Chapter 26

32 9 18
                                    

Chapter 26

"Who the fuck is Keung?" Galit na sambit ni Ethan at kinalampag ang lamesa kung saan sila nagtitipon. Puwera lamang kay Lexa na kasama si Lauren na kumakain sa kusina.

May benda na rin ang braso nito at tinanggal ang bala. Mabuti na lamang at isang nurse si Lexa.

"Keung is Jiang-Long brother. He's more powerful than Jiang-long and I know he's here for revenge" seryosong sagot ni Kendra.

"Yes, and he want us to be dead" sabi ni Xion at umiling iling.

"No, he will be dead" sabi ni Reaper at kinagat ang pang ibabang labi.

Safe sila sa bahay ni Reaper dahil marami siyang inimbentong mga aparato at gamit na pwedeng pumatay ng tao. Hindi niya ito ipinagbibili sapagkat para lamang ito sa kanyang sariling seguridad. Kaya hindi kayang basta bastang pasukan ang bahay nito.

"So what's the plan?" Sabi ni Leithan habang dinadampian ng yelo ang ulo dahil sa pagkakabagsak ng chopper sa dagat.


"Tayo ang aatake. Tapos ang usapan!" Sabi ni Zyler.

"Paano?" Nag aalalang tanong ni Laura. Ayaw niyang may mapahamak ang isa sa kanila.

"My people are ready, there will arrive 1 hour from now" sabi ni Xion at sumandal sa upuan.


"Sige kailangan muna nating magpahinga" sabi ni Warren at unang tumayo. Dala na rin ng pagod at dumiretso ito sa kaniyang isang silid.

Ang iba naman ay dumiretso sa kusina at banyo para maligo. Naiwan sa mahabang lamesa sina Ethan, Zyler at Laura. Malalim ang iniisip ni Ethan kaya hindi niya magawang tumingin kay Laura.

Nakatingin si Zyler kay Laura samantala Si Laura ay nakatingin kay Ethan. Nag iimikan hanggang tumayo si Zyler.

"Maiwan ko muna kayo. Kailangan niyong mag usap" sambit nito at sumilay sa reaction ni Laura nguniy hindi ito natinag. Nakatuon lamang ang atensyon nito kay Ethan kaya nilisan na niya ang dalawa.



"E-Ethan? P-pwede ba tayong mag u-usap?" Nauutal na tanong ni Laura.

"Tungkol saan?" Walang buhay na sabi ni Ethan at tumingin ng diretso sa kanyang mga mata.

Kita niya sa butterscotch na mata nito ang pagod at galit. Ngunit kahit na ganun ang nababasa niya sa mata nito ay hindi niya maiwasang may kuryenteng dumaloy sa kanyang sistema. Iba talaga ang dating ni Ethan sa sistema niya.

"Madami, pwede ba tayong mag usap sa dalampasigan?" Sabi ni Laura. Naisip nito na mas magandang mag usap sila doon para kahit papaano ay makalanghap sila ng hangin.

"Sure" mabilis na sagot ni Ethan at umalis.

Nauna itong mag lakad kesa sa kanya. Kaya malalaking hakbang ang pinakawalan ni Laura para makahabol sa bulto ni Ethan.

Nang makarating na sila dalampasigan ay niyakap agad siya ng malamig na hangin.  Nakita niya na huminto sa batuhang parte ng dalampasigan si Ethan at umupo kaya tumabi siya rito.


"Anong pag uusapan natin?" Tanong ni Ethan habang nakatingin sa mga alon.

"Gusto ko lang sabihin na, mag ingat ka para samin... Para kay Lauren" sabi ni Laura at pinipigilang tumulo ang mga luha. "At para sakin" yukong sabi ni Laura at tuluyang naiyak.

Still Into Him Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon