Chapter 23: Send hearts 💖

41 8 26
                                    

I badly need comments and votes from you guys. Huhuhuhu.

Chapter 23: Send hearts💖

Nasa harapan ng malaking bintana si Laura sa inakupahan nilang hotel. Ito ay nasa salas.

Malawak ang room na inaakupahan nila at may 6 silid kaya naman ay sama sama sila. Puwera lamang kay Leithan dahil may sarili itong kwarto sa kanyang hotel.

Ayaw munang marinig ni Laura ang mga sasabihin ni Kendra dahil hindi pa siya handa para patawarin ito.


Mahimbing na natutulog ang lahat, gawa na rin marahil ng matinding pagod. Siya naman naisipan niya munang magpahangin. Hindi pa kasi siya dinadalaw ng antok.


"Laura? Can we talk?" Tumaas ang mga balahibo niya sa katawan ng marinig ang boses na iyon.

Nilingon niya ito at hindi nga siyang nagkakamali kung sino ang may ari ng boses na iyon.


"Ethan? Ikaw pala. Bakit hindi ka pa natutulog?" Naiilang na tanong ni Laura. Hindi rin siya makatagal ng tingin sa mga mata nito. Ayaw niyang ipakita kung gaano siya nangungulila rito.


"Just checking on you" sagot nito at tumabi kay Laura. Parehas silang nakatingin sa mga ilaw ng siyudad.

Nasa mataas na parte sila ng hotel kaya makikita nila ang makukulay na mga gusali.


"Checking on me?" Tanong muli ni Laura at nakatingin sa mga gusali doon. Gumaan ang pakiramdam niya nang makatabi si Ethan.


"Yes, you" matipid na sambit ni Ethan at hinatak si Laura yakapin ito ng mahigpit.


Biglang lumakas ang kalabog sa dibdib ni Laura. Hindi niya maipaliwanag ang nararamdaman kaya naluha siya.

His body natural scent, his strong arms and his body heat. She missed him so much. 5 taong din ang huling yakap nito sakanya.

Hinihiling ni Lauralaine na sana wag ng matapos ito. Sana yakapin siya nito at wag ng pakawalan pa.


"Ssshh, don't cry." Sambit ni Ethan at hinaplos ang kanyang likod. Saka ginawaran ng halik sa ulo. "Hindi na ako mawawala babe. Akin ka lang, okay?" Dagdag pa nito at saka naman siya kinarga nito na parang bata.

Napapiglag naman si Laura kaya naman ay kumapit siya sa leeg ni Ethan.


Sobrang namiss niya kung gaano ka-sweet ito. Pero hindi pwede... Paano si Zyler? Ayaw nitong masaktan ang binata.


Hinalikan siya ni Ethan bagay na hinahangad niya. Hinahangad na mahalikan ulit ang mga labi nito kahit saglit lang. Kahit ngayon lang, pagkatapos nito ay di na niya uulitin pa. Hindi niya hahayaang saktan niya si Zyler.



Tinugon niya ang halik ni Ethan hanggang dalhin siya nito sa sofa na nasa salas. Nakaupo si Ethan sa sofa samantalang binuhat siya nito para makaupo sa hita nito.

Naghahalikan parin sila. Ramdam ni Laura ang lambot ng mga labi ni Ethan. Mas lumalim ang kanilang paghahalikan at mas inilapit ni Ethan ang katawan nito sakanya.

Punong puno ng pagkasabik at pangungulila ang mga halik na pinagsasaluhan nila. Ngunit bago pa naman ito mapunta sa mas malalim pa ay kusang inilayo ni Laura ang mukha niya.

"Why?" Nag aalalang tanong ni Ethan.


"This is wrong... Sorry" sambit ni Laura at tumayo para ayusin ang sarili.


"Wrong? No, we used to do this before" sagot ni Ethan at hinawakan ang kamay ni Laura.

"That was before.... I'm getting married with Zyler" sagot niya rito kahit pa hindi niya pa sinasagot ang proposal ni Zyler sakanya. Ngunit buo ang desisyon niya na pakasalan si Zyler. Ayaw niyang paasahin ito sa wala.

"Babe? I still love you. Please tell me that you are still into me" nagmamakaawang sambit ni Ethan.

Still Into Him Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon