EL2: Chapter 18

92 8 1
                                    

EL2: Chapter 18.

Light's Point of View


Ano na namang pakana 'to?


"I know what your thinking." Napalingon ako dito na may pagtataka. He can read minds?

"No, Reading Minds is impossible." Napasimangot na lang ako ng sabihin nya yon, sabi ng nakakabasa sya ng isip eh.

Narinig ko itong tumawa ng mahina at tumingin na lang ako sa labas. Wala namang nakakatawa.

"Kita pa lang sa expression mo, halatang iniisip mo yon."

Tumango na lang ako. Wala na naman akong dapat sabihin. More on, Curious ako sa pupuntahan namin.

"Wag kang mainip, matulog ka muna. Mahabang byahe 'to."

"Sige, gisingin mo na lang ako ah."

Tumango ito at isinandal ko naman ang ulo ko sa may bintana. Guess, I should wait.



Thunders Point of View.




I looked at her face. Napangiti na lang ako at naisip ang mga pinagdaanan namin. All those challenges, kahit na mahirap. Nakaya pa rin namin and we stay strong kahit na may ilan ang humadlang.




Iniwas ko na ang tingin ko sa mukha nito at tumingin na lang sa daan. Ilang oras lang ang nakalipas ay natatanaw ko na ang beach resort. Pinark ko ang kotse at saka binuhat si Light papunta sa kwarto nito. Wag kayo, wala akong gagawing masama sa kanya.




Kinumutan ko ito at lumabas na ng kwarto. Kailangan ko pang paghandaan ang date namin. Since, sunset naman talaga ang oras.









30 minutes later.








Sa wakas, tapos na rin ito. Handa na ang lahat at gigisingin ko na lang si light. Nakabihis na naman ako eh.





Lights Point of View.




"Light, gising."

"Hmm?"



Unti unti kong minulat ang mata ko at tinignam ang paligid. Kwarto, si thunder nakabihis. Agad na nanlaki ang mata ko sa aking naisip. Ano ba, hindi yon mangyayari.




"Wala akong ginawang masama sayo."  Nakangiti nitong sabi. Aba, may gana pang ngumiti ah.

"Anong oras na?"



"Magaala sais na. Magbihis ka na. Gandahan mo ha." sabi nito at hinalikan ako sa pisngi. Para saan? May event bang magaganap?



Lumabas na ito at ako naman ay pumunta na sa CR kung saan may nakahanda ng damit. Aba, pinaghandaan talaga ah. Sinuot ko na ito at pagkatapos ay konting make up lang at doll shoes.




Lumabas na ko ng kwarto at agad na hinanap si Thunder. I looked around pero nagulat ako nang may natakip ng mata ko gamit ang panyo.


"Tulon---!"


"Tumahimik ka."




Tinakpan nito ang bibig ko dahilan para hindi ako makasigaw ng maayos. Naramdaman ko na lang na tumulo ang luha ko. Natatakot na ko, sana may tumulong.



Naramdaman ko na lang na dinala ako ng taong ito sa beach. Ramdam ko kasi ang buhangin na nalagyan ang doll shoes ko.






Maya maya lang ay tinanggal nya ang pagkakatakip sa bibig at mata ko.






"SURPRISE!"





Si thunder, nakangiti pa at ako naman ay maiiyak na sa kanina. Akala ko kung ano na, yun pala may surprise ang lalaking 'to. Tumulo na lang ang luha ko at agad akong niyakap ni thunder.






"Natakot ka ba kanina?" Kanina? Plano nya pala yon.



"Sobra. Wag mo na yong uulitin, ha?"


"Oo na, i just want to surprise you. With the help of the staffs of this beach resorts."



"Kayo may ari nito?" Tinignan ko ito ng nagtataka. Ngayon ko lang nalaman, na may beach resort pala sila.


"Yeah. Upo na tayo. Baka hindi mo pa makita ang paglubog ng araw. Pinaghandaan ko 'to kanina pa."






Umupo na kami at pinagmasdan ang araw. Ever since were in a relationship, he changed. Simula sa cold na thunder na kilala ko hanggang sa naging malambot na ito at hindi na kasing lamig ng yelo.







----

Endless Love 1 & 2 Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon