CHAPTER 23

66 1 0
                                    

Mccoy's POV

Time check: 6:30am

Ano pre, hindi na talaga magbabago isip mo? tanong sakin ni Nikko habang naglalakad kami palabas ng hotel

Hindi na pre, dito nalang muna ako sa Cebu. Namiss ko din kasi yung pinsan ko eh. sagot ko kasabay ng pag ngiti ko ng pilit at ni-tap naman niya ako sa balikat at tumango-tango

Oo, babalik na silang lahat sa Manila pagkatapos ng hindi magandang nangyari kagabi. At ako, naisip kong mag stay pa ng ilang araw kina Tita dito sa Cebu.

Umaasa rin kasi akong pagbalik ko ng Manila ay maayos na yung gulo. Siguro, kailangan lang talaga naming makapag isip-isip pa about sa mga nangyari.

Dumeretso na kaming lahat sa van na sinakyan din namin noong hinatid kami dito sa hotel. Pero this time, hindi kasama si Dave papuntang airport dahil tulog pa daw.

Nang umandar na ang sasakyan, tumahimik na ang lahat at nagkaron nanaman ng sari-sariling mundo. Tumingin ako sa salamin para makita ang mga ginagawa nila sa likod. Dito kasi ako nakaupo sa passenger's seat habang may nakasuksok na earphones sa tenga ko.

Halos lahat sila ay nakatutok sa kani-kanilang mga cellphone. Pero si Maris ang umagaw ng atensyon ko, tulala lang siyang nakatingin sa labas habang nakapangalumbaba kahit nakabukas ang hawak niyang book.

Hindi ko maalis yung tingin ko sakanya hanggang sa bumuntong hininga siya at nagulat ako nang tumingin siya sa direksyon ko tas parang napakunot yung noo niya kaya iniwas ko agad yung tingin ko.

Ilang minuto na ang lumipas at nandito na kami sa airport. Nagsibabaan na silang lahat kaya bumaba na rin ako para tulungan yung iba sa pagbaba ng kanilang gamit.

Bye Mccoy, ingat! sabay-sabay na pagpapaalam ng girls (maliban kay Maris syempre) tumango lang ako na may kasamang ngiti at nagsimula na silang pumasok sa loob kasunod si Carlo na para bang walang pake sakin

Mccoy pre balik ka rin agad ha mamimiss ka namin! pagbibiro pa ni Paulo tas nag fist bump kami ganun din kay John at Nikko

Sige pre, pasok na din kami. Salamat! sabi ni Nikko

Osige, ingat kayo. Ingatan niyo din yung girls mga pre! pagpapaalala ko at tumango naman silang lahat atsaka tuluyang umalis

Tumalikod na ko at sumakay na ulit ng van. Pero hindi pa man kami nakakalayo mula sa airport ay napatingin ako sa likod.

May isang hindi kalakihang book ang naandon sa upuan kaya kinuha ko ito. May nakasulat na "MM" sa cover page nito kaya nagtaka ako.

Uhm, kanino po kayang book 'to? tanong ko dun sa driver

Di ko alam Sir, ngayon ko lang po nakita yang book na yan. Baka po naiwan ng isa sa mga kaibigan niyo. sagot naman niya kaya nanlaki yung mata ko kase ngayon lang nag sink in sa utak ko na ito yung book na hawak ni Maris kanina sht!

Manong balik tayo sa airport! sabi ko at agad naman niyang inikot ang sasakyan pabalik

Binuksan ko ang phone ko para matawagan si Nikko at agad naman niya itong sinagot.

On the phone

Nikko: Oh pre wag mong sabihing miss mo agad kami ha! natatawa pa niyang bungad

Me: Wag kang ano Nikko! Nakasakay na ba kayo?!

Nikko: Chill ka lang pre! Oo kakasakay lang, bakit balak mo na din sana umuwi? narinig ko pa siyang tumawa hays

Me: Shit! mahina kong sabi

Nikko: May problema ba?

Me: Naiwan kase ni Maris yung libro niya dito sa van. Pakisabi nalang sakanya. sabi ko ng parang nanghihinayang

Nikko: Ah akala ko naman kung ano! Sige pre ako ng bahala. Ikaw ha yieeeee at talaga nga namang nang asar pa -_-

Me: Bahala ka nga! binabaan ko na agad hahaha

Manong tara na pala kina Tita. sabi ko ulit sa driver

Tiningnan ko ulit yung book, si Lang Leav pala yung author kaya for sure maganda nga ito.

flashback

Nandito kami sa mall, sa isang bookstore to be specific.

Bat tayo nandito? pagtataka niya

Eh diba mahilig ka sa books? nakangiti kong sabi

Wow you're getting to know me na! pagbibiro niya kaya medyo natawa ako

Akala mo ikaw lang ha! sunod niyang sabi kaya napakunot yung noo ko pero siya nakangiti lang

May kinuha siyang maliit lang na book pero medyo makapal tas pinakita niya sakin yon...

Oh anong meron? tanong ko

The Universe of Us by Lang Leav, diba you also like poetry? Kaya mo pa ngang maggawa ng isang tula sa loob ng konting minuto lang eh. deretso niyang sabi kaya napangiti nanaman ako

Paano mo nalaman? ako naman yung nagtataka ngayon hahaha

Naikwento mo yon sakin dati ah pero siguro hindi mo na nga tanda. Ikaw pa eh ang bilis mong makalimot! binalik na niya yung book sa kinuhanan niya

Aalis na sana siya sa kinatatayuan namin pero nagsalita ako...

Wait, -- nilingon niya naman ako at kinuha ko ulit yung book na yon -- diba she's one of your favorite authors? At sa katunayan nga, kumpleto mo lahat ng books niya. sabi ko sakanya sabay wink tas pinalo niya ako sa braso

FYI Mccoyskie, hindi ko pa kumpleto lahat ng books ni Lang Leav no kulang pa ko ng isa! tas dinilian niya ako ng parang nang aasar pa

Ha? Eh diba -- pinutol niya yung sasabihin ko dapat

Hindi ko pa nabibili yung latest book niya. Anw, tara na nga! hinila na niya ako palabas ng bookstore na yon

end of flashback

Napabuntong hininga nalang ako nang maalala ko yung araw na yon. Namiss ko tuloy lalo siya. Hayy!

'Sad Girls' yung title ng book na 'to, siguro ito yung sinasabi niya noon na hindi pa niya nabibili pero nabili na pala niya ngayon.

Maya-maya ay tumunog bigla yung phone ko, si Maxine pala..

Cutie Pie/Babe: Mr. Montefalcon may balak ka pa bang magparamdam sakin? Ano bang nangyayari sayo? Kagabi ka pa hindi tumatawag o nagme-message man lang ah tapos puro delivered lang yung messages ko sayo. May problema ka ba? Tayo? Nabasa ko tweet ni Jane, pabalik na pala kayo ng Manila? Please kausapin mo naman ako. Nag-aalala ako sayo babe :(

Napasapo nalang ako sa noo ko, ano nga ba 'tong nangyayari sakin? Ang gulo gulo!

------------------------------------------------------------------------



























The Choice Where stories live. Discover now