Chapter 24:Tententenen

34 8 12
                                    

Yes, it's been a long wait. Sorry guys huhuhuhu. Busy kasi and inuna ko pa yung Dangerous Woman hihihihi.



READ. COMMENT. VOTE💖✨





Chapter 24




"So what I need to know?" Seryosong sabi ni Laura at  huminga ng malalim para ihanda ang sarili sa mga maririnig.


"Saan ko ba sisimulan?" Naiilang sambit ni Kendra at mahigpit ang hawak sa braso ni Reaper.


"Kahit saan mo gusto" mataray na sagot ni Laura habang nakataas ang kilay.


"Laura?" Mahinahong suway ni Zyler.

"Okay... Okay" naiiritang sa sabi ni Laura. "Bakit ka andito?" Baling nito kay Kendra.


"Kasi gaya niyo biktima din ako." Seryosong sabi nito at nakayuko. "Buong akala ko anak niya ako, hindi pala" dagdag pa nito.

Kinakain ng hiya si Kendra. Alam niyang nakakahiyang humarap sa mga taong inagrabyado niya. Lalo na sa pamilya ni Laura.


"Ginamit lang ako ni Jiang-Long para maisakatuparan ang mga plano niya" sabi ni Kendra na may mga butil ng luha ang unting unting tumutulo sa kanyang pisngi. "Kaya pala hindi niya pinagamit sakin ang apelyido niya" puno ng puot na sabi nito.


"Simula nung bata ka, andun ka na sa puder niya?" Tanong ni Zyler.

Lahat sila ay nasa salas ng inaukupahan nilang hotel. Puwera lamang kay Lexa na sinamahan si Lauren sa labas.


"Oo, pero nung pumunta kami sa Pilipinas nakilala ko si Reaper. Kaya nagpaiwan ako ng 3 taon para makasama siya" titig na sagot ni Kendra kay Reaper.

"Kaya pala niya kami tinulungan" sabi ni Xion at nag-tsked.

"Yes, bestfriend" sagot ni Reaper at kinindatan si Xion.


"Nga pala, bakit ako ang puntirya ni Jiang-Long? Bakit ako pa?" Kunot noong tanong ni Ethan.

"It's just a random pick, nakita ko si Jiang-Long na may pinipili sa laptop niya at pamilya mo ang nakita niya" sagot ni Kendra at kinagat ang pang ibabang labi. "They think that your family's net worth will help their dirty business" mapait na ngiti na sabi ni Kendra.


"Jiang-Long will do anything, kaya kahit gaano ka-impossible ang mga plano niya ay pinipilit niyang mangyari, he can kill babies just to make his plans happen" nailing si Kendra ng maalala si Laura nung nagdadalang tao siya.

"Ako yata yang sinasabi mo, nung buntis ako kay Lauren" gulat na sabi ni Laura.


"Oo, Laura ikaw nga" pilit na ngiti ni Kendra. "Pero bumalik ako sa condo unit niyo at nakita kitang nakahiga sa kama dinudugo ka nun. Kaya sinugod kita sa hospital nun. Ang bilin ko sa mga doktor na wag sabihin na ako ang nagpadala sayo sa hospital"


"I-ikaw ba y-yun?" Utal utal na tanong ni Laura. Hindi siya mapaniwala sa narinig.


"Oo, nag alala kasi ako sa baby niyo. Di ko naman kaya na may madamay na bata sa gulo ng buhay. Kaya natuwa ako ng malaman kong buhay ang bata, si Lauren." Ngiting sabi ni Kendra. "Binayaran ko na rin ang bills niyo sa hospital nun bilang kapalit sa katarantaduhan na ginawa ni Jiang-Long"



"Ka-kaya pa-pala w-wala a-akong b-binayaran" hindi parin mapaniwala si Laura.



"Kulang pa yun kung tutuusin, Laura. Kulang na kulang" madiing sabi ni Kendra.



Napatigil sila ng may kumatok sa pinto. Lahat sila ay napatingin sa direksyon ng pinto.


"Ako ng magbubukas" presenta ni Warren.


Pagbukas nun ay may duguang security guard.


"Ma'am and Sir umalis na po kayo ngayon napasok po tayo" natatarantang sabi nito.



"Ha?!!" Sabi ni Leitan habang ang iba ay napamura.



"Fuck! Pinauna ko na ang mga tauhan ko sa Sicily shit! Paano yan?! Wala tayong back-up ngayon!!!" Sabi ni Xion habang kumukuha ng mataas na kalibre ng baril.


"Kaya natin ito we're sharp shooter" sabi ni Reaper at kumuha din ng baril.


Ang pitong kalalakihan ay kumuha ng tig-iisang baril.


"Si Lexa at Lauren??" Nag aalalang tanong ni Laura.



"Mommy!!!" Matinis na sigaw ni Lauren na galing sa labas.


"Sa pagkakarinig ko andito si Keung. May mga dalang matataas na kalibre na baril. Hinahanap tayo" sabi ni Lexa


"Kapatid siya ni Jiao-Long!"gulat na sabi ni Kendra at kumuha din ng baril.


"Paano nila tayo natunton?" Tarantang tanong ni Yextor.



"Sa chopper na natin isipin yan tara na!" Sabi Ethan at lahat sila ay tumakbo papunta sa rooftop ng gusaling iyon. Andun padin ang 3 chopper na ginamit nila nung makaalis sila ng Taiwan.

"Sa Malaysia muna tayo" utos ni Leithan.

Sa isang chopper ay andun sina Ethan, Zyler, Laura at Lauren. Si Ethan ang piloto.

"Wear this" utos ni Zyler kina Laura at Lauren. Bulletproof iyon.

Samantala nasa isang chopper naman si Leithan, Warren Yextor at Lexa. Si Leithan naman ang Piloto nila.

At ang huling chopper ay sina Xion, Reaper at Kendra. Si Xion ang pilito.


Lahat sila ay nakalipad na ng mataas sa ere nang pagbabarilin sila ng mga tauhan ni Keung.

"Holy shit!" Malakas na bulalas ni Xion.

Still Into Him Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon