EL2: Chapter 5

136 8 3
                                    

Lights POV

"Hey. You okay?" Tanong ng isang taong hindi ko kilala. May hinihintay kasi ako ngayon. Di pa dumadating, o baka di na sya dumating.

"Yeah. Don't talk to stranger's eh?" Ano ba 'to si kuya? Foreigner? Kanina pa english ng english. Siguro nagpapapansin 'to.

"Pwede bang tumahimik ka?" Irita kong sabi. Napairap na lang ako. Aba, nakakairita na yung sinasabi nya eh.

"Chill. Titigil na." Marunong palang magtagalog nagenglish pa. Kaistorbo sya eh. Kitang may hinihintay yung tao eh.

"Bakit mo ko kinakausap?" Hindi ito umimik at tumabi na lang sakin. Naramdaman ko na inakbayan nya ko kaya napatingin ako dito.

"Okay lang yan. Marami pa namang ibang lalaki dyan. Nagbreak kayo 'no?" Flip. Ano bang iniisip ng lalaking 'to? Ni wala nga akong boyfriend.

"Excuse me, Wala akong boyfriend. Kaibigan meron, hinihintay ko sya." Sabi ko at tumingin sa malayo.

"Okay. Dito muna ako ha? Brokenhearted kasi ako." Ramdam ko ang lungkot nya ng sabihin nya yon. Sino ba naman ang taong brokenhearted na masaya? Unless, ginusto nya talaga na nakipagbreak ang kasintahan nya.

"Okay lang yan. Darating din ang tamang babae para sayo. Baka di kayo destined sa isat isa. Pinagtagpo lang hindi tinadhana." Sabi ko. Kahit papaano, napapagaan ko pa rin ang atmosphere pati nakakatulong na rin.

Di ito umimik at naramdaman ko na lang na nakapatong na ang ulo nito sa balikat ko. Tulog na pala ang loko, di man lang nagpakilala. Napatingin ako sa kalangitan na unti unting nagdidilim.

Mukhang uulan at mukhang di agad ako makakaalis dito. Paano ako aalis kung tulog ang kasama ko na di ko kilala?

Binuksan ko na lang ang payong at pinayungan kaming dalawa.

Thunder POV

Nang makarating ako sa park na pagkikitaan namin. Nasaktan ako sa aking nakita, si light, may kasama syang ibang lalaki at nakapatong pa ang ulo nito sa kanyang balikat.

They look like a real couple.

Bumuhos ang malakas na ulan kasabay non ang pagpatak ng luha ko. Tumakbo ako papunta sa aking kotse at dumiretso na lang sa bahay.

Bakit ba ang torpe ko?

Naunahan na tuloy ako ng iba. Pagkarating sa bahay. Agad akong pumasok sa aking kwarto at nilock ito. Ayokong makita nila akong umiiyak.

Why? Bakit ito ang parusa nyo? Di pa ba sapat na ang pinapakita kong kilos sa kanya ay ang pagkagusto ko?

Kumuha ako ng alak at sa tinungga ito. Wala na rin namang kwenta ang buhay ko kaya magpapakalunod na lang ako sa alak.

Nakailang inom na ako at naramdaman ko na nahihilo na ko. Bago pa ko nawalan ng malay, narinig ko ang pagsigaw ng isang babae sa pangalan ko.


"Thunder! Jusko! Tulong!"

Everything went black.

--

Author Note.

Sorry for the super duper late update. Naging busy nang nakaraang araw at wala akong time para magupdate. Sorry to keep you waiting.

Pasensya na rin if this update is too short for you.

Who is the girl?

👑👑👑

Endless Love 1 & 2 Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon