun at Lavinia. Hay, hindi dapat na nadamay pa ang anak ko sa kaguluhang ito. Napapikit na lang ako. Kung ako na lang ang papatayin ni Placido, dahil sa pangarap niyang 'di natupad dahil sa akin o dahil man sa pagtatraydor ko sa sindikatong pag-mamay-ari pala niya ay mas matatanggap ko pa kaysa sa pagbayaran din ng anak ko ang lahat ng ito. Napadilat na lang ako ng mga mata nang marinig ang nagpupumiglas na si Macario.
Agad naman na lumapit sa kanila si Placido. Mukhang handa na siyang patayin kami dahil kinasa na niya ang hawak na pistol. Pagkalapit kay Macario ay tinutok niya ang nguso ng baril sa ilalim ng baba niya, malapit sa lalamunan, kaya napatingala siya pero ang mga mata ay nakatingin pababa sa mukha ni Placido.
"Ikaw pala si Big Boss," halos kapos-hiningang sambit ni Macario.
Napapilig ng ulo si Placido at ngumisi. "Masaya. Mukhang kumpleto na ang mag-aama."
"Tama," buntong-hininga ni Macario saka kami binalingan ng tingin.
Kung natatakot man siya. Hindi ko iyon makita.
"Pero bago ang lahat--" baba ni Placido sa hawak na baril na nakatutok kay Macario, binalingan niya ang mga tauhan, "--kapkapan niyo siya."
Kinapkapan naman nila si Macario.
"Hanapin niyo ang kahit anong susi sa bulsa niya. Ibigay ninyo sa akin."
Maang lang kaming nanood. Parang gusto ko na ring magreklamo sa writer ng nobelang ito. Ganito na lang ba ang role namin ni Segmun? Nakaupo lang at nanonood?
"Segmun!" narinig kong bulong ni Lavinia sa anak ko kaya napalingon ako sa kanya.
"Huwag kayong maingay," bulong lang ni Segmun habang dahan-dahan na inaalis ang lubid sa katawan namin.
"Pa'no--"
"May baon akong kutsilyo," sagot ni Segmun.
Napalingon ako. Wala na nga pala yung dalawang goons na nakabantay sa amin dahil tinawag na sila ni Placido para kapkapan si Macario na hawak-hawak ng dalawa pa niyang mga tauhan. Sina Placido at Ronnie naman ay kapwa nakatalikod at nag-aabang kung makukuha ba ang susi sa damit ni Macario.
"Ang bilis mo namang naputol 'yung tali?" tanong ni Lavinia kay Segmun.
"Kanina ko pa ito ginagawa," bulong niya tsaka gumapang papunta sa kadiliman.
Sumunod naman kami ni Lavinia sa kanya.
"Paano ang Papa?" tanong ni Lavinia.
Hindi sumagot si Segmun. Nilingon ko sandali sa likuran ko si Macario na kinakapkapan pa rin tsaka ako tumingin sa unahan.Papunta sa malapit na halamanan si Segmun. Marahil ang pagtatago ang naisipan nitong gawin muna.
"Anak," mahinang tawag ko sa kanya na nagpalingon sa kanya. "Paano si Macario?"
"Hindi nila sasaktan si Papa Macario," sagot niya.
Nagsipag-upuan na kami sa likuran ng halamanan para mamahinga ng kaunti. May dinukot si Segmun mula sa sarili niyang bulsa-- ang wallet ni Macario.
BINABASA MO ANG
Tight-Lipped (COMPLETE)
RomanceRich girl Lavinia Montez had everything when all of a sudden, she found herself pushing a "kariton". How is this possible? Bakit? Paano? At kung hindi pa sapat iyon na problema, heto at dumagdag ang kanyang ex-boyfriend na si Segmun! He was offering...