EL2: Chapter 3

143 8 3
                                        

Please read my other stories~~~

☠☠☠

Eins POV

  Nandito ako ngayon sa bahay at hinihintay ang kapatid ko na kanina pa nag-aayos. Ayos din naman kasi yon eh, isang oras kung mag-ayos kaya hindi na ko magtataka na wala 'tong boyfriend.

  “Tara na!” Sya pa 'tong may ganang ngumiti. Si Jade nga pala, hindi nya alam na may kapatid ako kaya di ako magugulat kung makita nya na kasama ko 'to.

  “Sana pala, iniwan na kita dito. Sayang oras eh.” wika ko. Napapout ito at hindi na lang sumagot. Mas mabuti kaysa magbangayan kami dito, sayang lang ang oras.

Umalis na kami ng bahay at pumunta ng mall. Mahilig magshopping si Jade kaya hindi na ko magtataka na masasalubong namin sya. Pagpasok sa mall, nakita ko agad si Jade pero nakatalikod ito at kausap ang ate nya.

“Diba sya yung Girlfriend mo na pinilit ka lang na ligawan yan?” bulong nito. Natawa na lang ako at tumango.

“Wag na natin yang pansinin basta kapag nakita nya tayo, act like your my real girlfriend. Selosa pa naman yan.” napangisi ito sa sinabi ko at sinuntok ako sa dibdib. Aray, ang sakit naman nito manuntok.

“Game ako dyan!” wika nito. Pareho kaming ngumisi at pinulupot nya ang kanyang kamay sa braso ko at ipinatong ang ulo sa balikat ko.


  Nakangiti pa ito ng gawin nya yon. Nadaanan namin sila at alam kong nakita nya kami at masama ang tingin nya kay ate. Tinignan ko si ate na wagas kung makangiti.

“Tanggalin natin yang ngipin mo, gusto mo ba?” napapout na lang ito sa sinabi ko. Kanino kaya nagmana si Ate?

  Nang makalayo na kami sa kanila, bumitaw na si Ate at nagsimula ng magshopping. Hindi ko na lang ito sinamahan, itetext ko na lang sya mamaya kapag uuwi na kami.


Naglibot libot lang ako sa mall hanggang sa may nabangga akong babae. Pamilyar ang kanyang mukha pero tuloy tuloy lang ito sa paglalakad, hindi man lang ako nakahingi ng sorry.


Pagharap ko, nagulat ako dahil bigla nya akong sinampal. Sino pa ba? Si Jade na galit na galit ang mukha pati na rin ang ate nya. This is the perfect time para makipagbreak ako sa kanya.

“You cheater! How did you do this to me!? Minahal kita ng totoo pero niloloko mo lang pala ako!” sigaw nito sakin. Nakuha nya ang atensyon ng mga tao dito. Bravo, Jade. Naging madali sakin ang pakikipagbreak sayo.

“Im breaking up with you.” sabi ko. Tumalikod ako at nagsimula ng maglakad palayo, rinig ko ang kanyang pagiyak. Bigla akong hinarap ng ate nya at akmang susuntukin ng maunahan ko ito.


“Subukan mo. Mawawala ang respeto ko sa babae.” cold kong sabi. Binitawan ko ang kamay nito at sinamaan nya ko ng tingin.

“Bago ka pa manira uunahan na kita. Ganyan ba kayo kadesperadang babae para lang makuha ang gusto nyo? Inagaw mo na nga si Thunder sa mahal nya dahil gusto mo tapos ngayon naman, pinilit nyo kong ligawan ang panget mong kapatid. Magkapatid nga kayo, parehong pareho ang ugali.”


Iniwan ko itong tulala at tinext na lang si Ate na uuwi na. Sa wakas, hindi na rin ako nakakulong sa kamay ng mga Tangco.

Lights POV

  “Mall tayo, gusto mo ba?” tanong ni thunder. Umiling ako. Pagod ako ngayon dahil sa mga projects na binigay.

I just feel na may hindi magandang nangyari sa mall ngayon.

“Sige, pahinga ka na lang muna.” then he kissed me on my forehead. Hes very sweet but sometimes, cold. Ewan ko nga kung bakit sobrang caring nya eh. 

Itutulog ko na lang 'to.

☠☠☠

Sino kaya yung babaeng nabunggo ni Eins?
Any clues or ideas?

Hihihi.

Endless Love 1 & 2 Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon