Chapter 14: This is it

63 14 25
                                    

Don't forget to hit Vote and leave a comment! Thank you so much. :) –jeaxchan👑💖✨

👉😱😭💔 Ahead hihihi.

***

Masayang naga-almusal sina Lauralaine, Lauren at Zyler. Nagtatawanan at nagbibiruan nang biglang may nag doorbell.

Nagkatinginan sila kung sino ang nag door bell gayung alas syete pa lamang ng umaga. Agad namang pinagbuksan iyon ng mayordoma.

"Ma'am and sir? Si Kendra daw po gusto daw po kayong makausap" yukong sabi nito.

Nagtatakang nagkatinginan sina Laura at Zyler. Bakit ito sumadya rito? Lalo pa't ganitong kaaga? Ano kaya ang pakay nito? Kung ano man iyin ay mukhang mahalaga.

"Sige papasukin mo" utos ni Laura at tumango naman si Zyler.

Maya maya pa ay pumasok na ito. She looks so worried. Bakit kaya?

"Umupo ka, samahan mo kaming mag almusal" paanyaya ni Zyler ngunit na natiling nakatayo lamang ito.

"No thanks, hindi rin naman ako magtatagal dito" malamig at may maarteng tono nito.

"Anong sadya mo?" Tanong ni Laura na halata ang pagkainis.

"I just want to check out if Ethan is here" walang emosyong sambit nito at diretso ang tingin kay Laura.

"Sorry? Pero bakit naman siya pupunta dito?" Takang tanong ni Zyler.

"Who knows? Andito ang asawa at anak niya" pang-iinsulto nito kay Zyler.

"We don't even married" matigas tugon ni Laura.

"But you are his daughter's mother" taas kilay na sambit nito. "Right, Zyler?" Ngising baling nito sa binata.

Nagtagis ang panga ni Zyler dahilan para tumayo siya at duruin ito.

"You are in my house! GET OUT!" Puno ng galit na utos nito. "Wala dito ang hinahanap mo!"

Mapaklang tumawa si Kendra at pinagkrus ang kamay sa dibdib. Akmang aalis na ito ng.....

"Paano mo nalaman na dito kami nakatira?" Tanong ni Laura dahilan para lingunin siya ni Kendra.

"I forced to unlock Ethan's office and I've found your resume on his desk" sabi nito at nagpakawala ng nakakalokong ngiti sa mga labi.

"Mommy? Daddy? What's going on?" Tanong ni Lauren na walang kamuwang muwang sa mga nangyayari.

"Hey little kiddo! I'm looking for your real daddy Ethan" ngising ngiti ni Kendra.

"GET OUT!" Sigaw ni Laura sa dalaga. "GET OUT OR I WILL KICK YOU OUT?!" sigaw ni Laura na bumalot sa buong bahay.

"Okay chill! Magkikita pa tayo" sabi nito at naglakad palayo habang tumatawa.

Nawalan na ng ganang kumain ang dalawa. Nagkatinginan sila at napagbuntong hininga.

"Mommy? Daddy? Totoo po ba yun?" Tanong ni Lauren.



"YEX? NAKUHA MO NA ba yung resulta?" Tanong ni Ethan kay Yextor.

Kasalukuyan silang nakaupo sa sofa sa loob ng safe house na pagmamay-ari ni Yextor. It is full of snipers and guards just to make sure that he is safe. Tinawagan niya ito nang tumakas siya at tinapon ang telepono sa dagat para hindi siya ma-track.

"Yes,ipapasa ko din sa laptop mo itong mga files" tugon nito at pinasa sa kanya ang mga documents. "Don't ever connect your laptop to internet. They might get your IP address and track you down" pag papaalala nito.

"Yes, I will" tumango ito.

"Man, based on the police's file, they found your body near to your parents' house." Sabi ni Yextor habang nagbabasa sa laptop. "They also found out that someone hit you that cause you to hit on a big rock" dagdag pa nito.

Habang nakikinig ay pilit inaalala ni Ethan ang mga nangyari sakanya. He need to help himself.

"CCTV footages are not available because someone deleted it" hindi mapaniwalang sambit ni Yextor. "And look at this one, you only wearing a boxer shorts and sando" tinuro nito ang litrato niyang nakahandusay. "There is also a lipstick stain on your sando"

Nang makita niya ang kanyang litrato ay may mga alaalang pumasok sa ulo niya. Dahilan para sumakit iyon na para bang nabibiyak sa dalawa. Ngunit hindi niya ito ininda.

"I think someone kidnapped you in your house" dagdag pa ni Yextor. "Meroon ka pa bang ibang tirahan bukod sa bahay mo? An apartment? Or condo? Penthouse? Kasi walang nakitang evidence sa bahay mo na may pumasok" tanong nito.

"I... I think... I... I have o–one a... Condo" utal utal na sambit ni Ethan. Nagflash sa utak niya na may condo siyang kinuha para sa isang babae na mukhang malapit sakanya. Ngunit hindi niya maalala ang mukha.

"You okay?" Nag aalalang tanong ni Yextor sakanya. "You look pale, bud"

"Oo, I'm just trying to remember everything" sagot ni Ethan at hinilot ang kanyang sentido.

"Do you still know the name of that condominium?" Tanong muli ni Yextor.

"A-acropolis V-Village East" natuwa siya ng maalala ito. Sa wakas ay unti- unti na niyang mabibigyang sagot ang mga katanungan niya.

Ngunit kasabay nito ay ang pagbagsak ng kanyang mga mata.

"ETHAN?! WAKE UP!!!" sigaw ni Yextor.

Still Into Him Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon