Mccoy's POV
Nandito na kaming lahat sa airport. Iniintay nalang namin yung 10pm flight papuntang Cebu. Halos lahat kami ay may sari-sariling mundo dahil puro naka-earphones baga naman.
Sinilip ko kung anong ginagawa ni Maris. Ang layo kasi ng pwesto niya sakin. Kumbaga nasa magkabilang dulo kami ng upuan. Oo, hanggang ngayon hindi parin niya ako kinakausap.
Naisipan kong tumayo at lumapit sa kanya kaso biglang tumunog yung phone ko dahil nag reply pala agad si Maxine. Pero napatingin na siya sakin gawa ng nakatayo na pala ako sa harapan niya.
Uhm, water? inalok ko siya ng bottled water na hawak ko ngayon pero umiling lang siya kaya napatango nalang ako at bumalik na ulit ako sa kaninang pwesto ko hays
In-open ko na yung message ni Maxine..
Cutie Pie/Babe: Wag mo kakalimutang mag chat agad sakin pag nakarating na kayo dun sa hotel ha? Magtatampo talaga ako sayo! Mag-ingat ka, kayong lahat actually. We're going somewhere nga pala sabi ni Mom, ayaw pang sabihin eh haha. At kinakamusta ka rin nila pareho ni Dad. Next time nga daw sana makasama kana sakin dito. Wag kang papagutom babe. Imissyousomuch! Iloveyouuu :*
Nag reply din naman agad ako..
Me: Okay po. Haha wag naman! Sige, mag-ingat din kayo nina Tito at Tita dyan. I-enjoy mo lang yan na kasama sila. Sabihin mo hindi ako okay dito dahil malayo ka sakin ngayon :P Osige ba, walang problema haha. Ikaw din, dapat pagbalik mo dito tumaba ka kahit konti. I miss you babe. I love you... always.
Cebu, here we come! sabay na sabi nina Jane at Sammie dahil sasakay na kami sa eroplano
Tulungan na kita -- kinuha ko yung mga gamit ni Maris pero kinuha ulit niya sakin -- Wag na, kaya ko naman. tumango nalang ako at hinayaan ko na siya, baka lalong magalit eh
Nang makita kong umupo na si Maris, lumapit agad ako sakanya.
Maris, pwedeng ta-- naputol yung sasabihin ko dahil kay Karen -- Oops, ako dyan bangus! inunahan niya akong umupo sa tabi ni Maris kaya napakamot nalang ako sa ulo
Dito ka nalang Mccoy! tawag ni Paulo kaya sakanya na ko tumabi
Anong meron sa inyo ni Maris? tanong niya at na-gets ko naman agad
Nagkibit-balikat ako, Ang labo nga eh. Hindi ko alam kung bakit hindi niya ako kinakausap.
Baka nagtatampo parin dahil sa nangyari kahapon -- pagkasabi niya non ay naglagay siya ng earphones sa tenga at tumingin ulit sakin -- Suyuin mo lang ng suyuin, bibigay din yon. at tinapik-tapik pa ko sa balikat
Napatingin naman ako kung nasaan si Maris, naka-earphones din pala at nag i-scroll sa Instagram.
*ting* (May naisip akong bright idea)
Itetext ko siya kahit nakikita ko naman siya ngayon.
To: Bituin/Bes :)
Miss Sungit! Seatmate! Bes! Maris, kausapin mo na ko. Kung tungkol ito dun sa nangyari kahapon, I'm really sorry. Bati na tayo please? Namimiss na kitang asarin hehe. Pero seryoso, sana wag mo na kong iwasan. Sayang naman yung pagpunta natin ng Cebu kung hindi ako makakapag-enjoy kasama ka :(
Tiningnan ko agad kung anong magiging reaksyon niya pero wala eh, poker face parin kahit nakita na niya yung text ko.
Nakita kong pinatay na niya yung phone niya at naglagay ng neck pillow para matulog. Napabuntong hininga ako ng malalim at naisip kong itutulog ko nalang din muna 'to.
YOU ARE READING
The Choice
FanfictionSinong mas pipiliin mo? Ang first love mo na sobra-sobra mong minahal noon pero nasaktan ka din ng sobra pero handa niyang gawin lahat para lang mahalin mo ulit siya o yung taong dahilan ng paglimot mo sa lahat ng sakit na naramdaman mo at nagbigay...