Chapter 4

90 19 15
                                    

Chapter 4

"Mommy , Daddy? Punta po tayo sa ilustrado restaurant please. I want to eat there" yaya ni Lauren habang nakapout ang red lips nito.

Such a cutie.  Sino ba ang makakatanggi sa ganitong ka-cute na bata? Kaya naman ay kinarga ito ni Zyler at hinalikan sa pisngi.

"Yes, baby we will" at tumingin naman ito sa direksyon ng dalaga. "Let's go?" Ngiting tanong nito kay Laura.

Tumango ito at ngumiti.

"Yehey!!" Matinis na sigaw ni Lauren.

Habang nasa daan ay hindi maiwasang isipin ni Laura na mahal na mahal ni Zyler si Lauren at gayundin naman sakanya. 

Paano kung pumayag na siyang magpakasal dito?

Nang makadating na sila sa Ilustrado restaurant ay kaagad na nilang tinawag ang waiter.

"Daddy!! Spaghetti!!" Lambing na sambit ni Lauren kay Zyler.

"Yes baby ko" sabi nito at hinalikan ang noo ni Lauren. " One order of Spaghetti and buffalo wings." Baling ng binata sa waiter. "Ano sayo Laura?" Tanong nito sa dalaga.

" One order of lasagna" ngiting sagot nito. "And red iced tea na ang drinks namin" pagkalista ng waiter sa kanilang in-order ay umalis na ito.

"Daddy? Let's play!!" Aya ni Lauren sa mini play room sa loob ng restaurant.

"Sige pero saglit lang tayo dun ha?" Sabi nito at tumayo. "Laura babalik din kami agad ha?" Sambit nito at hinaplos ang kanyang mga pisngi.

"Wag kayong magpapawis ha. Wala tayong dalang extrang damit." Pagpapaalala nito.

"Yes mommy!" Sagot ni Lauren habang hinahatak si Zyler. Napangiti na lang ang dalaga.



.

"Hoy lokaloka?!" Nagulat siya nang marinig ang pamilyar na boses na iyon.

"Ay! Supot!" Gulat na nasambit niya.

"Excuse me? Hindi ako supot no? Baka gusto mong makita" sabi ng lalaking nakatayo sa harapan niya. Nagtaas siya ng tingin at mas nagulat pa siya  na makitang si Ethan ito.

"Nagulat lang ako, hindi ko sadya." Inirapan niya ito. "Kapal din ng mukha mong magpakita sakin no? Pagtapos ng ginawa mo sakin. Akala mo ganun ganun na lang yun?" Pagsisinungaling niya dahil matagal na niyang napatawad ang binata. Siguro nga ay nagalit siya dito dahil sa pag-iwan sakanya nito kasama ang babae niya. But she can't be forever mad at him. Hindi niya kayang magalit sa lalaking ito habang buhay.

"Hoy lokaloka, hindi ko alam yang pinagsasabi mo no. Naka-drugs ka ba? Ewan ko sayo kung bakit hindi ka pa na-tokhang" sabi nito at umupo sa harapan niya.

"Ano bang kailangan mo? Stalker kita no? Ikaw ha sinusundan mo ako" panunudyo niya kay Ethan at natawa ng mahina.

"Sinusundan your face. Tss. Nga pala hindi ka pa bayad sa ginawa mo sakin at mismong opisina ko pa."  Matilim na titig nito kay Lauren.

"Bayad your face. Umalis ka na nga sa harapan ko. Panira ka ng araw! Chuu chupe" Pagtataboy nito sa binata na para bang langaw ito.

"Boys have a big ego. Bigger than their d*cks" seryosong sambit nito. Napalunok ang dalaga sa sinabi nito.

"Sino namang poncho-pilatong nagsabi sayo niyan? Ang sarap namang kaltukan" nanghahamong sabi nito at itinaas ang kilay.

"Hindi mo alam ang pinasok mong gulo. Magsisisi ka din sa huli na ginawa mo sakin yun" nakangising sabi nito.

"Malamang sa huli sino bang paquito na nagsisisi sa umpisa?" Pinagkrus ng dalaga ang kamay niya sa harap ng kanyang dibdib. " Wag mo nga akong matakot takot. Hindi ka nga natakot ng iniwan mo ako e" mahinang sabi ng dalaga. Kahit lumipas na ang 5 taon ay may kirot parin sa kanyang puso. Nakakamiss rin palang maki-pagdebate dito.

"Anong sinabi mo?" Tanong ni Ethan na nakakunot ang noo.

"Wala sabi ko maligo kana" sagot ni Laura at inirapan ulit ito.

Magsasalita pa sana si Ethan ng....

"Hey Laura. We're back" nagulat siya ng biglang sumulpot si Zyler at Lauren.

Agad namang tumayo si Ethan at inilihad ang kamay kay Zyler.

"Hi, I'm Ethan Madrid owner of Pacific Bank" pagpapakilala nito kay Zyler

Hindi mapaliwanag ni Laura ang kaba sa mga nangyayari. Parang may tensyon sa pagitan ng dalawang binata.

"Hello, Zyler Fuentes owner of Alpha Omega Oil Company" nagshake hands ang dalawa at nagkangitian.

Agad naman nilang binawi ang kanya kanyang kamay.

"Gotta go, may appointment pa ako" paalam ni Ethan habang nakatingin kay Lauren. Na mas lalong ikinakaba ni Laura.

"Babye!!" Masayang sambit ni Lauren kay Ethan.

Tamang tama naman na dumating na ang in-order nila. Habang kumakain ay nagkatinginan sila ni Zyler.

Jealous crossed in his handsome face.

#BillionaireVs.Billionaire

Still Into Him Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon