EL1: Chapter 19: Acceptance.

233 11 2
                                        

Light.

Iniisip ko ngayon kung tatanggapin ko ang invitation mula sa misteryosong babae na pumunta kahapon dito sa bahay namin.

Naramdaman ko na nagvibrate ang aking phone mula sa aking bulsa. Nilabas ko iyon at sinagot ang tawag nito.

"Kumusta ka na dyan?"

"Ayos lang po, Ma."

"Mabuti naman. May problema ba?" Should I Say It?

"Kilala nyo ba yung babaeng pumunta dito? Inimbitahan nya kasi ako sa Engagement Party nya." Nagbabakasakali lang ako.

"Ah, Si Michelle yon. Balita ko nga Engage na sila ni Thunder Eh." Biglang sumikip ang aking dibdib at pinipigilan na humikbi.

"G-ganon po ba? Sige, B-bye na po."

Tsaka ko pinatay ang tawag, Michelle? Iyon din kaya yung babaeng sinaktan ni Thunder? Humiga ako sa aking kama at niyakap ang unan.

Naramdaman kong bumagsak na ang mga luha na pinipigilan ko kanina habang kausap si Mama. It hurts alot, Lalo na nung nalaman mo ito sa ibang tao.

Pero sasabihin nga ba yon kahit na may problema kami? Hindi, syempre sa pagkakaalam nya ay hindi pa rin naaayos ito.

Napabuntong hininga na lang ako at huminga ng malamim. Tatanggapin ko na ang imbitasyon para makumpirma kung totoo nga o baka ibang pangalan lang yon.

Narinig ko na tumunog ang doorbell kaya lumabas ako ng bahay at saka binuksan ang gate. To my Surprise. It was a stranger. May dala pa itong bulaklak.

"For you." Tinanggap ko naman ito at tumango na lang. Wala akong masabi eh.

"Pwedeng papasukin mo na ko?" Tumango ako at pinapasok na ito. Nagsimula na kaming maglakad papasok sa bahay namin.

Bakit ko ba pinapasok ang stranger na 'to gayong hindi ko naman ito kilala?

"Angelo Sy at your Service." Teka, Pamilyar ang pangalan nya sakin.

"Hindi ako yon. Kakambal ko yon." Napatingin naman ako dito na may pagtataka. Umupo kami sa couch at nilagay ang bulaklak sa may lamesa.

"How did you know?" Kahit ako, hindi ko rin naman tinanong kung sya nga yon.

"Halata sa mukha mo." At Ngumiti ito labas pa ang dimple sa kaliwa. Oh, nagpapacute ba 'to?

"Bakit ka nandito?" I asked. Hindi naman pwedeng sabihin nya na wala syang dahilan.

"I want to invite you to be my date." Lumukot naman ang mukha ko sa kanyang sinabi. Para lang don? Pero may iba pa kong pupuntahan kaya hindi ko yon tatanggapin.

"Sorry. Can't accept your request. May pupuntahan kasi akong Engagement Party." Kita sa mukha nito na bahagya itong nagulat pero kalaunan ay nakarecover din naman ito.

"Yon nga yon. I heard that you were invited kaya ininvite kita para maging date ko." Oh, So iisa lang pala ang pupuntahan. Hes A Nice Guy, I can feel it pero ramdam ko rin na parang may bumabalot dito na aura. Seems like his showing his fake emotion.

"Okay, I'll accept it. Pagkatapos noon uuwi na agad ako." Ngumiti ito ng malaki at saka hinawakan ang kamay ko. Napangiwi naman ako sa ginawa nya.

"Thank you. Hahatid na lang kita ah?" Tumango ako at pilit na tinatanggal ang kamay nya sa kamay ko. Mamaya may sakit pala ito at mahawaan pa ko.

"Pwede ka ng umalis." Tumayo ito at saka tumayo na rin ako. He kissed my cheeks at saka lumabas ng bahay like leaving me speechless.

What a jerk!

--
What do ya think?

Endless Love 1 & 2 Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon