EL2: Chapter 1

247 12 4
                                    

Author's Note:

I can't believe na nakaabot tayo sa ikalawang aklat nito. Ito na ang hinihintay nyo :).

Light's POV

"Okay ka na ba?" Naiirita na ko sa katatanong ni Thunder sakin. Hindi ko na lang iyon pinansin at alam ko naman na alam na nya ang sagot sa tanong nya.

Nandito na ko sa bahay at binisita ako ni Thunder. Marami na ang nagbago simula noon. Hanggang ngayon ay galit pa rin ako kay Michelle. Hindi ko alam kung magsosorry sakin si thunder.

"Alis na ko ah." Tumango lang ako at hinayaan syang umalis dito sa bahay. Mag-isa nga pala ako ngayon sa bahay at nasa trabaho ang magulang ko.

Naisipan kong maligo at pumunta ng mall. Ang boring naman kasi dito sa bahay tapos wala ka pang kakwentuhan. Kinuha ko na ang aking wallet at umalis na ng bahay.

Pagdating sa mall, pumunta agad ako sa NBS. Bibili ng mababasa para hindi ako masyadong mabored sa bahay. Kukunin ko na sana ang nag-iisang aklat na gusto ko pero may nakasabay ako sa paghawak nito.

"Sige. Iyo na yan miss. Bibili na lang ako sa ibang bookstore." wika nito. Umiling ako at binigay sa kanya ang aklat na hawak ko kanina.

"Ano ka ba. Iyo yan. Ikaw ang nauna eh."
Saad ko. Nakakahiya naman 'to. Ngumiti lang sya at ibinalik sakin ang aklat.

"Sayo na. Ikaw ang nauna eh. Sige, alis na ko." wika nito. Napatulala na lang ako sa sinabi nito. Huli na ang lahat ng nakaalis na sya. Gusto ko syang maging kaibigan pero parang ayaw rin. Ang gulo ko 'no?

Binayaran ko na ang aklat at pumunta sa groceries. Bibili ako ng makakain sa bahay. Kukuha na sana ako ng V-Cut ng bigla ko syang nakita na may kasamang babae. Nilagay ko na sa cart ang V-cut at agad na pumunta sa counter.

Hindi ko alam kung bakit ako nagtago kanina ng makita ko sya. Pagkatapos bayaran, umuwi na ako sa bahay. Binuksan ko ang TV at nanood ng movie habang kumakain.

Eins POV

"Bakit ba ang tagal mo?" tanong nito. Hindi mawala sa isip ko ang babaeng yon kanina sa BookStore.

"di ko nabili yung pinabibili mo kaninang aklat." wika ko. Alam kong sesermunan ako nito dahil hindi ko nabili ang gusto nya. Gusto nyo ba syang makilala?

"Nakakainis ka! Makaalis na nga!" At iniwan nga ko nito dito. Parang nakita ko sya kanina. Habang naglalakad, sasabihin ko muna kung sino yung babaeng kausap ko kanina.

Sya si Jade Erin Tangco, kapatid sya ni Michelle. Girlfriend ko sya. Pero hindi ko talaga sya mahal. I was forced to court her just to save our business. Sakal na sakal na ko sa kakautos nya at ang arte nya. Selosa pa, ewan ko ba kung bakit ako pinilit na ligawan ang babaeng 'yon.

When i got home, agad akong pumunta ng kwarto at nahiga. Sa tuwing ipipikit ko ang aking mata, mukha nya ang nakikita ko. Ano bang meron ka at ginanto mo ako?

Nung una akala ko natatandaan nya ko. Pero nagkamali ako, hindi pa pala nya ko naaalala at hindi iyon mangyayari. Kaya sya nagkaamnesia, dahil rin kay Michelle na ubod ng kasamaan. Hindi sya titigil hangga't hindi nya nakukuha ang kanyang gusto.

Napakadesperada nyang babae.

Bukas na bukas, makikipagbreak na ko sa kanya at wala akong pakialam kung bumagsak man ang business namin. Wala akong pakialam kung papagalitan nila ako sa ginawa ko. Malaki na ko at kaya ko nang magdesisyon para sa sarili ko.

Thunder POV

"Hello?" wika ko. Sino ba ang baliw na tatawag ng ganitong oras?

"Kailangan mong pumuntang States." sabi ni mommy. Nagising ang diwa ko ng marinig iyon, bakit? Ano na naman ba ang balak nila?

"I can't mom." sabi ko. Inaantok pa ko eh. Istorbo ng tulog. Saka, ngayon ko na lang ulit makakasama si light. Ilang buwan kaming hindi nagpapansinan eh.

"We need you here! We need your help!" Rinig sa boses nito ang pagmamakaawa. Pagbibigyan ko sila ngayon lang ah. Pero pag umulit sila, hindi na ko susunod sa kanila.

"K. Fine. Kailan?" wika ko. Ayoko ng ngayon agad ang alis.

"Ngayon din!"

*toot toot*

Itetext ko na lang si Light na mawawala ako dito ng ilang buwan. I will definitely miss her.

---

Comment down kung gusto mong madedicate sayo ang susunod na chapter :)
See you later :) .

Endless Love 1 & 2 Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon