Maris' POV
Maaga akong nakarating sa school ngayon dahil excited ako sa mga ganap today. May school fair kasi ang KU ngayon at dapat makipag-participate lahat ng students.
Pagbaba ko ng kotse, nahagilap agad ng mga mata ko si Mccoy na bumaba rin ng kotse niya at pinagbuksan yung taong nakasakay sa passenger seat. Sino pa ba edi yung girlfriend niya.
Hindi ko nalang iyon pinansin at nagpatuloy na ko sa paglalakad. Dumeretso muna ako sa garden para umupo at intayin yung mga friends ko. Kinuha ko naman yung phone ko at sinalpak ang earphones sa tenga ko.
Maya-maya lang nakaramdam ako ng kamay na tinakpan yung mga mata ko kaya wala na kong makita. Hinawakan ko iyon at parang alam ko na kung sino pero ayokong mag-assume.
Sino 'to? tanong ko habang nakahawak ako sa kamay niya
Inalis din naman agad niya iyon at umupo sa tabi ko na nagtatawang maige. Buang talaga ang isang 'to hays!
Bakit ka nandito? pagtataka ko at binalik ko na yung phone ko sa bag
Bakit? Bawal ba ko dito? Pagmamay-ari mo ba 'to? sunod-sunod niyang tanong habang nakatingin lang ng deretso sakin
May sinabi ba kong ganun ha? di ako papatalo bwahaha
Napabuntong hininga nalang siya at tumingin sa malayo.
Kamusta ka Miss Sungit? napatingin naman ako sa kanya na ang seryoso ng mukha
Ah nasan nga pala si Janella? Bat di mo kasama ngayon? pag-iiba ko ng topic kaya napatingin na ulit siya sakin na nakakunot ang noo pero unti-unti naman iyong napalitan ng poker face
Kasama ko siya kanina kaso humiwalay muna ako para magkaron naman siya ng time sa iba niyang friends. pagkasabi niya non ay nginuso niya yung direksyon kung nasaan si Janella at nakita ko namang may kasama nga siyang girls habang naglalakad sa hallway
At para magka-time rin ako sayo -- napatingin ako sa kanya at nakatitig lang din siya sakin na seryoso parin -- I mean, sa mga friends ko din. napaiwas na kami ng tingin sa isa't isa
Oops! Bakit parang naging awkward ata?
Uhm, nasan na nga pala yung iba? tanong niya at gets ko naman na yung ibang kaibigan namin yung tinutukoy niya
Kanina nagtext si Carlo na on the way na daw siya. Siguro parating na rin yun. tumango lang siya at natahimik na ulit kami
Few minutes later..
Maris... tumingin lang ako sa kanya na parang inaantay yung susunod niyang sasabihin
Pwede ba kitang ma--
Hi guys! napatingin naman kami sa dalwang babaeng kakarating lang, nakanang wrong timing!
Ah hello. napakamot nalang sa ulo si Mccoy at ako naman ay ngumiti lang sa kanila
Parang ang seryoso niyo naman ata! Ano bang chika ha? sabi ni Jane kaya natawa nalang ako at napailing naman si Mccoy
Wala! Teka, bakit ba ang tagal dumating nung iba? nag change topic ako kase baka kulitin kami ng mga 'to
Parating na rin yung mga kumag na yon! Na-traffic lang siguro. sabi naman ni Sammie
Excuse me girls, puntahan ko lang si Maxine. Mamaya nalang ulit. pagpapaalam ni Mccoy habang hawak yung phone niya, siguro nagtext si Janella
YOU ARE READING
The Choice
FanfictionSinong mas pipiliin mo? Ang first love mo na sobra-sobra mong minahal noon pero nasaktan ka din ng sobra pero handa niyang gawin lahat para lang mahalin mo ulit siya o yung taong dahilan ng paglimot mo sa lahat ng sakit na naramdaman mo at nagbigay...