Mccoy's POV
Wala akong magawa kundi mapabuntong hininga at mapailing nalang sa nakikita ko ngayon. Hindi parin kase tumitigil sa pag-iinom si Maris kahit lasing na siya at parang hindi na niya kaya. First time kong makita na ganito ang itsura niya, yung para bang may halong galit at sakit sa kanyang mga mata.
Hindi na rin kase ako matulungan ng iba na pigilan itong si Maris dahil ako na lang yata ang natitirang matino sa pagkakataong ito. Nagkaron na kami ng sari-sariling mundo pero nakabantay naman ako sa kanilang lahat lalo na dito sa katabi ko.
Maris, tigilan mo na nga yan! -- inagaw ko yung iniinom niya kaya tiningnan niya ako ng masama -- Tingnan mo nga yang itsura mo! Sa tingin mo ba kaya mo pa?! Sobrang lasing ka na oh! pagkasabi ko niyan, nakita kong may pumatak na luha mula sa mata niya kahit disco light lang ang nagbibigay liwanag sa loob ng room na 'to
Bigla niyang tinakpan ang kanyang mukha gamit ang mga kamay niya at narinig ko nalang na humihikbi na siya.
Mas lumapit pa ko sakanya at hinimas-himas ko ang kanyang likod bago magsalita, Ano ba kasing problema mo? Pwede mo namang sabihin sakin eh. Nandito lang ako.
Lumayo ka muna sakin please. sabi niya habang umiiyak parin at hindi nakatingin sakin
Pero bakit? pagtataka ko
Please Mccoy, wag ngayon. Mas mabuting lumayo ka muna. hindi niya parin ako magawang tingnan, ganun na ba ko kasamang tao?
Sige, lalayo ako. Pero pwede bang sabihin mo muna kung anong dahilan? lalo kasi akong na-curious
Kung ayaw mong lumayo, -- tumayo siya, tumingin na sakin at pinunasan niya yung mga luhang pumapatak sa pisngi niya -- ako ang lalayo. sabi niya at biglang lumabas
Napatingin muna ako sa iba pa naming kasama, at ngayon ko lang napansin na knock-out na pala silang lahat kaya napailing ako bago lumabas. Sinundan ko siya at buti nalang ay nasa labas pa siya ng videoke bar na 'to na para bang nag-aantay ng masasakyan.
Maris -- tawag ko sakanya at napalingon naman pero tinalikuran ako at magsisimula na sana siyang umalis kaso hinawakan ko siya sa braso -- Wag ka namang ganto, sabihin mo kung anong problema. at hinawakan ko naman siya sa magkabila niyang balikat para mapaharap ko siya
Nakatingin lang ako sakanya habang siya naman ay nakatungo lang at nagsimula nanaman siyang umiyak kaya niyakap ko na siya pero hindi ko maramdaman na niyayakap niya ako pabalik.
Sa totoo lang Maris, nahihirapan din akong makita kang nahihirapan. sabi ko sakanya sa gitna ng pagyakap ko
Humiwalay naman siya bigla at tinulak ako ng mahina, Mccoy, ayoko na! Tigilan mo na ko. Pinapaasa mo nanaman ako eh! sabi niya na para bang pagod na pagod na siya kaya naman napakunot yung noo ko
Anong ayaw mo na? Bakit kita titigilan? Paanong pinapaasa kita? sunod-sunod kong tanong dahil hindi ko talaga siya maintindihan
Umiwas nanaman siya ng tingin sakin.
Naguguluhan na ko Maris. sunod kong sabi at napabuntong hininga ako
Naalala mo ba yung gabing nalasing ka sa party ng friend ni Chloie? tanong niya kaya nagtaka ako
Oo, bakit? pagtataka ko
Nung dinala kita sa bahay, dun sa kwarto ko, nung pinupunasan kita, nagising ka tapos -- hindi niya itinuloy yung sasabihin niya dapat -- Tapos ano? tanong ko
YOU ARE READING
The Choice
FanfictionSinong mas pipiliin mo? Ang first love mo na sobra-sobra mong minahal noon pero nasaktan ka din ng sobra pero handa niyang gawin lahat para lang mahalin mo ulit siya o yung taong dahilan ng paglimot mo sa lahat ng sakit na naramdaman mo at nagbigay...