Chapter 2

119 27 20
                                    

Chapter 2

"I WANT HER RIGHT NOW!" sigaw ni Ethan sa mga tauhan niya. Galit na galit ito dahil sa ginawa ng babaeng hindi naman niya kilala. "Kapag hindi niyo siya maibigay sakin pasesesantihin ko kayo!"

"Yes, sir" ani ng mga ito at isa isang umalis. Hawak hawak ang tig-iisang kopya ng resume ng babaeng kinaiinisan niya.

She's gonna pay for this. Wala pang nangbastos sa kanya ng ganito kaya naman makakatikim ang babaeng ito. Nakakuyom ang mga kamay at sinuntok ang mesa nito.

"MOMMY?? Finally you are here na" sabi ni Lauren na may matinis na tono.  Malambing niyakap siya nito. "Daddy Zyler is at the kitchen"

"Tara sa kitchen baby" nakangiting sabi ni Lauralaine at hawak kamay na pumunta sa kusina.

"Oh andyan ka na pala" ani ni Zyler at inaayos ang mga pinggan sa lamesa. "Kumusta ang pag-aapply mo?" Tanong nito ngunit nakatuon ang atensyon sa pag-aayos ng lamesa.

"Malabo, hindi ako papasa" malungkot na sambit nito at umupo. Katabi nito ang anak niyang si Lauren.

"Ewan ko ba sayo, sabi ko naman na wag ka ng maghanap ng trabaho." Matigas na sabi nito at umupo na rin. "I can sustain you and Lauren needs, may sarili naman akong company" nakatingin ito kay Lauralaine.  "Bakit mo pa kailangan mag trabaho andito naman ako"

"Umm, baby? Can you go to your play room? May pag-uusapan lang si mommy at daddy" tanong nito sa anak niya at hinaplos ang pisngi nito.

"Yes mommy" sabi nito at lumabas ng kusina.

"Zyler hindi tayo kasal at wala tayong relasyon, alam mo yan." Sabi nito at bumuntong hininga.

"Matagal na akong nagpropose sayo but then wala ka pading sagot" seryosong tanong nito. "Binibigay ko naman ang lahat para sa baby natin" hinawakan nito ang mga kamay nito. "Hindi mo pa rin kayang mahalin? Please para kay Lauren itigil mo na ang pagtatrabaho at mag focus ka nalang sa anak mo"

"I really don't know" sambit ni Lauralaine at kinagat ang pang-ibabang labi. "Pag-iisipa-" napatigil ang dalawa ng may nag door bell.

"Ako na ang magbubukas" alok ni Lauralaine at nagmamadaling binuksan ang pinto.

"Miss Lauralaine Santiago? Kailangan niyo pong sumama sakin ngayon" sambit ng isa sa mga nakablack suit at hinawakan ang mga braso niya.

"Teka! Teka! Saan niyo ako dadalhin?" Sabi nito at pumipiglas.

"Kay Sir Ethan po" sabi sa mga isa rito at isinakay siya sa black montero.

"Lauralaine?? Saan ka pupunta?" Tanong ni Zyler at kinakatok ang bintana ng kotse.

"Kuya pwede pakibaba ng bintana? Kakausapin ko lang siya" agad naman bumaba ang bintana ng kotse.

"Zyler, take care of Lauren ha? Babalik din ako kaagad may aayusin lang ako" magsasalita pa sana si Zyler ng paharurutin na ng driver ang kotse.

"Ay, grabe ka kuya bastusan? May kausap pa ako oh. Ito uma-attitude" sabi nito at pinagkrus ang kamay sa dibdib.

"Sorry Ma'am pero baka po magalit na si Sir samin" ani nito.

Nakadating naman sila sa gusali nito pero pinagtitinginan siya ng mga tao rito. Malamang ikaw ba naman palibutan ng mga nakablack suit e. Mukha kang kriminal.

"Sir andito na po siya" sabi ng isa sa mga ito.

"Iwan niyo kami dito at i-lock niyo ang pinto" sabi nito at seryosing nakatingin dito.

Nangmakaalis na ang mga ito ay binasag ni Ethan ang katahimikan.

"Hoy lokaloka, ano yung ginawa mo sakin kanina?" Tanong nito at sumandal sa lamesa nito.

"Kung ano man ang ginawa ko deserve mo yun" sabi ni Lauralaine at pumameywang. Inirapan niya ang binata.

"Alam mo bang wala pang nag taas ng middle finger sa harapan ko?" Matalim na titig niya sa dalaga.

"Well, ibahin mo ako sa kanila" taas kilay na sambit nito.

"Kailangan mo ng trabaho, ri-" naputol ang sasabihin nito ng sumagot na agad ang dalaga.

"No, hindi ko na kailangan magpapakasal na ako sa may-ari ng oil company sa Abu Dhabi" tinignan niya ang reaksyon ng binata ngunit walang emosyon iyon. Kumirot ang puso niya. Hindi ba siya pipigilan nito?

"Then go ahead" sabi ni Ethan at tumalikod.

"Nga pala para sayo ulit sa pag-iwan mo sakin dati" itinaas na naman niya ang middle finger niya. "Babye Ethan ASSHOLE" agad naman na umalis si Lauralaine sa opisina nito. Narinig niya rin ang inis na sigaw ni Ethan.

"HINDI PA TAYO TAPOS!!" napangiti na lamang si Lauralaine at tuluyang lumisan sa gusali.

****
Author's note:

Binago ko yung title from saudade to still into him kasi madaming lumalabas at natatabunan yung story ko huhuhu. Ayun lang. :) Xoxo

Still Into Him Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon