WARNING: SPG AHEAD!! Charot!
Chapter 11
Nasa basketball court si Ethan. Siya lang mag-isa sa sarili nitong court sa rooftop ng kanyang bahay. Hawak hawak nito ang bola habang nakatingin sa ring. Nakaposition ito para i-shoot ang bola.
Ngunit nasa isip parin nito ang mga salitang binitawan ni Lauralaine. Nang umalis ang dalaga sa yacht nito ay umuwi rin siya makalipas ng 30 minuto. Gusto niyang mapag-isa para makapag-isip isip.
Bumuntong hininga muna ito bago i-shoot sa ring ang bola. That was a nice shot. Kaya naman ay umupo muna siya sa bench para uminom ng tubig. Nang may mga kamay napumulupot sa kanyang leeg.
"Hello, honey?" Malambing na sabi ni Kendra at hinalikan siya nito sa pisngi.
Walang nararamdaman ang binata para rito. Kaya naman nagtataka siya kung bakit niya ipinagpalit si Lauralaine kay Kendra. Lauralaine is much interesting than Kendra, even much more prettier.
"Hi" matipid nitong tugon at muling uminom ng tubig
"Honey? Maligo ka na. Pawis na pawis ka na oh" nag-aalalang sabi ni Kendra habang pinupunasan ang mga butil ng pawis sa kanyang mukha at leeg.
"Mamaya na. Gusto mo ba akong mamatay?" Sarcastic na tugon nito.
Baka naman ay may nararamdaman talaga siya para kay Kendra? Dahil hindi naman niya ipagpapalit ang isang tao kung walang dahilan. He just need to give Kendra a chance.
"Halika na sa kwarto mo magpalit ka muna at magpahinga bago maligo" paanyaya nito sakanya habang hinahatak siya. Wala naman siyang magawa kundi ang sumunod dito.
Nang makarating sila sa kwarto nito ay pinaupo siya nito sa maliit na sofa sa paanan ng kama niya.
Pinabayaan niya si Kendra na mag-ayos ng susuotin niya. Maya maya pa ay lumapit ito sakanya at tinanggal ang t-shirt niyang basang basa ng pawis.
"Wag kang tututok sa electric fan ha? Baka magkasakit ka." Sabi ni Kendra habang pinupunasan ang katawan niya ng may mga pawis.
"Ayaw mo akong magkasakit pero kanina gusto mo akong paliguin agad" natawang sagot nito sa dalaga.
Napanguso ang dalaga at maglalakad na ito papalayo pero hinigit nito ang mga kamay ng dalaga dahilan para maupo ang dalaga sa hita niya.
"E-Ethan??!!" Gulat na sabi ng dalaga.
Hinigpitan niya ang pagkakayakap nito. Para malaman kung may kakaiba siyang nararamdaman para dito.
Pero wala. But he needs to try again so he buried his face to her neck. It makes Kendra moan.
"Sabi sakin ni Lauralaine na ikaw daw ang bago kong girlfriend. So sinasabi mo nga ang totoo?" Sabi nito habang nakasubsob ang mga mukha sa leeg ng dalaga.
"I told you Ethan. Akin ka" sabi ng dalaga at humarap sa mukha nito para halikan ang mga labi nito.
Ngunit sa hindi niya malamang dahilan ay umiwas siya rito. Parang buong pagkatao niya ay tutol na magpahalik rito.
"Umm... Kukuha muna ako ng tubig" sabi nito ngunit umiiwas lamang siya sa dalaga. Agad namang mapatayo ang dalawa.
Shit Ethan! Hindi ko talaga alam kung anong nakita mo kay Kendra! Bakit ka nagkagusto dito?
Mga salitang umiikot sa ulo niya habang naglalakad papunta sa kanyang kusina. Iniwan nito si Kendra na nasa silid niya.
Hanggang ngayon ay hindi niya padin malaman kung ano ang nagustuhan niya kay Kendra. Ilang years na silang nagkakasama at nag-uusap simula ng mawalan siya ng alaala pero niminsan wala siyang nararamdaman para rito. Kahit pa sinasabi ng dalaga na siya ang kasintahan nito.
BINABASA MO ANG
Still Into Him
General FictionSo with Lauralaine, she's suffering from past they had shared with someone she really loves. Since he left her without saying good bye, everything become a mess. Now, someone is trying to get her heart and slowly she already get over to the man w...