Maris' POV
First day ko ngayon bilang Grade 11 student, dito pa rin sa Keynes University. Pang limang taon na akong nag-aaral dito. Medyo malapit lang kasi ang bahay namin dito at isa ito sa pinakasikat na school dito sa lugar namin.
Papasok na ko sa gate ng school namin nang mapansin kong kakaunti nalang ang students na nasa labas.
Goodmorning Kuya! bati ko sa guard ng school namin
Nako bilisan mo! Late ka na! sabi naman nito sa akin
Napatingin naman ako sa relo ko at tama nga si kuya guard... LATE NA KO! Kaya naman binilisan ko na yung paglalakad ko.
Maris! may biglang tumawag sakin sa bandang likuran kaya naman napalingon ako
Sammie! Omg buti nalang nandito ka! Sabay na tayong pumasok dali! kaklase ko pa rin kasi si Sammie ngayon, na kaklase ko rin last school year kaya medyo nakahinga na ko ng maluwag kasi may kasama na ko sa pagiging late hahaha.
Tumakbo na kaming dalwa paakyat ng hagdan dahil nasa 2nd floor yung magiging room namin.
Mccoy's POV
Hello everyone! First day ko ngayon sa bagong school na papasukan ko ngayong Grade 11 dahil sa Los Angeles, CA ako nag-aral last year pero dito ako sa Philippines lumaki. Bago pa lang ako paalis ng bahay kaya feeling ko eh male-late ako.
Bye Ma! Alis na po ako. sabi ko sa Mom ko sabay kiss sa cheeks
Okay son. Papahatid ka ba sa driver? tanong niya sakin ng hindi nakatingin dahil busy siyang nagta-type sa laptop
Yes po. I gotta go Ma, male-late na ko! sabi ko at tumakbo na palabas
Sumakay na ko sa car ko pero nagpa-drive nalang ako sa driver ng Mom ko. Hassle kase pag umaga eh napaka traffic hays.
After 45 minutes
Sir andito na po tayo. rinig kong sabi nung driver. Nakapikit lang kasi ako buong biyahe dahil inaantok pa ko. Ang aga ko kasi gumising dahil ang layo ng house namin sa bago kong school. Bat kase dito pa napili ng parents ko eh hays!
Where's the keys? tanong ko sa driver
Bakit po Sir? pagtataka niya
Ako ng bahalang umuwi mag isa mamaya. sabi ko sa kanya at inabutan ko naman siya ng pera para pamasahe niya pabalik ng bahay. Kinuha naman niya iyon at inabot sa akin ang susi ng kotse.
Salamat po! Ingat po kayo Sir. sabi niya sakin at bumaba na kami pareho sa kotse
Naglakad na ko papasok ng school. Sakto namang may nakita akong kakilala ko.
Paulo! tawag ko sakanya kaya napatingin naman agad siya
Oh Mccoy! Long time no see! lumapit siya sakin sabay nakipag fist bump
Dito ka na rin pala? tanong ko kase sa dating school na pinag-aaralan ko in the past years eh schoolmates kami
Oo, nakakasawa na sa Collins Academy eh! sabi niya ng natatawa
Sabagay! Anong section mo nga pala? tanong ko
S4 bro, ikaw ba?
Ayos! Same section. sabi ko naman. Napatingin siya sa relo niya at sinabing..
Shit! Late na tayo! napasigaw siya kaya nagulat naman ako.
Tara na bro! Takboooo! sabi niya ulit sabay tumakbo kaya sinundan ko naman agad siya
Nandito kami ngayong dalwa sa labas ng room namin at may dalwang girls din na nandito na sa tingin ko eh classmates din namin. Napatingin naman sila samin at nginitian kami nung isang babae na hindi pinalad ng height lol. Tapos yung isa parang may pagka-suplada na ewan haha.
Uhm, yes? How may I help you? napatingin kami dun sa nagsalita, and yung teacher pala
Good morning Ma'am! Sorry we're late po. sabi nung babaeng suplada
Okay, sige pumasok na kayo dito.
Pumasok na kami at halos lahat ng kaklase namin ay nakatingin lang samin. Naghanap na kami ng upuan ni Paulo pero parang wala kaming mahagilap.
Pst! Mccoy dito! napatingin naman ako dun sa tumawag at nakita kong kuma-kaway kaway pa samin at tinuro ang dalwang vacant seat sa harap niya at ng mga kasama niya. Tumango lang ako sa kanila at ngumiti. Sinundan naman ako ni Paulo atsaka umupo na.
Oy brad! Kailan ka pa umuwi? Di ka man lang nagsabi aah. sabi ni Carlo na kaklase ko rin dati sa Collins Academy
Two weeks ago brad hahaha sorry naman! natawa lang siya at tumango-tango
Maris' POV
Pagkaupo namin ni Sammie dito sa bandang unahan biglang...
Shocks! Ang gwapo nilang dalwa no? Pero mas type ko yung isa hahaha. kinikilig na komento nitong katabi ko hayy
Sus! Gwapo nga pero mukhang mayabang! sabi ko sabay irap
Teka, sinong mayabang? Mukha ngang napaka-inosente nila eh.
Yung chinito duh! Pero yung isa mukhang tama ka, parang inosente nga. tiningnan niya lang ako na parang nagtataka na nang aasar, huh?
Oh ano namang tingin yan? kunot noo kong tanong
Parang bagay kayo non! Yieee crush mo no? panloloko niya sakin with matching kiliti pa sa tagiliran ko jusko
Alam mo, yuck! Kadiri ha! Hindi ko siya type eww!
Grabe ka naman! Yuck na nga kadiri pa tapos eww pa? Hanep ka teh! Hahaha wag masyadong defensive ha? Halata na eh! pailing-iling niyang sinabi
Edi wow! Makinig na nga lang tayo, daldal mo eh! sabi ko tas tinawanan pa ko ng hanep
Pagkatapos ng first subject, pumasok agad yung next teacher namin.
Goodmorning everyone! bati niya sa aming lahat
Goodmorning Sir!
First thing, aayusin natin yang sitting arrangement niyo para sa subject ko. sabi ni sir tapos ngumiti
Alphabetical ang ginagawa namin ngayon. At next na ang letter M kaya malapit na ko. Sana makasundo ko agad yung magiging seatmate ko *fingers crossed*
Next, Montefalcon with Monteza. umupo na agad ako sa tinurong pwesto ni sir sa amin nung Montefalcon daw hmm sino kaya yon?
--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
YOU ARE READING
The Choice
FanfictionSinong mas pipiliin mo? Ang first love mo na sobra-sobra mong minahal noon pero nasaktan ka din ng sobra pero handa niyang gawin lahat para lang mahalin mo ulit siya o yung taong dahilan ng paglimot mo sa lahat ng sakit na naramdaman mo at nagbigay...