👉💏😱😤😭💔 HAHAHAHA alam na this.
Chapter 7
Bumalik sa concerto si Laura hawak hawak ang puting rosas na ibinigay ni Ethan. Hindi niya maiwasang mapangiti sa tuwing naalala niya kung sino ang nagbigay nito sakanya.
"Hey, where have you been?" Tanong ni Zyler habang pinulupot ang braso nito sa bewang ng dalaga.
"Dyan dyan lang" sagot ni Laura na may mga ngiti padin sa labi.
"Who gave you this?" Tanong muli nito.
Hindi niya alam kung sasagutin niya ba ang tanong nito o hindi. Ayaw niyang magselos ang binata.
"I just foun--" naputol ang sasabihin niya ng biglang may magsalita sa harapan nila.
"Good evening, Mr. Fuentes and Ms. Santiago" nang tignan ng dalaga kung sino ito ay halos kabahan siya ngunit napalitan din ito ng galit.
Nasa harapan niya ngayon si Ethan at ang babaeng nasa picture sa brown envelop. Kumirot ang puso niya. Pinipigilan niyang wag malaglag ang mga luhang kumakawala sa mga mata niya. She needs to be strong. Para makita nilang hindi siya apektado.
Nang tignan siya ng babae ay nagulat din ito sakanya at biglang ngumiti na nakakaloko. Dahil dito ay kumulo ang mga dugo ni Laura.
"I'm Kendra Suzzy Portajelo" may ngiting sabi nito at nakipag beso beso sakanila ni Zyler.
Laura rolled her eyes. Parang gusto niyang pag umpugin ang dalawang nilalang na nasa harapan niya dahil sa panloloko nila sakanya! At ang kapal din ng bunbunan ng mga ito naipakita ang mga braso nitong nakapulupot sa isa't isa!
"Nice to meet you, Kendra" sabi ni Zyler at nakangiti.
"Nice to meet you" plastic na sambit ni Laura. Sa totoo lang ay gusto niyang pagsasampalin ang mga ito.
"Ahem! Ahem! The event were about to start in a few minutes" pagpapaalala ng emcee sa stage, hawak hawak ang micropono.
Kaya naman ay kanya kanyang hanap ng upuan ang mga bisita gayundin naman sila Laura.
Nang lahat ay nakaupo na ay biglang lumabas sa stage si Leithan. Nagpapasalamat ito sa mga dumalo ngunit wala dito ang atensyon ni Laura kundi kay Ethan at ang kalaguyo nitong si Kendra.
Hindi naman mas hamak na mas maganda siya dito. Kaya napa-irap na naman ito sa hangin.
Gusto niyang pabutuhin ang mga ito ng table knife dahil ang clingy clingy ni Kendra. Nakakasuka!
Iniwas na lamang niya ang tingin sa mga ito at itinuon ang sarili kay Leithan na nagsasalita.
"You want someone to lean on?" Tanong ni Zyler sa likod ng kanyang tenga. Ramdam niya ang mainit na hininga nito na nagbibigay ng sensasyon.
Tumango na lamang ang dalaga at saka isinandal ang ulo sa mga balikat nito. Nahagip sa sulok ng kanyang mata na nakatingin sa kanila si Ethan kaya sumulyap siya dito.
Matalim ang tingin nito sakanya. Hindi din maipinta ang mukha niya. Pero wala siyang pake! Lalo na't isinama niya pa dito ang babaeng ipinalit niya sakanya.
"Tomorrow" Ethan mouthed. Kaya naman nanlaki ang mata niya.
Hindi niya alam kung pupunta pa ba siya o hindi.
#NapakasakitKuyaEddie 😂😂😂
BINABASA MO ANG
Still Into Him
General FictionSo with Lauralaine, she's suffering from past they had shared with someone she really loves. Since he left her without saying good bye, everything become a mess. Now, someone is trying to get her heart and slowly she already get over to the man w...