EL1:Chapter Four

808 44 1
                                    

Hello!

~~~

LIGHT'S POV

"Pakawalan nyo ko dito!" sigaw ko ngunit hindi nila ito pinakinggan. Ugh, kung minamalas ka nga naman oh. "Is She Okay?" that familiar voice. Habang lumalapit ang lalaki sa'kin at saka ko namukhaan kung sino sya.

"Anong kailangan mo sa'kin Thunder?!" sigaw ko. Sh*t, bakit hindi ko magamit ang powers ko ngayon?.

"Nothing, i'm here to tell you. Goodluck at the prom and remember this, i'm your ONLY partner" at tsaka sya umalis sa aking harapan.

Naiwan akong nakatunganga at inalis na nila ang pagkakatali sa'kin at bigla na lang nilabas sa room na yun.

Nakakapagtaka lang kung bakit gusto nya ko maging partner sa prom samantala hindi ko alam na may prom palang gaganapin. Tss, hindi kasi nila sinasabi kaya ako nagagalit . I pouted.

Naglakad ako papunta sa next subject at nakinig na lang. Malay mo may surprise quiz ang terror na teacher na 'to. Hindi ko alam kung ako lang ba yun o lahat. Kasi may narinig akong malakas na pagsabog malapit sa may building namin kaya agad nila kaming pinalabas at pinalayo sa may building namin.

Alam ko na kung kanino galing yun. Kanino pa ba edi sa mga abu sayaf. Tss, wala na ba silang magawa kaya sila nagpapasabog. Habang naglalakad ako papunta sa may gate biglang may humila sa'kin at niyakap ako.

"Please...lets stay like this for a while.." sabi niya. Hinayaan ko na lang sya. Although, i'm hugging a stranger pero familiar yung boses nya. After 10 minutes, kumalas sya sa yakap at bigla na lang umalis.

Naiwan naman akong nakatulala dun. Mang-iiwan din naman pala edi sana hindi ko na sya pinayagan na yakapin ako. Lumabas na ko ng school at dumiretso sa bahay.

Pagpasok ko pa lang. Nandito na sya. Si ate Serina. Agad kaming nagyakapan at umupo sa may couch.

"Kamusta ate serina?" tanong ko agad sa kanya. "Eto, gumanda lalo. Uy, gusto mo sa bahay ka na namin tumira? Wala ka na kasing kasama dito eh." sabi niya. Bigla naman akong nalungkot at naalala sina kuya. "Sorry, akala ko nakamove on ka na." sabi niya na malungkot. "Okay lang besides matagal na nangyari yun." sabi ko at ngumiti.

"Oo nga pala, yung kasambahay nyo dito ay pinauwi ko na at binigay ang sweldo. Kaya sa amin ka titira." sabi niya. Kahit kailan hindi sya nagbago kaya niyakap ko sya.

"Sure, tara na?" sabi ko. Tumango sya at tumayo na kami tapos sumakay sa kotse nya. Nandito na agad kami sa kanilang bahay. Mas malaki ang bahay nila kesa sa'min.

Pagkababa ko sinalubong agad kami ng mga maids dito at pinapasok sa bahay. Umupo kami sa couch at inalok nya ko ng juice.

Nagulat ako ng makita ko si Thunder dito. Halos napasigaw ako. Paano ba yan? Nakatira kami sa iisang bubong.

Nakita ko na nagsmirk sya. Kinabahan ako lalo sa kanya. Eh kase naman...

"Remember, ako lang ang partner mo sa prom wala ng iba. Subukan mo lang tumakas hindi mo magugustuhan ang gagawin ko sayo."

~~~~

Woohoo! Updated na! Hello nga pala sa mga nag-add nito sa kanilang library. Don't forget to hit the vote button and comment your thoughts about this chapter.!

--

Endless Love 1 & 2 Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon