Tiffany's POV
"Ano nang gagawin mo kapag sila na?" tanong ko kay Stella. Nandito kami ngayon sa starbucks at binalita nya sakin ang pagdating ni Thunder kasama si Light. Pati na rin yung kinaiinisan nyang babae na transfer student.
"Aagawin ko sya. Hindi sila bagay, at hindi nya deserve ang mga ganong klaseng babae. 'ya know, low class." sabi nito at pinaikot pa ang mata. Napangisi na lang ako.
"Wag mo na yong problemahin. Tara na, My treat." sabi ko at kinuha ang bag pagkatapos ay tumayo. Pagkatayo nito, agad na nanlaki ang mata at tinuro ang likuran ko.
"Sya yon." Tulala pa rin ang mukha nito. Tinignan ko ang tinuro nyang babae, Si Light? At si Thunder naman ang kasama nya?
Thunder's POV
"Anong gusto mo? My treat." tanong ko kay light, tumingin ito saglit sa harapan at ngumiti.
"Kahit ano na lang." sabi nito. Ngumiti lang ako at hinalikan ito sa pisngi at namula naman ang mukha nito. Kinikilig na yan.
"2 Capuccino and 2 Large Fries."
"Right away, Sir!"
Kinuha nito ang order namin at pagkatapos ay kinuha na namin ito. Ako na ang nagdala at agad na umupo sa pinakamalapit na upuan. Not to mention na magkatabi nga pala kami ni light.
"Hi thunder! Can we join you?" Agad na nanlaki ang mata ko sa narinig na boses. Don't tell me nandito si Stella? Napasimangot na lang ako at tiningnan lang ni light si Stella na parang sinusuri.
"Pwede naman."
Nagulat ako sa sinabi nya kaya agad ko itong hinarap. Magsasalita na sana ako nang bigla itong ngumisi. Ah, naintindihan ko naman ang pinapahiwatig nya sa ngising yon.
"Ah, pero light. Pwede bang umalis ka dyan sa tabi ni thunder? Ako ang uupo dyan." Tinignan ko ito nang may pag-aalala. Pero isang ngisi lang ang ibinigay nito kay Stella. Sana hindi sya pumayag.
"Pasensya na pero first come, first serve." sabi nito na may pang-aasar sa tono. Halata kong nainis si Stella dahil biglang sumimangot ang mukha nito.
"Bakit ka nga ba nandito, Tiffany?"
Magkakilala sila? How? Mukhang hindi nya 'to sinabi. Ngumiti lang si tiffany at nagcross arms.
"May tinutulungan lang ako." sabi nito habang nakapikit. Sino kaya yon? Kung si stella ang tinutulungan nya, wag na. Di ako payag.
"Ah, I see."
"What do you guys want? My treat" nakangiti nitong sabi at bigla na lang hinawakan ang kamay ko pero agad ko itong tinanggal at pinunasan nang tissue.
"Ah, Stella. Pwede mo bang bayaran 'tong binili namin?" nakangiting saad ni light. Ano na naman ang iniisip nito pero parang alam ko na kung ano iyon.
"Sure. Para na rin kay Thunder." Napakaplastik.
"Then, Check ko lang yung kotse ah." sabi ko. Tumango naman silang tatlo at tumayo na ko. Aalis na sana ako nang hawakan ni Stella ang kamay ko at agad ko yong tinanggal.
"Samahan kita."
"No thanks."
"Then, Punta lang ako sa Bathroom."
"Sige, Kami na bahala sa bayarin nyo." sabi ni stella.
"Ah, Pasensya na stella. Mukhang hindi tayo matutuloy. Emergency, kailangan ako sa company. Una na ko ah." sabi ni tiffany at agad na lumabas nang cafe.
Lumabas na rin ako nang cafe at agad na sumakay sa sasakyan. Text ko na lang si light na aalis na kami.
Lights Point Of View
Pumasok na ko sa bathroom at tinignan ang sarili sa salamin. Kailangan mong maging matatag, kailangan mong labanan ang mga nang-aapi. Wag kang magpapaapi.
Maya maya lang ay biglang nagvibrate ang phone ko at agad na kinuha yon sa hawak ko na pouch. Text pala ni thunder.
To. Love
Aalis na tayo, iwan na natin sya.
Fr. Your love.
Nagblush naman ako sa pinangalan nya sakin. Nagreply agad ako at tinago sa pouch ang cellphone. Inilibot ko ang paningin at nakita ang isang malaking bintana. Bukas pa ito.
Kung sinuswerte ka nga naman oh. Agad akong tumalon at naabot ko naman ito at agad na nakalabas nang banyo na yon. Pinagpagan ko ang suot kong damit at agad na sumakay sa sasakyan ni thunder.
"Do you think she would notice na iniwan natin sya?"
"If shes not extremely dumb. Theres a possibility na mapapansin nyang iniwan natin sya. It doesnt matter anyway.
"Saan nga pala tayo pupunta?" Ngumisi ito at napairap na lang ako, hindi na lang sabihin.
"Malalaman mo kapag nakarating na tayo." Sabay ngiti nito at tinuon ang atensyon sa daan. Napairap na lang ako at nangalumbaba at pinagmasdan ang labas.
Ano na naman bang pakana 'to?
Note
Vote and Comment
Twitter: Aura WP( Follow me)

BINABASA MO ANG
Endless Love 1 & 2
FanfictionLight Mendoza. Isang babaeng may kapangyarihan ngunit agad din naman itong nawala dahil sa hindi malamang dahilan. Paano kaya nila malalabanan ang mga pagsubok na dadating sa kanilang buhay? Want to read more? Then, read this. It's worth it.