EL1: Chapter 11: Hello, New York!

282 17 1
                                    

A/N: This Chapter is Dedicated to HamitafAli. Thank you for reading this story pati na rin sa walang sawa mong suporta. Kamsahamnida~

--

Chapter 11: Hello, New York!

"Gising na, Light!" Napabalikwas ako sa sigaw nya. Aba, manggigising na nga lang nasigawan pa.

"Gising na ko!" Napatingin ako sa paligid. Kami na lang pala ang natira dito sa loob ng Eroplano. Tumayo na ko at saka kinuha ang mga bagahe ko sa taas.

"Pakidala nga 'to" Sabay bigay ng dalawa kong maleta. Sinamaan nya ko ng tingin kaya napataas ako ng kilay.

"Can't you see na may dala akong Bagahe ko rin?" wika nito. Tama nga sya, may dala din sya pero pwede ba sya maging gentleman man lang?

"Nakikita ko. Kahit ngayon lang, maging gentleman ka naman!" Napailing na lang ito at tumango. Dami pang satsat tatanggapin din naman pala eh.

"Fine. Tara na" Napangiti na lang ako at saka kami bumaba ng eroplano. Yes, pwede akong pumunta sa France at magpicture ng Eiffel tower. Siguro malaki talaga iyon sa personal.

Pagkalabas ng airport, Nandito na pala ang sundo namin kaya maaga kaming nakaalis pauwi. Nagearphone muna ako at saka pinikit ang mata ko. I need to rest first.

Thunder's PoV

Fvck my life! She messed up everything. Iyon na rin ang araw na magsosorry ako sa kanya but this girl came. Panira sya!

"Anak, if you need to talk with me. Call me. Alam kong may problema ka. Please let me.."

"Leave me alone , Ma." Tinungga ko ang isang boteng alak.

Wala na kong magagawa kung sya mismo ang kusang umalis. Dati, sinabi ko sa sarili ko na kapag hindi pa 'to naaayos. Lalayo ako sa kanya para lang kalimutan sya. Pero baliktad ang nangyari, sya ang lumayo kasama ang jerk na iyon.

Nakaramdam na rin ako ng hilo kaya hindi na ko tumuloy sa pag-iinom. Kahit ganito ako, tumitigil din naman ako para sa ikabubuti ng kalusugan ko.

Light's PoV

"Wake up, hinahanap ka na ni Tita." Sinamaan ko ito ng tingin at saka lumabas na sa sasakyan. Bakit ba kasi lagi akong nahuhuli kapag tapos na ang byahe?

"Don't look at me like that" Tumango na lang ako at pumasok na sa bahay.

The house is kinda big, kumpara doon sa pilipinas. And i forgot to mention na yung araw na nagkita kami ni Thunder ay nandito na sa New York ang magulang ko.

Pagpasok ko, sinalubong ako ng yakap ni Mama at yinakap din naman ako ni Papa. I miss papa, lalo na at hindi sya tumira sa pilipinas. Kami lang ni Mama ang nakatira sa bahay noon.

"good thing your okay now" nakangiting wika nito. Ngumiti na lang ako, though sinabi yata ni Mama kay Papa ang nangyari sa'kin.

"O'sya, Let's eat first. Alam kong gutom ka na." Sumunod na lang ako kay mama papuntang dining room at saka umupo sa upuan.

When i looked at the food napako agad ang tingin ko sa isang pagkain. Paborito ko iyon kaya agad akong kumuha at nilantakan iyon.

Before i forgot, Hello New York! Such a Nice place to stay in.

"Dahan dahan, hindi ka tatakbuhan ng pagkain." Sinamaan ko ng tingin si Gray pero hindi nya na lang ito pinansin. What a Jerk!

---

Endless Love 1 & 2 Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon