EL2: Chapter 16

88 11 2
                                        

Lights Point of View.


Nakahanda na lahat nang gamit ko at hinarap ko sina Mommy na may ngiti sa labi. Ngayong araw na pala kami babalik sa pilipinas. Alam nyo na 'yon.

"Mabuti at nagkaayos na kayo." Sabi ni Mommy. Tumango ako at niyakap ito pati na rin si Daddy. Mamimiss ko sila, kahit isang araw ko lang sila nakasama.

"Mag-iingat po kayo dito, ah?" Sabi ko. Pareho itong tumango kaya kumalas na ko sa pagkakayakap at nginitian silang dalawa.

"Ikaw din. Sabihin mo samin kung kailan ang kasal ah." Sabi ni mommy. Umiwas ako nang tingin at naramdaman ko na namula ang pisngi ko.


"Joke lang. Bata pa kayo." Sabi nito. Tumango na lang ako. Wala na naman akong sasabihin.


Narinig namin na bumusina ang kotse ni thunder sa labas. One last time, niyakap ko ulit sila at hinalikan sa pisngi.

"Alis na ko." Sabi ko. Nagkatinginan ito at tumango nang may ngiti sa labi.


Hinawakan ko na ang bagaheng dala ko at lumabas na nang bahay. Nakita ko ang kotse nitong naghihintay sa labas nang gate. Lumabas ito at kinuha ang bagaheng dala ko at nilagay sa likod nang kotse. Gentleman.




Sumakay na ko sa passenger seat at sya naman sa drivers seat. Di naman ako sa driver seat kasi hindi ako marunong magdrive.


Pinaandar na nito ang sasakyan at pinagmasdan na lang ang labas.




Tinas Point of View.


"Pumasok ka na, and meet new friends!" Sabi ni Mommy habang nakangiti. Napairap na lang ako at hindi na sya pinansin. Minsan, iniisip ko na ako pa yung mature kaysa sa kanya. Ang childish eh.


Lumabas na ko nang bahay at sumakay na sa lamborghini at pinaandar na ang sasakyan. Pagkarating ay nagtataka ang mga estudyante sa sasakyan ko.

Obvious naman na di nila ako kilala. Pinark ko ito at kinuha ang bag sa likuran at binuksan na ang pinto. Pagkalabas ay agad ko itong sinuot. Partida, nakashades pa ko.


"Sino sya? Ang ganda nya."

"Uy, p're chics oh. Mukhang model."

"Tss. Another bitch."

"Hula ko. Malandi yan."


"Transfer student?"



"Hi."


Napatingin ako sa babaeng nagsabi 'non. Napataas na lang ako nang kilay, bakit nya ko nilapitan? Sino? Si Stella. Mukhang hindi nya ko nakilala kaya napangisi na lang ako nang hindi nya nahahalata.



"Yes? May kailangan ka ba?" Ngiting sabi ko. Plastik.





"Gusto kitang maging kaibigan. You know, tayo ang reyna nang school kahit sino pwede mong utusan."


Endless Love 1 & 2 Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon