Michelle.
"Manang, Ayos na ba ang mga listahan ng imbitado para sa Engagement Party namin?" Tanong ko rito. Kahit papaano ay magalang din naman ako sa matanda pero kung mataray na matanda, Aba hindi ko yan uurungan kahit na kasuhan pa ko.
"Opo, Mam." Sabi nito at nilagay sa may tabi ng Kompyuter ang mga ito. Marami ito at halos kasing taas na ng table na ginagamit ko ngayon.
Chineck ko ulit ang mga pangalan na nakalista dito sa isang papel. Isang pangalan ang nakapukaw sa mga magaganda kong Mata.
Light Mendoza.
Napangiti na lang ako. Ngiting tagumpay. Ngayon ko ipapamukha sayo na ang akin ay akin lang at hindi sayo. Kapag nakita mo kaming masaya, masasaktan ka at lalayo.
Kapal rin kasi ng mukha mo na landiin si Thunder, Naglasing dahil sayo. Kung ikaw ang gusto ni Thunder. Pwes, Mawawala ang pagkakagusto nya sayo.
Naalala ko naman ang address ng kanilang bahay. Kinuha ko ang papel na iyon at saka lumabas ng bahay. Kinuha ang susi at sumakay sa aking kotse.
Binuhay ang makina at nagsimula nang magmaneho. Hanggang sa pagrating, malawak pa rin ang ngiti ko. Ipinarada ko ang aking kotse at saka pinindot ang doorbell.
Ngunit, Hindi ito lumabas kaya pinindot ko ulit ito. Ngayon, Lumabas na sya na may pagtataka sa mukha. Napabusangot na lang ang mukha ko.
"Anong kailangan mo?" Tanong nito habang nakataas ang kilay. Babalatan ko 'to ng buhay eh, kung hindi lang ako nagbabait-baitan kalbo na 'to bukas.
"I just want to invite you in my Engagement Party." Sabay pakita ng Invitation Card sa kanya. Partida nakangiti pa yan, Tinanggap naman nya ito at ngumiti.
"Sorry, I can't Accept that. " Binalik nito sakin ang Inivitation at sinara na ang gate nila. Aba, bastos 'to ah! Ako na nga yung nagbabait-baitan hindi pa tinanggap.
Nilagay ko na lang yon sa ilalim ng gate at sumakay na sa kotse ko at umalis na sa bahay nilang bulok. Ang baho pa nga nya eh. Eww.
Light.
Sumilip ulit ako sa butas at nakitang papaalis na ang babaita. Nang makita ko iyon, Feeling ko may hindi magandang mangyayari kaoag pupunta ako. I just reject it.
Plus i don't accept invitation from strangers.
Hindi ko sya kilala, isa na rin yan sa mga dahilan kung hindi ko tinanggap ang alok nito. Not dumb enough to accept it.
Pumasok na ko sa bahay at kumuha ng pop corn at tubig. Umupo ako sa kama na pinaghirapan kong ibaba dito at pinalit sa couch na nakalagay dito sa sala.
Umupo na ko sa kama naiplay na ang movie. Napaisip na lang ako, Yung mga sinabi nya na kaibigan nya ko. Totoo kaya yon? Hirap na kong magtiwala sa mga tao ngayon lalo na kung may kasama kang ahas.
Gusto ko na rin makausap si Thunder Tungkol sa problema na hindi namin masolusyonan. Wala rin akong ideya kung nasaan sya ngayon at anong ginagawa.
Suddenly, My Phone rang. Nakarehistro doon ang number ni Kuya Gray. Sinagot ko ito at hinintay na magsalita.
"How are you?"
"Alone. Watching Movie"
"Don't forget about the se-"
"Oo na, Paulit ulit eh. Sige na."
*Toot*
Ilang minuto ang lumipas, Naramdaman ko na dinalaw na rin ako ng antok. Pinatay ko ang TV at tinapon sa basurahan ang mga kalat at nilagay ang tubig sa ref.
Bumalik ako sa kama at nahiga doon. Unti unti na ring pumipikit ang mga mata ko at tuluyan na itong napikit.
Don't be nervous.
--
Yan lang kinaya ng utak ko, Besides. Inaantok na ko kaya bukas na lang yung chapter 19. Babush~
May magbabalik!
BINABASA MO ANG
Endless Love 1 & 2
FanfictionLight Mendoza. Isang babaeng may kapangyarihan ngunit agad din naman itong nawala dahil sa hindi malamang dahilan. Paano kaya nila malalabanan ang mga pagsubok na dadating sa kanilang buhay? Want to read more? Then, read this. It's worth it.
