TIGHT-LIPPED/ chap.12

4.2K 51 0
                                    

Chapter Twelve

______________________________________

[Segmun’s POV]

Ilang minuto ko na ring tinititigan si Lavinia.

Nagising ako nang ipitin niya ako. ^____^ Hehe. Malikot matulog.

Nakayakap siya ngayon sa akin, yung isa niyang binti nakapatong sa dalawa kong binti malapit sa balakang ko at yung isa niyang braso nakapatong sa dibdib ko. Kagabi hindi naman siya ganitong kalikot matulog.

Hindi na ako masyadong gumalaw. Baka, maiba pa posisyon namin eh. Hehe.

Medyo tumaas din yung palda niya pero bahala na. Kaya ko pa namang magtiis.

Tapos, tsaka ko lang napansin na may nakatayo at nakasandal sa hamba ng pinto.

Istorbo. >___< #%^#$@$Y%#%!

Dahan-dahan ko tuloy na nilayo sa akin si Lavinia. Kinumutan ko siya kaagad at tinutok sa kanya ang electric fan habang crossed-arm na pinanonood lang ako ni Ronnie. Tapos nilapitan ko na siya.

“Kanina pa ako kumakatok, pero walang nagbubukas ng pinto,” sabi niya sa akin.

“Alam ko,” sagot ko saka sinuklay ng daliri ang buhok ko. “Eh di sana hindi ka na pumasok kung ayaw kang pagbuksan ng pinto.”

Tumaas lang ang sulok ng labi niya. “I can’t believe na naunahan mo ako sa paghahanap sa kanya.”

Alam kong si Lavinia ang tinutukoy niya.

“It’s been damn five years or so,” I hissed. “Hindi ka ba makahanap ng ibang babae?”

“Si Lavinia ang gusto ko.”

“Ronnie, bakit bang gusto mong lagi akong kinukumpitensya? Mula sa pagmamay-ari sa hacienda at mga negosyo ni Papa, sa pagiging paborito ni Lolo Manuel…”

“Because I want Lavinia,” ngisi niya. “Sorry, pinsan. Pero para kasing, pareho tayo ng gusto sa lahat ng bagay. Mula sa pagmamay-ari, brand ng kotse, babae…”

“Hindi lang basta babae sa akin si Lavinia, Ronnie. Now leave. Tapos ka na naman siguro mangabayo, pwede ka nang umuwi ng Maynila. Kung sira ang kotse mo, bibigyan na lang kita ng pamasahe.”

“I’ve decided to stay here until next week.”

O____O “Ginagalit mo ba talaga ako, Ronnie?”

Tumawa siya ng konti. Nilingon ko si Lavinia. Buti at tulog mantika pa rin siya.

“Hindi naman. Pero baka nakakalimutan mo, next week na ang family reunion.”

SHIT. I should have known. Oo nga pala. At itong mansyon sa hacienda ang napili ni Papa na spot para sa family reunion namin.

“Nauna na ako sa kanila, since wala na naman akong gagawin sa motor company ko.”

*buntong-hininga* “Yeah. Now, out.”

Humakbang na paalis si Ronnie kaya sinara ko na ang pinto.

I used to see myself in Ronnie before. Nung bata pa siya kasi tahimik siya at medyo mahiyain sa pamilya. Nung eight years old siya, ayun, he became greater than me. Naging mas kapuri-puri kaysa sa bastardong tulad ko.

Tight-Lipped (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon