Mccoy's POV
Nagda-drive ako papunta kina Maxine dahil babawi ako sa kanya ngayon gawa nung nakaraang araw na naiwan ko siya nung mga oras na kasama ko si Maris sa Blind Dating Booth.
Kaso biglang nag text si Carlo..
From: Brad Carlo
Brad samahan mo naman ako dito ngayon sa bar ni Ver.
Oliver is one of our close friend na nagmamay-ari ng isang sikat na bar. At doon namin paboritong tumambay dati.
To: Brad Carlo
Sorry brad pass muna ako ngayon, may lakad kami ni Maxine eh. Bakit ka ba nandyan?
From: Brad Carlo
Ah sige okay lang. Sabihin na nating masakit ang puso ko ngayon brad.
To: Brad Carlo
Woah! Edi ibig sabihin naglalasing ka dyan?
Ilang minuto na ang nakalipas pero hindi na ulit siya nagreply. Ano kayang problema ng kumag na yon? Matawagan nga si Maris..
On the phone
Bituin: Oh panget, napatawag ka?
Me: Nasa isang bar kasi ngayon si brad. Alam mo ba kung anong problema niya? Mukhang may planong maglasing yun ngayon eh!
Pagkasabi ko non ay biglang tumahimik sa kabilang linya.
Me: Huy! Andyan ka pa ba?
Bituin: Ah oo. Sorry may inutos lang kasi si Tita. So anong gusto mong gawin ko kay Carlo?
Me: Pwede bang puntahan mo siya don? May ibang lakad kasi ako ngayon eh. Please? Alam kong ikaw ang kailangan niya kaya pumayag kana ha?
Narinig ko namang napabuntong hininga siya bago magsalita ulit..
Bituin: Okay, fine. Ano pa bang magagawa ko diba? Pero wait, saang bar ba yung sinasabi mo?
Me: Yown! Salamat Miss Sungit. Uhm, sasabihin ko nalang kay Paulo na samahan ka dun para safe ka. Alam naman niya yun kung saan.
Bituin: Okay sige. Thanks!
Me: Orayt, bye. Ingat!
Bituin: Sige, ingat din.
Tapos in-end call ko na.
Tinext ko naman agad si Paulo para masamahan si Maris at buti nalang ay pumayag siya. Kaya medyo kampante na ko ngayon. Medyo lang kase si Carlo, hindi okay.
fast forward
Its already 7:46pm. At kakarating lang namin dito sa house nina Maxine.
Take care babe ha? Wag masyadong bilisan ang pagda-drive. Text mo ko pag nakauwi ka na. At magpahinga ka rin agad. bilin sakin ng napaka-maalaga kong girlfriend lol
Opo, masusunod. sabi ko at ngumiti
Osige, bye na! Thank you for making me happy today babe. sabi niya bago ako ikiss sa cheeks atsaka bumaba na ng kotse
Nag wave muna ako ng kamay bago tuluyang paandarin ang aking sasakyan.
On the way na ko pauwi nang biglang mag ring yung phone ko kaya agad ko naman iyong sinagot..
YOU ARE READING
The Choice
FanfictionSinong mas pipiliin mo? Ang first love mo na sobra-sobra mong minahal noon pero nasaktan ka din ng sobra pero handa niyang gawin lahat para lang mahalin mo ulit siya o yung taong dahilan ng paglimot mo sa lahat ng sakit na naramdaman mo at nagbigay...