Maris' POV
Hinatid ako ni Mccoy dito sa bahay dahil nagpupumilit maige kaya pumayag na ko. Hindi muna ako nagpabebe dahil hindi ko talaga kinaya yung pagkakakulong ko sa stock room ng mahigit tatlong oras tapos wala pang ilaw kaya sobrang dilim. Hayy life!
Thank you ulit Mccoy ha? Pangalwang beses na 'to kaya maraming salamat talaga! sabi ko habang nakatigil parin yung kotse niya dito sa labas ng bahay pagkatapos ay nginitian ko siya, yung totoong ngiti talaga.
You're welcome! Next time kasi mag doble ingat kana hahaha. natatawa pa niyang sabi
Oo na! Tse! inirapan ko pero pabiro lang haha
Uhm, bakit mo nga pala ako hindi pinansin maghapon? biglang sumeryoso yung boses niya kaya napaharap ako sakanya
Kung may nagawa akong masama sayo, sor-- sunod niyang sabi pero pinutol ko
Nainis lang naman ako sayo kanina gawa nung pang-aasar mo samin ni Carlo. Ayun lang yon! Hahahaha natawa lang siya at napailing sa sinabi ko
Pero friends na tayo ha? Wala ng bawian yung kanina! nakangiti niyang sabi
Sus! Yun lang pala eh. Oo naman! tapos nag-apir pa kaming dalwa at sabay na tumawa haha
Osige na, umuwi kana. Gabi na oh! Salamat ulit! tumango lang ulit siya tapos bumaba na ko ng kotse niya at nag wave pa siya ng kamay bago tuluyang umalis
Hindi ako makapaniwalang sa isang iglap, magiging kaibigan ko yung mokong na yon haha. Hindi ko rin inaasahan na siya pa talaga yung tutulong sakin tuwing nasa piligro ako. Ngayon lang kasi nangyari sakin lahat ng 'to.
Yung masiraan ng sasakyan at hindi ma-contact yung driver, yung walang masakyan at na-lowbatt ang phone kasabay ng pagbuhos ng malakas na ulan na walang payong, yung mawalan ng malay sa kalsada, at yung makulong sa stock room ng ganun katagal.
In short, ngayon lang ako minalas ng ganito! At kung sino pa yung taong kinaiinisan ko ng sobra, siya pa yung magliligtas sakin sa lahat ng kamalasan ko. Knight in shining armor kumbaga. Sana nandyan nalang siya palagi para sakin. Charot!
Mccoy's POV
One week passed simula nang maging okay kami ni Ms. Sungit. Marami ng nangyari. Nagkaroon na ako ng mga bagong kaibigan. Masasabi kong nag e-enjoy na ko dito sa KU.
Nandito kami sa cafeteria. Break time na namin ngayong umaga. Kasama ko ang ilan sa mga kaklase ko at masaya kaming nagku-kwentuhan.
Guys, alam niyo na ba yung balita? sabi ni Karen na parang excited pa
Anong balita? Na ang lakas ng boses mo at rinig na rinig sa buong campus? pagbibiro ni John kaya binato tuloy ni Karen ng bote ng c2 na wala ng laman haha
Anong balita ba yan Karen? natatawa kong tanong
May transferee daw tapos ka-batch pa natin!
Teka, chicks ba yan? tanong ni Nikko tapos binato ni Sammie ng balat ng cheetos pero nakaiwas naman haha sayang
Hindi ko lang alam. Pero sana boy! Hahaha bleh!
Eh kailan daw kaya magsstart yon? tanong ng katapat kong si Ms. Sungit
Tss porket sinabi ni Karen na "sana boy", tinanong mo agad kung kelan papasok! sabi ko sabay iling kaya nagtawanan nanaman sila
Heh! Pake mo ba? tapos inirapan nanaman ako haha sanay na ko dyan
Nagseselos ako eh! Pake mo rin? pagbibiro ko pero nanlaki bigla yung mata niya kaya sinabi kong, Syempre joke lang! HAHAHA tapos ayun binato baga naman ako ng pringles na malaki hays
YOU ARE READING
The Choice
FanfictionSinong mas pipiliin mo? Ang first love mo na sobra-sobra mong minahal noon pero nasaktan ka din ng sobra pero handa niyang gawin lahat para lang mahalin mo ulit siya o yung taong dahilan ng paglimot mo sa lahat ng sakit na naramdaman mo at nagbigay...