EL1: Chapter 23

226 12 4
                                        

Lets make it to the Rank #10 guys! Give your support in this story.

Michelle.

Mukhang may pinaplano si Thunder ah? Just a hunch. Hindi nya yon magagawa sakin, lalo na sa pamilya nya. Kung nireject nya ang offer ng pamilya namin, mawawala ang kumpanya nila.

Naramdaman ko na nagvibrate ang aking phone na nakalagay sa bulsa ng suot kong short.

Sinagot ko naman ito. Ano na naman kaya kailangan nito?

“Anong kailangan mo?”

“Nothing, I just missed you. Babe.”

Napangiti na lang ako. I miss him too.

“I miss you too, I love you. Malapit ng magtagumpay ang plano natin.”

Ngiting tagumpay ang meron ako ngayon. Sa wakas, matatapos na rin ito.

“I love you too. Should we kill her?”

Kill her? Not bad. Pero wag muna ngayon masyado pang maaga.

“Not bad. Hindi muna ngayon. Tatawagan na lang kita. I love you!”

“I love you too. Bye!”

Napangiti na lang ako. Sya na ang nagpatay ng tawag. Kinuha ko ang aking sling bag at saka lumabas ng bahay, sumakay sa kotse at binuhay ang makina nito.

Balak ko sanang puntahan si Angelo para itanong sa kanya kung sino yung babaeng kasama nya nung party. I like her, iimbitahan ko sana ito sa Wedding Day pero hindi ko ito mahanap.

Nang makarating ako sa bahay nito, pinagbuksan ako ng gate at naipark naman ang aking kotse pagkatapos ay bumaba na dito.

Pagpasok ko sa kanilang bahay, binabati ako ng mga maid at tanging ngiti lang ang binigay ko. Kailangan ko talagang makausap si Angelo for the wedding.

Chineck ko ang kwarto nito pero walang tao kaya bumaba na lang ako at naghintay sa sala. Nang may dadaan na maid, pinigilan ko ito at pinalapit.

“Ano pong kailangan nyo mam?” Umupo kaming pareho at nilapag naman nito ang dala nitong pagkain.

“Nakita nyo ba si Angelo?”

“Naku— O ayan na po pala sya eh. Una na po ako.” Pipigilan ko na sana ito pero hindi ko na naabutan. Napatingin ako kay Angelo na kararating lang at mukhang may pinuntahan.

“Oh? Anong ginagawa mo dito?” Lumapit sya sakin at umupo sa tabi ko.

“Gusto ko lang itanong na kung alam mo ba kung saan nakatira yung babaeng kasama mo nung party?” Napaiwas ito ng tingin pero binawi din naman agad ng tignan ako.

“Hindi ko sya kilala.” What?! Baliw na ba sya? Nagsama ng hindi nya kilala.

“Why?!”

“Napulot ko lang sya sa tabi tabi. You know, im a playboy right?”

Sabagay, totoo naman ang sinabi nya kaya hindi na ko magtataka na magdala ito ng babae nya. I kinda like her.

“Sige Alis na ko”

Angelo.

It is not true. Hindi na ko playboy na gaya noon. Nagbago na ko for the better. Pinagmasdan ko itong lumakad papalabas ng bahay namin.

Mabuti na lang at hindi sinabi ni Manang kung nasaan ako. Kung sinabi nya, patay na ko ngayon.

Nasabi ko na rin kay thunder ang plano nya. Naintidihan naman nya ito pero sa una nagalinlangan sya. Yung dati mong tauhan pagkakatiwalaan mo ulit? Nahihibang ka ba?

Pumasok na ako sa aking kwarto at chineck kung may ginalaw syang importanteng bagay dito. Nagplano kami ni Thunder na hanapin si light.

Sinabi na rin nya sakin ang plano nyang magsosorry na sya kay light. Hindi ko alam kung gagana ito pero sana lang.

Sana lang...

--
Tiis tiis na lang, malapit na tong matapos. Kaya yung hindi makapaghintay, tiis tiis lang. Wag magmadali.

A little bit of teaser in the next chapter.

“No! Bakit mo kailangan gawin ang lahat ng 'to?!”

“Kinuha nya ang lahat sakin. Kaya kukunin ko rin ang lahat sa kanya!”

“Bakit? Ginagalaw ka ba nya? Hindi diba?! Diba?!”

Endless Love 1 & 2 Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon