Thunder.
Hindi na ko bumalik sa kanila at nagkulong na lang dito sa kwarto. Yung kasamang babae ni Angelo, Pamilyar sya sakin pero parang hindi rin. Ang gulo ko.
Im still bothered by that girl's identity. Narinig kong bumukas at sumara ang pinto kaya napatingin ako dito. Michelle with a huge smile.
"Hindi sya pumunta. It means ayaw ka na nyang makita." No, to see is to believe. Hindi pa kumpirmado kung totoo ang sinabi nito.
Umupo ito sa aking tabi at saka sinandal ang ulo sa kanyang balikat. I hate this kind of position.
Inilayo ko ang ulo nito sakin at nahiga na lang sa kama ko. Then I remember, about the girl.
"Sino yung kasama ni Angelo kanina?" Nagkibit balikat ito at hindi umimik. Sila ang nagkausap kaya alam kong alam nya yon. Nagpapalambing lang 'to kaya ganyan.
Anyway, hindi ko sya susuyuin. Bahala sya dyan. Aarte pa hindi na lang sabihin.
"What?! Hindi mo ba ko susuyuin?" galit na sabi nito. Nagkibit balikat lang ako. Told 'ya. Pabebe kasi yan eh kaya ayoko sa kanya.
Pilit lang 'tong engagement party.
"Problema mo yan." Tumalikod ako dito at hinintay syang lumabas sa kwarto ko. Mamaya baka kung ano nang gawin nya sakin eh.
"Argh! I hate her! Sya na lang lagi ang iniisip mo! Makaalis na nga!" Naramdaman ko na tumayo ito sa kama at padabog na sinara ang pinto.
Michelle.
Sumosobra na yang babaeng yan ah! Pupuntahan ko yan sa bahay nila at tuluyang papatayin para sakin na ang atensyon ni thunder. Peste!
"Sayang ang ganda ng mukha mo kung lagi kang galit." Dahil sa gulat, nasuntok ko ito at napangiwi naman 'to. May gana pa syang mang-gulat samantalang ako eh kanina pa pinagdadasal na mamatay sya eh.
"Wag ngayon. Ano? May process na ba ang paglapit mo sa kanya?" Tumango ito habang nakangiti. Aba, tinamaan na nga ang loko.
"Pagkatapos nito, mapapasakin na sya at sayo na sya." sabay kaming tumawa at nagapir. Then an idea flashed in my mind.
Pinalapit ko ito dito at saka binulong ang susunod na plano ko.
"Siguraduhin mo na hindi palpak yan ah!"
"Oo na."
"Sige, makakaalis ka na."
Umalis na nga ito at ako naman ay sumakay na sa sasakyan at pinaandar na ito. Umalis ako ng may mga ngiti sa labi.
Angelo.
First time magpov. Anyways, kakauwi ko lang ngayon dito sa bahay at gusto ko sanang yayain si Light na lumabas. Para magkaquality time naman kami kahit papaano.
Tinawagan ko ito pero hindi pa rin nya sinasagot kaya tinext ko na lang. Hinintay ko kung magrereply ba sya pero wala eh. Umaasa lang ako sa wala.
Napagdesisyonan ko na lang na puntahan sya sa kanilang bahay. Pero pagdating ko doon, bukas ang ilaw at may dalawan tao ang nasa looban nito.
Pumasok ako dito at akmang susuntukin na sana ang dalawang ito pero pagharap ng mga ito. Parehong lalaki, yung isa may katandaan na at yung isa naman ay mukhang bata pa.
"Anong ginagawa nyo dito?"
Nagkatinginan ito at tinignan ulit ako.
"Sagutin nyo ko! Saan nyo dinala si light?! "
Nagcross arms ang matanda at ang isa naman ay nakataas ang kilay.
"Excuse me, Mister. Tatay ako ni light." Nagulat ako sa sinabi nito. This can't be, ang magiging manugang ko ay nasigawan ko pa? At sino naman 'tong kasama nya?
"Gray Ivan Silvan. Pinsan ni Light. Makareact parang boyfriend ah?"
Yan! Tama nga. Boyfriend nga ko ni light. Ngumiti ako at makikipagshake hands na sana pero hindi ito tinanggap. Nakatingin lang ito sa kamay ko kaya mabuti na hindi ko na lang tinuloy. Nakakahiya.
"Nasaan si Light?"
This can't be! Hindi pwede. Kung ano man ang iniisip ko ngayon na posible sana hindi totoo.
"Were leaving."
Natulala ako sa salitang yon. Bumalik lang ako sa dati nang papalabas na sila ng bahay. Hahabulin ko na sana pero pinigilan ako ng mga bodyguards na nandito.
"Nooo! Hindi pwede! Light! Wag kang umalis!"
N-no. I gave up on our plans.
--
BINABASA MO ANG
Endless Love 1 & 2
FanfictionLight Mendoza. Isang babaeng may kapangyarihan ngunit agad din naman itong nawala dahil sa hindi malamang dahilan. Paano kaya nila malalabanan ang mga pagsubok na dadating sa kanilang buhay? Want to read more? Then, read this. It's worth it.
