EL1: Chapter 24: Chaos

241 12 3
                                        

This is the end guys, lol.

Thunder.

Ngayon ko lang nalaman na ginagamit lang pala ni Michelle si Light. Nung oras na sinaktan ko sya, sinakto nya yon sa pagdating ni Light.

At ang maarte, umarte. Kunyari ay umiyak para magkaproblema kami. Inexplain lahat yon ni Angelo. Nung una hindi pa ko naniniwala pero naniwala din naman. Slight lang.

Ngayong araw na 'to, Hahanapin na namin si Light. Sa mga Condo. Baka nandon sya eh. Hinihintay ko na lang si Angelo. Sya yung nagyaya sya pa yung late.

Naramdaman ko na nagvibrate ang aking phone na nakalagay sa bulsa ko. Kinuha ko ito at saka sinagot.

“Where are you?”

“Nandito sa tapat ng gate nyo. Ayaw akong papasukin ng guard eh.”

“Sige. Pupunta na lang ako dyan. Bye.”

Pinatay ko na ang tawag at saka lumakad na papalabas ng bahay. Mula dito sa kinatatayuan ko, kita ko na ito na nasa gate na kinakausap ang mga guard.

Nang makalapit ako sa kanila, napansin ako ng isang guard kaya kinalabit nya yung kasama nya. Nung una ay hindi ito pinansin at abala pa rin kay Angelo. Nang may naibulong ito, saka tumigil at hinarap ako na nanlalaki ang mata.

“Pasensya na po Sir. Ayaw po kasing uma—”

“Papasukin nyo sya. Ako na lang pala ang lalabas.”

Lumabas na ko at saka hinila si Angelo papunta sa kotse nya.

“Salamat. Saan tayo magsisimula?” Napaisip ako sa sinabi nya. Hindi naman lilibutin ang buong bansa kaya kung yung mga Condo na lang kaya?

“How about sa Condo? Marami dito eh.” Tumango ito at sumakay na kami sa kanyang kotse. Sana mahanap agad namin sya bago pa magtagumpay ang plano ni Michelle.



Light.




Kinuha ko ang aking bag at saka lumabas na ng aking condo. Nilock ko ito at saka bumaba na ng building, third floor kasi yung condo ko at kailangan kong bumaba gamit ang hagdan. Sira kasi ang elevator dito sa pagmamay-ari ni Papa.

Tama kayo ng nabasa, Tatay ko ang may-ari nito. Sikat naman ito at mga mayayaman ang pumupunta dito. Hindi lang sa nagmamayabang ah, sinasabi ko lang yung totoo.

Naghihintay na lang ako ng taxi ngayon. Balak ko sanang bumili ng bagong dress at gamit. Para sa condo ko yung mga gamit na bibilhin ko pati na rin pagkain. Hindi ako aasa sa kanila.

Nang makuha ako, sumakay ako dito at sinabi kung saan ang pupuntahan. Sinalpak ko ang aking earphone at tumingin na lang sa labas.

Nagbago na talaga ang mga tao ngayon. May nakita pa kong sinaktan ng isang babae ang matandang pulubi. Napailing na lang ako, porket may kaya sila hindi na nila bibigyan ng respeto?

“Nandito na po tayo.”

Nagbayad ako at saka bumaba na ng taxi. Pumasok na ko sa mall at dumiretso sa department store. Pumunta ako sa womens section at pagpasok pa lang don. Nakita ko na agad ang hinahanap kong dress.

Pinuntahan ko yon at tinignan ang price. Mahigit isang libo lang ito at maganda ang tela base sa pagkakahawak ko. Kinuha ko ito at pumunta naman sa Food Section.

Kumuha ng pang snack tapos pang hapunan, tanghalian at agahan naman ang kinuha ko. Kumuha na rin ako ng isang pack ng juice. Pagkatapos ay pumunta na sa counter at binayaran ang mga pinamili ko.


Pagkatapos bayaran, kumain muna ako sa Food Court at nagpahinga ng konti.  Inilibot ko ang aking paningin at dalawang lalaki ang nakita ko. Si Thunder at Angelo!

Agad kong kinuha ang mga pinamili ko at nagmadaling umalis bago pa nila ko mahanap dito.

Angelo.

Alam na namin kung nasaan si light nagistay. Nandito kami ngayon sa mall, nung pinuntahan kasi naman sya sa condo nya. Wala sya doon, unang pumasok sa isip ko baka nakidnap pero nakigulo naman yung isang ideya ko.

Malay mo nagpunta sa mall diba?

“God, please tell us where she is.” Kanina pa rin sya yan sinasabi pero hindi naman nasasagot.

Not that I dont believe in god. Nagmumukha syang baliw sa ginagawa nya. Ikaw ba naman hanapin yung mahal mo hindi ka ba magmamakaawa sa kanya?

“Bro. Labas na tayo. Baka nasa condo na sya.”

Tumango ito at sabay kaming naglakad palabas. Malapit na kami sa exit ng makarinig kami ng sigawan sa labas at nagkatinginan kami pareho.

Tumakbo kami palabas at nakiusosyo sa mga nagkukumpulang tao doon. Nang makarating kami harapan. Nang hina ang aming tuhod at napaluhod na lang kaming pareho then our tears come out in our eyes.

N-no...








Si Light, naliligo sa sarili nyang dugo.

👻👻👻

Endless Love 1 & 2 Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon