Chapter 13

68 14 44
                                    

💖😍😊😭💔 hihihihi

ENJOY READING!! 😘

Chapter 13

Nakaupo si Laura sa swing sa isang park at katabi naman nito ang kanyang anak. Even if she got pregnant in the age of 19 and gave birth at 20 she's so happy to have her little trophy.

Grumaduate ito na kasama ang anak sa intablado karga karga ito hanggang mabigyan siya ng mga parangal. Kahit minsan ay hindi niya ikinahiya ang bata.

"Mommy? I want strawberry ice cream!" Nanguso ito sa nagtitinda ng ice cream.

"Give mommy kiss first" sabi nito at tinuturo ang pisngi niya. Agad namang tumalima ang bata at masayang ginawaran ito ng halik sa pisngi.

"Is it enough na?" Sabi ni Lauren habang nakanguso.

"Yes baby, let's buy na!" Sabi nito at inilhad ang mga kamay. Inabot naman yun ng bata.

Nang makabili sila ay kumain sila sa bench. Pareho silang nakangiti habang kumakain ng ice cream.

"Bata! Ang ganda naman ng mata mo" lapit ng isang batang lalaki kay Lauren.

"Thank you!" Sagot ni Lauren sa bata habang nakamasid lamang si Laura sa dalawang batang nag-uusap. She find it so cute.

"Babye muna! My Mommy will kill me if I go far from her e" pagpapaalam nito at umalis.

"Hoy loka loka!" Nagulat si Laura ng marinig niya ang boses na yun. Parang binuhusan ng malamig na tubig ang katawan niya. 

Unti unting nilingon niya ang may-ari ng boses na yun na nasa likod lang ng upuan niya.

Hindi siya nakapagsalita sa pagkakagulat. Ayaw niyang makipag-usap dito dahil sa nangyari sa yacht nito.

"Himala hindi mo ako sinabihan ng supot" natatawang komento nito. Inirapan na lamang nito ang binata.

"Mommy? What is supot?" Nagtatakang tanong ni Lauren at inilipat lipat ang tingin sa kanilang dalawa. Naghihintay na may sumagot.

"Supot is tagalog term for plastic" pagrarason nito sa bata  habang pinipilit na ngumiti.

"Okay mommy!" Matamis na sagot nito at nakatuon na sa kinakain nitong ice cream.

"Hay naku Ethan! Muntik na akong mapahamak!! Kundi talaga makukutusan kita!" bulong ni Laura sa sarili at nagpipigil ng inis.

"I' can hear you" sagot nito at mahinang tumawa.

"Mommy? Sino po siya? We have the same color of eyes po" tanong ni Lauren at tinuturo ang mga mata ni Ethan.

Tumaas ang sulok ng labi ng binata. Samantala hindi naman alam ni Lauren ang isasagot niya. Napalunok siya sa tanong ng bata. Ano nga ba ang isasagot niya?

"I'm Ethan Madrid. I'm your mommy's friend" sagot nito at hinaplos ang pisngi ng bata. Kita sa mga mata nito ang kislap at tuwa. "Pinaghili ka yata sakin ng mommy mo kaya nakuha mo kulay ng mata ko" nakangiting tugon nito.

"Umm.. Okay po." Polite na sagot ni Lauren habang inuubos ang ice cream.

"Hello guys! What's happening in here?" Tanong ni Zyler at papalapit sa kanila.

"Daddy!!!" Tiling sambit ni Lauren at niyakap ito ng mahigpit.

Nakaramdam ng kirot ang puso ni Ethan. Ngunit pilit niya pa ding ngumiti.

" Napadaan lang ako ng makita ko sila dito. Ilang blocks lang ang layo ng bahay ko e" sabi ni Ethan at tumango lamang si Zyler. "By the way, about the case ako na ang kakausap kay Yextor and salamat ulit sa tulong" sabi nito at nakipagkamay.

Still Into Him Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon