Tina's Point of View
"Pakidala 'to sa kusina." Utos ko sa maid namin. Kinuha naman nito at agad na pumasok sa kusina.
Katatapos lang namin maghapunan at nag-uusap kami tungkol sa kung paano ko papatakbuhin ang isang kumpanya. May kumpanya kami, di lang alam nang nakararami.
"Ayusin mo." Sabi ni daddy at agad na tumayo at pumasok sa kanyang kwarto. Tsk, lagi na lang ganyan.
"Pagpasensyahan mo na s'ya, anak." Sabi naman ni mommy. Napairap na lang ako at tumayo na si mommy para ituloy ang ginagawa nya.
Tumayo na ko at pumasok na sa kwarto ko. Alas-otso na rin nang gabi at bukas na nga pala ako lilipat nang school. Hindi nyo nga pala yon alam, pinalipat na ko nang school ng parents ko at sa School yon ni Thunder.
Napangisi na lang ako nang naalala ko ang babaeng basta na lang sumugod sa bahay ni thunder. Makikita ko sya, araw araw. Edi araw araw din may gyera.
Nagring ang phone ko at tinignan kung sino ang tumatawag.
Thunder is calling...
Answer
Decline
Sinagot ko ito at hinintay itong magsalita. Sya naman ang may sasabihin.
"Hey, pakisabi kina mommy na babalik na ko dyan. Also, kami na ni Light."
Napairap na lang ako, halata naman sa kanya na masaya sya.
"Oo na, O'nga pala. Bukas, sa School nyo na ko mag-aaral."
"Talaga? Alam na ba yan nila mommy?"
"Oo, may sasabihin ka pa?"
"Wala na. Bye."
Binaba na nya ang tawag kaya idinial ko naman ang number ni Tita. Pagkailang ring, sinagot nya agad 'to.
"May sasabihin ka ba, tina?"
Rinig ko pa na nagluluto ito.
"Uuwi na nga pala si thunder bukas."
"Mabuti kung ganon. Alam na ba nya?"
"Opo."
"Sige, bye na."
Ako na mismo ang nagpatay nang tawag. Pinatay ko ang aking cellphone at kinuha naman ang laptop. Nag-FB lang ako at isang friend request ang nakapansin nang atensyon ko.
Stella Marquez
Accept or Delete
Napangisi na lang ako, pinisa ko ang pangalan nito at tinignan muna sandali ang timeline. Ang dami naman nitong picture, mostly pagpapaganda lang. Marami rin syang followers.
In-accept ko ito at in-unfollow. Hindi sya swerte para ifollow ko sya. Nag log-out na ko at agad na pinatay ang laptop pagkatapos ay nilagay ito sa dating kinalalagyan.
Pinatay ko na ang ilaw at natulog na.
See you, bitch.
Thunder's Point of View.
Isang araw lang ako hindi nagparamdam kay light dahil sa inaayos ko na ang pagbalik ko sa pinas. Alam ko rin naman na babalik rin si light, kasabay ko. Baka isipin nun na pagkatapos ko syang sabihin iyon, nilalayuan ko na sya.
Never.
Biglang nagring ang cellphone ko at tinignan kung sino ang tumatawag. Napangiti na lang ako.
Light is calling...
Answer or Decline
Sinagot ko ito.
"Hoy! Bakit hindi ka nagpakita sakin? Siguro, niloloko mo lang ako nung isang araw ano?"
"Hindi 'no. May inaayos lang ako. Balita ko, babalik ka na sa pinas bukas."
"Oo--- Teka! Paano mo yon nalaman?"
Confirm!
"Sabay na tayo, gusto mo?"
"Ah, E-eh ano k-kasi"
"Okay lang. Tanggap ko naman."
"Huy! Wala akong sinabi ah. Sige na nga."
"Tulog na nang maaga para sabay na tayo bukas."
"Oo na lang."
"Goodnight, Love. I love you."
"I-i l-love y-you, t-too."
Agad nitong binaba ang tawag kaya napailing na lang ako habang nakangiti. Sus, kinikilig lang yan.
Note.
Vote and comment.
Twitter: Aura WP(Follow me if you want to.)

BINABASA MO ANG
Endless Love 1 & 2
FanficLight Mendoza. Isang babaeng may kapangyarihan ngunit agad din naman itong nawala dahil sa hindi malamang dahilan. Paano kaya nila malalabanan ang mga pagsubok na dadating sa kanilang buhay? Want to read more? Then, read this. It's worth it.