THIS CHAPTER IS FULL OF 😍💖😊😱 HIHIHIHI. HOPE YOU LIKE IT GUYS. 😘😘*****
Chapter 6Lauralaine is so busy preparing herself. She put some simple make-ups on. Maganda na siya kaya she don't need thick make-ups. She's wearing a black long off-shoulder dress na hapit sa kanyang bewang at balakang para makita ang sexy curves nito. Pinartneran niya rin ito ng 5 inches na heels. She tied-up her hair into a messy bun.
Nang matapos siya ay bumaba siya sa salas kung saan nakita niya si Zyler. Napakakisig nito at matipuno. Idagdag mo pa ang olive green eyes nito.
"You are so gorgeous" ani ni Zyler at hinawakan ang kanyang balakang papalapit sa matipunong katawan nito.
Nagkatitigan ang dalawa. His olive green eyes are so hypnotizing.
Pakshet ka Zyler tama na!! Mahuhulog na ako sayo niyan e.
Mga salitang tumatakbo sa utak ni Laura.
"Umm? Thank you. Alis na tayo" naiilang na sambit ni Laura. Hindi siya makahinga sa ginawa ni Zyler
"Manang Rosi? Ikaw po muna magbantay kay Lauren ha? May welcome back party po kasi kaming pupuntahan" magalang na paalam ni Zyler sa mayordoma.
"Baby? Behave ka ha? Aalis muna kami ni daddy. I love you anak" ani ni Laura at ginawaran ng halik sa noo ang bata.
"I love you mommy and daddy. Mag-iingat kayo ha? Papakabait po ako dito" malambing na sabi ni Lauren.
"Good girl ka ha? Aalis na kami" ani ni Zyler at hinaplos sa pisngi si Lauren.
Sumakay na ang dalawa sa Red Aventador Lamborghini at pinaharurot iyon papunta sa venue ng party.
"Sino ba ulit pupuntahan natin doon?" Tanong ni Laura habang nasa daan.
"Leithan Lawton" matipid na sambit nito.
Napahawak sa bibig si Laura. "S-siya yu-yung stepbrother ni Ethan!!" Gulat na sambit ni Laura.
"So? Interested?" Sarkastikong tanong ni Zyler.
Napatahimik na lamang si Laura hindi niya alam ang sasabihin niya sa binata. Ayaw niya itong magtampo sakanya.
"Laura, ayokong makita na interesado ka sa ibang lalaki." Sabi nito at hindi inaalis ang tingin sa daanan. " Nagseselos ako" sabi nito at hinawakan ang kamay niya.
May kabang nararamdaman si Laura. Kung ano man ito ay hindi siya makahinga.
Nakarating sila sa venue. Pamilyar sakanya ito dahil pinunta siya dito ni Ethan dati. Ito ang rest house ng mga Madrid.
Nang magpark sila ay halos lumuwa ang kanyang mga mata sa dami ng mga mamahaling kotse na nandito. Porsche, Ferrari, BMW, Volvo at marami pang iba.
Nang makababa sila ay iginaya sila sa loob ng mansyon. Mapakaelegante at napaka modern style nito na mga mayayaman lamang ang makaafford.
"Hello Zyler and Laura?" Nakangiting bati ni Leithan at nakipagkamay. Natuwa ang dalaga na kilala parim siya nito.
"Laura? Pwede ko muna bang hiramin ang boyfriend mo? Mag-uusap lang kami" pagpapaalam ni Leithan kay Laura.
"Sure, dito lang ako maglilibot libot" nakangiting sambit ni Laura at tinapik sa balikat si Zyler.
Napadpad siya sa garden kung saan wala katao tao. Umupo siya sa isang bench doon at tumingin sa kalangitan.
"Hoy lokaloka!" Napatalon siya sa gulat ng marinig na naman ang pamilyar na boses na iyon.
"Ay! Supot!" Sambit niya dahil sa gulat.
"Hindi nga ako supot e. Gusto mo ba talagang tignan?" Nang aakit na sabi ni Ethan.
Jusko po! Kahit niloko ako nitong hinayupak na ito yummy parin ito no. Aarrgghh!! Ano itong iniisip ko? Erase erase!! Bad Lauralaine! Bad!
Saway ng dalaga sa sarili.
"Alam mo kung andito ka para asarin ako. Malawang galang na po umalis ka sa harapan ko!" Mataray na sambit ng dalaga.
"Hoy! Hindi ka pa bayad sa ginawa mo sakin no!" Sabi nito at tumabi sakanya.
She can still feel the same sparks. The feeling that she can't even pronounce. This man makes her heart skip the beat. Kahit ang sakit sakit ng ginawa nito sakanya.
"Lumayo ka nga sakin. Naaalibadbadaran ako sayo" pagsisinungaling nito.
"No! One kiss and you're paid" nakangising sambit ng binata.
Magproprotesta pa sana siya ng bigla na lamang dumukwang ang binata upang angkinin ang mga labi niya.
Lumukso ang kanyang puso at hindi niya inaakilang gusto niya ang halik nito. Namiss niya ito ng sobra sobra kahit pa ay sinaktan siya nito at niloko.
Nang inilayo na ng binata ang kanyang mukha ay nag iwas ng tingin ang dalaga. Ayaw niyang makita siya nitong namumula. She can't even breathe!
"May isa pa akong kailangan sayo and you are fully paid after that" seryosong sabi nito.
"Hoy! Anong fully fully paid ka dyan! Bayad na ako ah?" Sabi ni Laura at pinaghahampas ito.
"Stop it! Arrggh. Dalawang beses mong itinaas ang middle finger mo no! Itigil mo nga yang paghampas mo!" Pagsabi nito ay hinawakan ng binata ang dalawang kamay ng dalaga. "You are so beautiful" seryosong sabi nito habang titig na titig sa mga mata ni Laura. "Kaso nga lang ay loka loka ka" sabi nito at tumawa.
"Namo!" Gigil na sabi ni Laura at hinampas siya ulit.
"Wait, seryoso kailangan ko ng tulong mo" sumeryoso ulit ang mukha nito. "Bukas sa opisina ko kailangan kita. Seryoso ako" his butterscotch focused on her. Napakagwapo nito.
"Aasahan kita loka loka" pagsabi nito ay tumayo siya. "Nga pala para sayo" inihagis nito ang isang puting rosas.
"Ang ungentleman naman nito sarap pakyuhan sa mukha, hmp!" bulong ni Laura pero natuwa na rin.
"Bukas ha! Don't forget!" Sabi ng binata at umalis.
Inamoy ni Laura ang bulaklak na ibinigay nito sakanya at napangiti.
#ButterscotchEyesOrOliveGreenEyes? HAHAHAHA
BINABASA MO ANG
Still Into Him
General FictionSo with Lauralaine, she's suffering from past they had shared with someone she really loves. Since he left her without saying good bye, everything become a mess. Now, someone is trying to get her heart and slowly she already get over to the man w...