CHAPTER 10

98 4 0
                                    

Maris' POV

Hindi ko alam kung bakit ang drama ngayon ng kumag na kasama ko ngayon. Siguro buang na talaga. Ayy hindi, buang na pala talaga. Matagal na! Haha. Kaya lang naman kasi ako tahimik simula kanina kase may naalala lang ako bigla.

Last night convo...

To: Buang

Saan ba tayo pupunta?

From: Buang

Sa lugar kung saan kita gustong dalhin after ten years. LOL!

Oh diba parang ang weird lang nung sinabi niya. Sino ba namang hindi mag iisip ng kung ano-ano dahil don eh sa simbahan pala ang punta namin ngayon. Ano sa palagay niya iisipin ko jusko!

Pero ipapasok ko nalang sa utak ko na may Janella na ulit siya kaya imposible yung naiisip ko about dun. Hays!

Peace be with you Maris.

Medyo nagulat ako dahil nagsalita siya at nakangiti pa sakin ngayon. Lutang kasi ako kanina pa kaya di ko na alam kung anong ganap. Sorry po G! Hehe.

Peace be with you Buang. sabi ko nalang din at ngumiti sa kanya

Maya-maya communion na. Naglalakad na kami papunta sa unahan para tumanggap ng ostiya pero biglang lumingon yung nasa unahan ko which is Mccoy.

Ladies first. Mahina niyang sabi tapos pumunta sa likod ko at hinawakan ng pareho niyang kamay ang magkabilang balikat ko. Ang hilig niyang gawin 'to sakin pag naglalakad kami kasi lagi niya akong pinapauna at sanay na rin naman ako.

Pagbalik naming dalwa sa pwesto namin ay lumuhod at nag pray na agad kami. Mas nauna akong natapos sa kanya kaya nakaupo na ko. Mukhang ang dami niyang pinagdarasal eh.

Bigla namang nag vibrate yung phone ko. Si Carlo pala tumatawag at ang dami na rin pala niyang texts. Hindi ko na muna iyon sinagot at inantay ko nalang tumigil.

Napindot ko naman bigla yung camera at saktong nakatapat ito kay Mccoy na nakatalikod parin at nakaluhod. Pinicturan ko agad siya. Ewan ko ba kung bakit pero hindi ako nagdalwang isip kuhanan siya. Lakas talaga ng trip ko. Lol.

Nagulat naman ako dahil bigla na siyang humarap sakin at umupo na sa tabi ko. Napatingin naman siya sa phone ko na hawak ko parin hanggang ngayon.

Uhm, pinatay ko muna tong phone ko. Tinaas ko ng konti yung phone ko para ipakita sa kanyang nakapatay na talaga yon.

Istorbo kasi eh! sunod kong sabi tapos nilagay ko na ulit sa dala kong sling bag tas ngumiti ako sa kanya at tumango lang naman siya pero ang seryoso parin ng mukha

Nakinig nalang ulit kami kay father na nagmimisa. Pasulyap-sulyap lang ako sa kanya. Hindi ko kasi mapigilan. Siya naman yung walang imik ngayon. Baka tampo talaga 'to sakin. Nakanang!

Huy! tinusok ko pa siya sa tagiliran para mapansin ako

Kasalukuyan kasi kaming naglalakad palabas ng simbahan ngayon. Tumingin naman siya sakin na wala man lang facial expression.

San tayo? medyo nagpacute ako ng konti sa lagay na yan

Ikaw, baka gusto mo ng umuwi sa inyo? seryoso niyang tanong pero hindi nakatingin sakin

Ha? No! napatingin siya sakin na nakakunot ang noo, napalakas kasi yung boses ko hehe

I mean, hindi pa. Ayoko pang umuwi. gusto pa kitang kasama tapos uuwi na agad? wag muna uy!

The Choice Where stories live. Discover now