Maris' POV
Isang linggo na ang lumipas. Naging masaya naman yung Christmas party namin kahapon pero mukhang may isang nalulungkot ngayon..
Huy bes! Anuna? tulala kasi 'tong katabi ko dito sa van eh jusko
Ha? May sinasabi ka ba? pagtataka niya dahil hindi niya ata narinig kase naka-earphones pala
Ang sabi ko, wag ka na kasing malungkot dyan! Di bagay sayo eh. ni-tap ko pa siya sa balikat niya tapos ngumiti na siya
Bangus! Kakanan o kakaliwa? tanong naman ni John kay Mccoy
Papunta na kasi kami sa bahay nina Janella para sunduin siya dahil ihahatid na namin sa airport at si John yung nag volunteer na mag drive nitong van nina Mccoy.
Kaliwa. sagot ni Mccoy
Hindi rin nagtagal ay nakarating na kami kina Janella. Ngayon lang kasi kami nakapunta dito at namangha kaming lahat dahil sa laki ng bahay nila. Pero wala pa ring tatalo sa bahay nina Mccoy lol.
Sina Mccoy at Carlo naman ang bumaba para buhatin yung mga gamit ni Janella at maisakay dito sa van.
Omg guys! Kumpleto pala kayong lahat ah! sabi ni Janella pagpasok niya sa van tapos tumabi na siya sakin
Napilitan nga lang kami eh kung di nagmakaawa si Mccoy hindi kami sasama! pagbibiro pa ni Nikko kaya nagtawanan kaming lahat maliban kay Janella na tiningnan lang si Nikko ng masama
Oy anong meron? tanong ni Carlo pagsakay sa van dahil nagtatawanan nga kami
Sumunod naman si Mccoy na sumakay na rin ng van.
Inaaway ni Nikko yung jowa mo, Bangus! pagsusumbong naman ni Jane
Nagtulug-tulugan naman si Nikko kaya natawa ulit kaming lahat haha.
Hoy pre, suntukan nalang! biro ni Mccoy tapos niyakap niya saglit si Janella kaya nag blush naman ito
Ayoko po kuya! Sayang ang mukhang 'to kung babangasan mo lang. pagmamayabang pa ni Nikko kaya napailing nalang kaming lahat hays
Pagkatapos naman ng eksenang yon ay natahimik na ang lahat. Pero malakas yung music sa loob ng van kaya may times na sinasabayan namin yon. Kumbaga soundtrip lang.
Ganito nga pala ang pwesto namin sa van...
John - Carlo (sila yung nasa unahan)
Karen - Ako - Janella - Mccoy
Jane - Sammie
Paulo - Nikko
Time check: 1:18pm
Medyo natagalan yung biyahe dahil sa traffic kaya naisipan muna naming kumain dahil hindi pa kami nagla-lunch. 4pm pa naman yung flight ni Janella kaya kering-keri.
Umorder na kaming lahat at sinabi ni Janella na treat niya daw yung lunch kaya natuwa kami lalo na yung boys.
Habang nag-aantay kami na ma-serve yung foods, nagpasama muna sakin si Janella sa cr at wala namang problema dun kaya pumayag ako.
Paglabas ko ng cubicle ay naabutan ko naman siyang nagre-retouch at nagsalita siya...
Maris, can you do me a favor? tanong niya ng seryoso at humarap sakin
Sure, anything. Ano ba yun? mabait naman kasi 'tong si Janella at magkaibigan kami
Pwede bang ikaw muna ang bahala sa boyfriend ko habang wala ako? sabi niya kaya napakunot ang noo ko
YOU ARE READING
The Choice
FanfictionSinong mas pipiliin mo? Ang first love mo na sobra-sobra mong minahal noon pero nasaktan ka din ng sobra pero handa niyang gawin lahat para lang mahalin mo ulit siya o yung taong dahilan ng paglimot mo sa lahat ng sakit na naramdaman mo at nagbigay...