Light.
Nandito ako ngayon sa bago kong condo. Sinabi ko kasi kay Dad na ipagbili na yung bahay at first nag-alala ito pero kinumbinsi ko ito at pumayag naman sya.
Oras na para magmove on. Mabuti na lang at hindi ako inabutan ni Angelo. Sinabi ko rin sa kanila na wag sabihin kung nasaan ako.
Kumuha ako ng baso at saka mainit na tubig. Naglagay ng kape sa baso at nilagyan ng mainit na tubig. Hating gabi na pala at nandito ako ngayon sa Terrace ng Condo ko.
Umupo ako at saka humigop sa hawak ko na kape.
Masyado nang masakit ang mga nakikita ko sa kanila. Masyado na nila kong sinasaktan. Masakit, Kung ikaw ngayon ang nasa sitwasyon ko. Mararanasan mong matutunan magsinungaling at makasakit.
Angelo.
No, Hindi 'to pwede. Kung sabihin ko kaya ang plano nya kay Thunder? Pero mapapahamak din ako at hindi na babalik si Light.
Napabuntong hininga na lang ako, Yung nagawa ko dati? Pinagsisihan ko yon. Nagsisi ako na ginawa ko yon sa kanya at hindi na inulit pa.
Pero totoo yung aagawin ko si light mula sa kanya pero parang ang bilis dumating ng karma. Wala na sya kung kailan ako may lakas loob na magtapat ng feelings sa kanya.
Kinuha ko ang aking phone at saka tinitigan ito. Tatawagan ko ba at sasabihin? Hindi naman nya malalaman kung walang magsasabi pero kung meron mang tao ang nandito na pinagmamasdan ako at hinihintay ang gagawin. Hindi ko na lang itutuloy ang balak ko.
Naidial ko ang numero nito at tinapat sa tenga ang phone. Unang ring pa lang, kinakabahan na ko. Feeling ko may taong nakatingin sakin.
Nang ikatlong ring na, sinagot nito ang tawag ko pero ibang boses ang narinig ko.
“Anong kailangan mo, Angelo?” Nanigas ako sa aking kinauupuan. Its her voice. Napatingin na lang ako sa paligid at binalik ulit ang atensyon sa kausap ko.
“Gusto ko sanang kausapin si Thunder”
“Okay, Hang up a second.”
Hindi pa nito nahahalata na may binabalak ako.
“Kailangan mo?” Nakahinga ako ng maluwag ng marinig ko na ang boses nito.
“Bukas. Meet me at the park. Mga 12 Am. I need to tell you something.”
“Make sure its important.”
“Importante nga to. Basta bukas, Meet tayo sa Park. 12 Am. Note that”
“Okay”
*toot*
Thunder.
“Okay.” Then I end the call.
Nilagay ko sa may ilalim ng unan ang phone ko. Just in case na may makialam ng gamit ko.
Napabuntong hininga na lang ako at saka nakipagtitigan sa kisame. Simpleng problema hindi namin masolusyonan. Lalong lumalala kapag hindi pa natapos.
Gusto kong magexplain sa kanya pero ayaw nya kong makita, makausap pa kaya?
Biglang tumunog ang aking phone pero hindi ko ito tinignan. Para saan pa? Walang kami pero totoo naman eh, Wala talaga kami.
Hindi man lang ako nakapagconfess at nanligaw. Ngayong alam kong may umaaligid na dito, Hahanapin ko sya kahit anong mangyari. Kahit na magkasakit ako.
Basta lang mahanap ko sya, Masaya na ko. Masaya na kong maging kasama sya habang buhay.
Matagal pa naman ang kasal kaya kailangan ko ng magsimulang maghanap. Bukas, Magsisimula na kong maghanap.
Kailangan lang ng hindi ko makasalubong si Michelle.
--
Good night guys~
![](https://img.wattpad.com/cover/81633634-288-k598316.jpg)
BINABASA MO ANG
Endless Love 1 & 2
FanfictionLight Mendoza. Isang babaeng may kapangyarihan ngunit agad din naman itong nawala dahil sa hindi malamang dahilan. Paano kaya nila malalabanan ang mga pagsubok na dadating sa kanilang buhay? Want to read more? Then, read this. It's worth it.