Chapter 25

25 8 5
                                    

READ. COMMENT. VOTE. AND BE A FAN! 💖💖💖✨✨✨

Chapter 25

"Fuck!" Malakas na bulalas ni Ethan ng tamaan siya ng bala sa braso dahilan para gumewang ang chopper.

Napatili naman sila Laura at Lauren dahil dito. Parehas na rin silang umiiyak sa takot.

"Ethan, tiisin mo. You need to drive it until we reach the place" sambit ni Zyler at may hawak na baril. Binabaril niya ang mga tauhan ni Keung.

"Yes, I will" mariing sabi ni Ethan. Kailangan niyang gawin ito dahil nasa kamay niya ang buhay ng mag-ina niya. Kailangan niyang ma-landing ng tama ang chopper.

Nakalayo na sila sa hotel, gayundin sila Reaper at Yextor. Mag kakasunod sunod lang ang chopper nila. May mga tama ng bala ang mga chopper.

Bigla namang tumunog ang walkie talky na ginamit din nila sa Taiwan.

"This is Reaper, speaking" ani sa kabilang linya.

"What?" Tipid na sagot ni Zyler. Nag aalala siya sa trauma na maaabot nila Laura at Lauren dahil sa sunod sunod na problemang dumadating sa buhay nila.

Bigla namang gumewang ang chopper nila kaya naman nagtilian na naman sila Laura at umiiyak.

"Sorry, sorry fuuccckk" sabi ni Ethan at tinitiis ang kirot sa braso.

"Change plan, sa bahay na tayo lumanding it is about 50km north east" sabi ni Reaper

"Roger that" sagot ni Zyler.

"Kailangan nating magmadali ang daming dugong nawala sayo" sabi ni Zyler. Puno ng inis at galit ang mukha niya. Hindi man lang nila napatay si Keung.




"I know, I know. Kailangan kong mafocus ang pag pipilot" marring sabi ni Ethan. Halatang hirap na hirap na ito ngunit hindi naman nila pwedeng ibaba kung saan ang chopper dahil hindi nila sigurado kung ligtas ba sila.



Malapit na sila sa bahay ni Reaper ng makita nilang may usok ang elesi ng chopper nila Yextor. Nagpapanic na rin sila sa loob ng chopper. Hindi nila alam ang gagawin dahil kung lalanding ito sa bahay ni Reaper ay paniguradong masusunog iyon at sasabog.


"Hindi! Hindi pwede!" Sigaw ni Laura habang tinuturo ang elesi


"Shit! Shit! Shit!" Mura ni Zyler na halata ang gigil.


Nag-aalala sila kay Lexa  na nagdadalang tao na nasa loob ng chopper kung nasaan si Yextor.


Biglang bumulusok sa dagat ang chopper nila Yextor. Nasa tabing dagat kasi ang bahay ni Reaper.



"Hindi!!" Sigaw ni Laura at umiiyak.


"Tita Lexa!" Iyak naman ni Lauren.

"Hindi! Hindi pwedeng may malagas sa atin! Hindi!" May diing sabi ni Ethan at inilapag ang chopper sa dalampasigan.



Imbis na lagyan ng balot ang braso ay lumusong siya sa dagat kung saan bumulusok ang chopper.

"Ethan! Kami ng bahala sakanila! Kailangang tapalan iyang braso mo!" Sigaw ni Xion sa kanya.

Ngunit patuloy parin siya sa paglusong kasama si Zyler. Mas sumakit ang sugat sa kanyang braso dahil sa tubig ng dagat na may asin. Pero tiniis niya ito.


"I need to find my Brother, my bestfriend and my friends" nilangoy niya ang malalim na parte ng dagat. Pinigilan din diya ni Zyler ngunit hindi talaga ito mapigilan.

Sinisid niya ito at nakita niya ang chopper.

Kasama niya si Zyler sa pagsisid at nakita nila parehas na pilit na makawala sa chopper sila Leithan ngunit na-trapped sila sa loob.

Mabilis namang rumesponde si Reaper gamit ang speed boat nito. Umahon muna sa dagat sila Zyler dahil sa lalim ng dagat.


"We need to be very fast, buntis si Lexa" sagot ni Zyler at umangkas sa speed boat. Ganun din naman si Ethan.

"You are wound up, just stay here man" utos ni Reaper.

May aparato si Reaper na kayang humiwa ng bakal at iyon ang nakita nila sa monitor sa speed boat. Kuha iyon sa ilalim ng tubig may camerang nakadikut sa aparatong kinokontrol ni Reaper. Marahil isa ito sa mga naimbento niya.


"May isa pa tayong problema hindi sila makaahon, nawalan sa ng malay" sabi ni Reaper at tinuturo sa monitor ang mga katawan nila Leitan.


"I will do it" sabi ni Zyler at akmang tatalon na sa tubig ng biglang magsalita si Ethan.


Wala ng oras para mag suot ng oxygen kaya naman ay sisisid na lang siya.

"No, dahil sakin ito kaya ako na" bilis ang bawat galaw ni Ethan kaya hindi siya napigilan.

Kahit masakit ang braso ay sinisid niya ang dagat. Nakita niya ang malaking hiwa ng chopper dahil sa aparato ni Reaper.

Unang niyang iniahon ang katawan ni Lexa at siya namang inabot ni Reaper.

"Sasama ako" sabi ni Zyler at tumalon din sa tubig.

Parehas silang sumisisid at naiahon nila ang katawan ni Warren at Yextor. Si Leithan na lamang ang natira. Sa ilalim kaya kailangan nilang magmadali.

Sabay ulit silang sumisid at nakuha nila ang katawan ni Leithan. Ngunit bago pa nila maiahon ito ay may pating na pumalibot sakanila.  Naamoy marahil nito ang dugong nagmula sa braso ni Ethan.

Pinauna na niya si Zyler at wala namang magawa ito kundi ang sumunod. Naiahon nito si Leithan.


Ang pating ay akmang susugurin siya ng hablutin niya ang kutsilyong nasa bulsa niya at sinaksak sa leeg ng pating.

Lahat ng galit ay naibuntong niya sa pating kaya naman ay pinagsasaksak niya ito. Pati ang mga kaibigan niya ay nadamay sa gulo ng buhay niya. Hindi niya rin magbigyan ng tahimik na buhay sila Laura.

Hindi pa sana siya titigil ng hablutin siya ni Zyler at pilit na inaahon.

Still Into Him Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon