Chapter 1

167 26 41
                                    

Leave a comment and vote!! 😘😘😘

Chapter 1

Kabadong nakaupo si Lauralaine sa isang mahabang sofa kasama ang iba pang mga aplikante na nagbabakasaling matanggap bilang isang sekretarya sa isang pinakangkilala bangko sa Asia. Na ngayon ay kinikilala na rin sa buong mundo.

Ito ay ang Pacific Bank.

Kailangan niyang makapasok dito dahil lumalaki na ang gastusin nila ng anak niyang si Lauren.

"Miss Lauralaine Santiago? You're next." Malapad na ngiti ng isang babae at iginaya niya ito sa isang malaking silid.

Inayos niya ang kanyang damit at hinawi ang mga maliliit na hibla ng kanyang mga buhok. Kailangan niyang makapasok. Last interview na ito at ang magi-interview sakanya ay ang mismong may-ari ng bangko.

Bakit ang mismong may-ari? Sapagkat siya ang may kailangan ng bagong sekretarya. Gusto nitong papasa nga talaga ang susunod na sekretarya sa standards niya.

Sakto namang umikot ang swivel chair. Nasapo niya ang kanyang mga bibig. Hindi siya makapaniwala sa kanyang nakita kaya naman kinusot nito ang mga mata niya. Pinagloloko ba siya ng tadhana? Kumirot ang puso niya.

"So you are Miss Lauralaine Santiago? Oh bakit parang nakakita ka ng multo?" Sabi nito at nakakunot ang noo.

Ginagawa ba siyang gago nito? Paano niya makakalimutanang kagaguhang ginawa nito dati? Bakit ang galing niyang magpanggap na hindi siya kilala nito?

Manloloko.

"Bakit parang hindi mo alam?" nagtagis ang mga bagang nito. "Wag mo na akong gaguhin Ethan, graduate na ako sa panloloko mo. Kailangan ko ngayon ng trabaho" saka naman inirapan ang binatang nasa harapan nito.

"Excuse me? Do I know you miss?" Sabi nito at matalim na nakatingin ang mga mata nito sakanya.

Bakit hindi siya makilala nito? O nagpapanggap lang ang gago?

He still have those butterscotch​ eyes, square jaw, pointed nose, tan skin, and broad shoulders. She knows that he even have abs too.

"Don't tell me na nakalimutan mo na ang pangagago mo sakin?" Sabi nito na nakapameywang. Aba magaling din magpanggap itong gago na ito e.

" You are crazy, I don't even know you" sabi nito at umiling iling. Bahagyang nasaktan siya sa sinabi nito. Paglipas ng 6 na taon nalimutan na siya nito? Malamang may sarili na rin itong pamilya kasama ang malandi niyang babae!

"Get out? Or I will call the guards?" Sabi nito at hawak hawak ang telepono na nasa lamesa nito.

Shit! Malamang sa malamang hindi siya matatanggap sa minimithi niyang trabaho. Okay lang yan Lauralaine madami pa dyang mahahanap na trabaho hindi dito lang sa hayup na ito.

"May paa ako kaya aalis akong mag-isa. Sige, babye manloloko" sabi nito at tumalikod sa binata upang umalis sa opisina nito nang.... "By the way para sayo ito at sa panlokoko mo" itinaas nito ang middle finger niya habang nakatalikod sa binata.

Agad agad siyang umalis sa gusali ng binatang niloko siya at ngayon ay nagpapanggap na hindi siya kilala.

Ganito na ba siya kaabala kakahanap buhay para hindi malaman na si Ethan Madrid pala ang may-ari ng bangkong ito?

Bakit hindi siya makilala nito? O nagpanggap na naman ito?





Still Into Him Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon