STILL INTO HIM

258 34 48
                                    

Sorry for the wrong grammars and typos. 😂 BTW. some chapters are private so better keep to follow me. Feel free to Comment and vote. 😘😘😘 xoxo

★★★

PROLOGUE

30 missed calls and 200 messages.

Ilang text at missed calls na ito sakanya pero wala padin siyang sagot. His phone keeps on ringing but he didn't answer. Kinakabahan,naiinis,may masamang kutob, hindi siya ganito.

Kanina pa ito sa restaurant na pinag-usapan nila. 5 hours na itong naghihintay simula 7pm kaya naman ay inis at kaba ang nararamdaman nito. Nag-ayos ito ng husto para sa date nila. Pero hindi dumating ang binata.

Alas dose na ng gabi kaya naman naisipan rin na lng nitong umuwi na lang. Agad nitong binayaran ang bill at saka naman itinanggal ang heels nitong 6 inches para makatakbo ng mabilis papuntang parking lot habang hawak hawak ang laylayan ng red velvet silk gown nito.

Nag-aatubiling pinaandar ang kotse at saka pinaharurot iyon papunta sa condo nila. Galit, inis at kaba ang sumasakop sa kanyang dibdib. Kaya wala siyang pake kung may humabol sakanyang mga pulis dahil alam niyang over speeding na siya.

Nakarating siya sa condo nila na walang sumusunod na pulis kaya patakbo siyang pumunta sa elevator at pinindot ang 57th floor. Naninikip ang kanyang mga dibdib dahil sa galit, inis at pag-aalala.

Ethan, asaan ka ba? Anong nagyayari sayo.

Napatalon siya ng magring ang elevator, hudyat na ito ay bubukas. Agad niyang tinungo ang pinto ng kanyang pad at nanginginig na buksan iyon. Ngunit pagpasok niya ay walang tao. Napansin niyang nasa parking lot ang kotse ni Ethan pero walang tao sa loob ng condo. Napaka-imposible nito.

Are he playing pranks with me? Kung oo hindi na ito nakakatuwa.

Tinungo niya ang kwarto nila at may napansing brown long envelop. Mukhang iniwan ito ni Ethan kaya agad niya itong binuksan.

Napahawak siya sa kanyang mga bibig dahil sa pagkabigla. Laman nito ang mga hubo't hubad na larawan ng kanyang kasintahan at isang hindi niya kilalang babae. Nakapatong ang babae sa katawan nito. May mga kiss mark sa katawan ni Ethan. It seems that they had sex. May picture din na magkayakap sila sa kama.Napansin niya rin ang date sa picture ito ay ang mismong date ngayon. At mismong kwarto pa nila ito ginawa!

Nanubig ang kanyang mga mata. Hindi niya alam ang kanyang gagawin. Hindi niya napigilang pumatak ang mga luha na kanina niya pa pilit na hindi ilabas.

Is this his right way to breaking up with her?

Namilipit siya sa sakit na nagmumula sa puson niya. Kaya napapikit siya kasunod nito ang pagdaloy ng mainit at malagkit na pulang dugo sa kanyang mga binti. Napahagulgol siya sa sakit na nararamdaman niya ngayon.

Ang baby ko...

Kasabay ng pagbagsak ng kanyang luha ay nangdilim ang kanyang paningin. Naramdaman nalang niya ang pagbagsak ng katawan sa kama.

Ang baby ko....



Still Into Him Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon