CHAPTER 12

94 2 0
                                    

Maris' POV

It's Monday again. Parang nakakatamad na agad pumasok kahit first sem palang jusko! Anyways, kakarating lang namin ni Carlo dito sa campus. As usual, sinundo niya ako sa bahay. Ipu-push ko nalang din yung tungkol sa panliligaw niya sakin tutal nakapag-usap na kami ni Mccoy about saming dalwa.

Na-realize ko lang din kasi na mas okay nga kung close friends lang kami ni Mccoy kesa yung mas higit pa dun yung turing ko sa kanya. Matututunan ko rin naman sigurong makalimutan yung feelings kong yon kay Mccoy. Sana..

Pagpasok namin ng room, bumungad sakin yung ka-sweetan nung dalawa. Sino pa ba edi si Janella at Mccoy! Ngayon palang, sasanayin ko na yung sarili ko dahil alam kong araw-araw ko na silang makikitang magkadikit. Aish!

Maris! papunta na sana ako sa upuan ko nang bigla kong marinig yung boses na yon kaya napatigil ako at lumingon sa kanya

Nakita ko namang parang nagpaalam pa siya kay Janella dahil papalapit na siya sakin ngayon kaya ngumiti ako ng pilit nung magkatinginan na kami.

Hey, guess what? halata sa boses niya ang excitement, ano kayang meron?

Oh ano yun? tanong ko na kunwari excited din akong malaman yon

Nilapit niya yung mukha niya sakin este sa tenga ko pala atsaka bumulong...

She's now my girlfriend! ang saya naman niya haha buti pa siya

Seriously? Kala ko nasa ligawan stage palang ngayon? pagtataka ko kasi yun ang sinabi niya sakin kahapon eh bat parang ang bilis naman ata

Wait, maupo nga muna tayo. natatawa niyang sabi at umupo na nga kaming dalwa

Oo, totoong kami na! Ganto kasi yan, sinabi ko na sa kanya kanina nung sinundo ko siya, na manliligaw ulit ako ngayon pero sabi niya "No need Yuan, kase noon palang napatunayan mo na sakin kung gaano mo ako kamahal at alam mong mahal din kita. So starting from now, I'm yours and you're only mine".

Habang kinu-kwento niya sakin yon ay nakikita ko sa mga mata niya ang sobrang kasiyahan. At dahil don, magiging masaya nalang din ako para sa kanya. Kase yun naman ang importante diba? Ang makitang masaya yung taong mahal mo kahit hindi ikaw ang dahilan non.

Wow! Lakas mo talaga panget! Congrats sa inyo and stay strong! pagkasabi ko niyan ay nagulat ako sa ginawa niya, bigla baga naman akong niyakap ng mahigpit

Salamat Miss Sungit. sabi niya sa gitna ng yakap pero lalo akong nasaktan at hindi ko alam kung bakit

fast forward

Uwian na. Nandito ako sa sasakyan ni Carlo dahil ihahatid niya ako pauwi.

Nabalitaan mo na ba? tanong niya kaya napatingin ako sa kanya pero nakatutok pa rin siya sa daan

Couple na sina brad at Ella no? tumingin na siya sakin kaya tumango ako

Tayo kaya kailan? nagpaparinig pa hay naker

Umiwas ako ng tingin sa kanya kaya sa labas nalang ako tumingin. Sorry Carlo. Hindi ko alam kung handa na kitang mahalin. Kasi hindi pa rin nagbabago yung laman ng puso ko. Siya parin talaga eh.

Biro lang po! narinig kong tumawa siya ng konti pero hindi ko parin tinitingnan

Sabi ko naman sayo diba, na handa akong maghintay kahit gaano pa yan katagal. sunod niyang sabi tapos nagkatiginan na ulit kami kaya ngumiti ako sa kanya at ganun din siya

The Choice Where stories live. Discover now