Mccoy's POV
Pag uwi ko sa bahay, nakapag desisyon na ko. Si Janella ang napili ko between sa kanila ni Maris. Mas okay na yun para wala ng gulo. Liligawan at mamahalin ko ulit ang nag-iisang Maxine sa buhay ko.
Si Maris? Siguro mas okay na pagkakaibigan nalang ang mangyari saming dalwa at wala ng mas hihigit pa dun. May tiwala naman ako kay Carlo at alam kong aalagaan niyang mabuti si Maris. Sa nakikita ko naman, malapit na ring ma-fall si Maris sa kanya.
Inaamin kong nung una palang, nagkagusto na ako kay Maris kaya siguro lagi ko siyang inaasar at pinagti-tripan para makuha ko ang atensyon niya. Kaso, natakot ako. Natakot ako na baka masira yung pagkakaibigan naming dalwa kapag nagtapat ako sa kanya.
Alam ko namang isang hamak na buang lang ako sa paningin niya. Hindi ako yung tipo niya at ramdam ko yun simula palang. Ang laki nga lagi ng problema non sakin eh. Dun palang, napakita na niya sakin na hindi pwedeng mag level up yung friendship namin, na hanggang dun lang talaga.
Pero nagpapasalamat ako dahil lagi niya akong pinapasaya kahit hindi niya alam na yun ang nagagawa niya pag kasama ko siya. Siguro, dapat ko nalang i-treasure yung pagkakaibigan namin habang-buhay. Kahit hanggang dun nalang, masaya na ko. At least, walang break-up na mangyayari. Pang forever kami at yun ang mas gugustuhin ko.
Siguro medyo may magbabago but I will always care for her. Nandito parin naman ako na handang umalalay sakanya bilang kaibigan.
Naalala ko tuloy bigla yung nangyari nung second day of school (chapter 2)...
flashback
Oh ano Ms. Sungit, hindi ka talaga sasabay? tanong ko habang nakasakay na ko sa kotse
Ilang ulit pa ba? Sinabi nang hindi ugh! ang tigas talaga ng ulo hays
Umalis na ko sa school pero hindi ko talaga siya iniwan. Kahit ilang beses niya akong pinagtabuyan dahil sa kadahilanang ayaw niyang magpahatid sakin.
Pinanuod ko lang siya habang nakatigil yung kotse ko sa malayo pero kitang-kita ko parin siya na nag-iintay ng masasakyan para makauwi pero gabi na't lahat ay wala pa rin siyang nasasakyan.
Hanggang sa naglakad nalang siya ng ilang kanto pero biglang umulan ng malakas. Bababa na sana ako para payungan siya pero nakatakbo na siya agad sa isang waiting shed.
Ilang minuto rin siyang nag antay pero hindi parin tumitila yung ulan. Nagulat nalang ako nang bigla siyang tumakbo sa kalagitnaan ng malakas na ulan.
Napailing nalang ako, Ibang klase rin talaga ang babaeng 'to. sabi ko sa sarili ko
Dahan-dahan kong pinapaandar yung kotse ko para masundan parin siya pero hindi ko na natiis kaya tinawag ko na siya..
Maris! napalingon siya pero hindi na niya ako nakita dahil bigla siyang nawalan ng malay
end of flashback
By the way, Sunday na bukas. At plano kong yayain si Maris magsimba. Dahil pagkatapos non, siguro matagal pa bago ko ulit siya makasama na kaming dalwa lang.
Magsisimula na kasi akong manligaw ulit kay Janella after non. At gusto ko lang lubusin yung bukas na si Maris yung kasama ko. Sana nga pagbigyan niya ako kahit bukas lang. Baka kasi may date na naman sila ni Carlo. Kaya sana kahit bukas lang, ako naman yung piliin niya.
Time check: 7:55pm
To: Bituin (Oo, bituin. Dahil para sakin, isa siyang bituin. Kahit gaano ko gustong abutin, kahit gaano ko gustong mapasakin, hindi ko magawa dahil napaka-imposible.)
YOU ARE READING
The Choice
FanfictionSinong mas pipiliin mo? Ang first love mo na sobra-sobra mong minahal noon pero nasaktan ka din ng sobra pero handa niyang gawin lahat para lang mahalin mo ulit siya o yung taong dahilan ng paglimot mo sa lahat ng sakit na naramdaman mo at nagbigay...